Pseudo 6: Candice Natividad

134 1 0
                                    

UNEDITED.

Pseudo 6: Candice Natividad

After he walked out of the door naiwan lang akong nakatulala. Absorbing what he had said. At least the usual Vio, always hurting me. I suppressed a sob. Nyemas. Fine! If that's what he wants then fine! Gagawin ko kung anong gusto niya. I'm better off without him.

May one hour pa kong vacant bago ang next subject ko kaya magla-lunch muna ko. Hindi naman ako magpapakamatay para sa Viorel na 'yun. Ano siya sinuswerte? And I'm not out of my mind yet to commit suicide dahil mahal ko naman ang sarili ko kahit papaano.

Tinext ko muna sina Liz and Eury so that we'll eat all together without Vio, of course. Minute later, nagreplay naman sila agad.

From: Eury I'm so sorry, girl. Need to pile up my thesis.

From: Lizzie Inutusan ako ni Dr. Mendez na mag-ayos ng records. Can't make it, Cands. Just enjoy yourself. Mwua.

Looks like I'm all alone by myself. Bumili nalang ako ng makakain ko sa Caf and then pumunta sa MidPaz para dun kumain. Maganda kasi rito sa MidPaz. Madaming benches at garden-alike tapos nasa gitna pa ang Miraculous Fountain. You'd really feel alive.

Tahimik lang akong kumain habang pinagmamasdan kung tumutulo ang tubig sa fountain. Sabi nila, miraculous daw ang fountain. May legend pa nga 'yan, eh. Kung sino raw ang lalaking hinalikan o humalik sa'yo sa tapat ng fountain na 'yan saktong alas dose ng hatinggabi, 'yun daw ang makatutulyan mo at forever na kayong magmamahalan. Ewan ko kung totoo 'yun dahil sabi-sabi lang naman 'yun though marami ang naniniwala. Minsan nga sinasadya pa talaga nila para malaman kung totoo. Well, wala namang nag-confirm na totoo nga ang legend, wala rin namang nagsabing hindi totoo. Ewan.

"Hmm, ang sarap nito, a!" muntik na kong mabilaukan nang marinig ko ang pamilyar na boses sa tabi ko. Walangya! Tatlong kagat pa naman ang ginagawa ko sa isang burger! Ang malas ko naman kung mamatay ako dahil lang sa nabilaukan.

Tinignan ko siya at masigla niya pang nginunguya 'yung isa pang burger na binili ko. Dalawa kasi ang binili ko dahil kulang na kulang sakin ang isa. Imagine, ito na ang lunch ko! A burger and a pineapple juice!

Mabilis kong inagawa ang burger sa kanya bago pa niya tuluyang maubos. Maka-rape ng burger, akala mo patay gutom, e. "Bumili ka ng iyo!" singhal ko sabay kagat uli ng burger. Hindi pa siya nahiya at uminom pa sa pineapple juice ko. Inagaw ko agad sa kanya. Pera ko kaya pinambili ko nito!

"Di ba mayaman kayo? Pati pala mayaman, patay gutom na rin ngayon?" sabay irap ko pa. Akala ko kasi iyong mga walang makain lang ang patay gutom. O.. likas lang talaga sa kanya ang pagiging patay gutom?

"Nagugutom na ko, e. Hindi ko mahanap ang canteen niyo dito. Bakit naman kasi napakalaki ng school niyo?" reklamo pa niya. Aba, sinisi pa ang school namin!

"Kasalanan ba ng OIA na boplaks ka? Pwede naman kasing magtanong di ba?" inirapan ko siya habang patuloy sa pagkain. Ang dami-daming tao rito sa school ni hindi man lang niya naisipang magtanong? Shunga ever! Ang laki-laki ng Cafeteria. Dalawa ang cafeteria namin dito sa school. Isa sa college students at isa para sa mga high school. Dagdagan pa ng mga tabi-tabing fast food chain. Anyway, alam ko namang palusot niya lang 'yon. And I feel him dahil naligaw din ako nung unang salta ko rito sa OIA.

"Paano naman kasi ako magtatanong kung papalapit palang ako hinihimatay na sila?" mayabang na sabi niya. Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakalagay ang kanang braso niya sa sandalan ng bench at nakade-quatro. Naka-shades pa siya. Black slacks and navy blue long sleeves na nakatupi hanggang sa siko niya. Syet. Hindi na ko magtataka kung bakit nahihimatay ang mga babae sa kanya.

The Pseudo Bride (Revising + Translating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon