Pseudo 1: Candice Natividad

282 7 1
                                    

Pseudo 1: Candice Natividad

Parang tanga. Parang tanga akong umiiyak. Walang kaemo-emosyon ang mukha ko pero tumutulo ang mga luha ko. Sumisikip din ang dibdib ko na parang mauubusan ako ng hininga. Gusto kong humagulgol pero hindi pwede. Hindi naman kasi ako pwedeng ngumawa rito sa MidPaz. Kung pwede lang, kanina ko pa ginawa. Nakaupo ako sa isa sa mga benches. Feeling ko babahain na ko rito. Kahit kasi impit lang ang iyak ko, tuluy-tuloy parin ang pagdaloy ng mga lecheng luha ko. Dinaig na ata ang Miraculous Fountain dito sa school namin.

Nakakainis! Sisinghot-singhot pa ko habang dumaraan 'yung mga engineering students. E, paki ba nila! Naiiyak talaga ko, e. Tinitigan pa nila ko na para bang tinubuan ako ng tatlong ulo. Asar sila!

I mouthed, "Pak off" at them, inilihis naman nila ang mga tingin nila. Paki ba kasi nila kung kalat-kalat at mukha akong may blacked eye dahil sa mascara at eyeliner ko? They don't effin' care.

Nang makadaan ang mga pesteng naggwagwapuhang engr. students, dun na talaga ko humagulgol. Wala na kong pakielam! Kahit anong sabihin ng ibang tao, WALA NA KONG PAKIELAM. Buhay ko 'to at hindi sa kanila. Pakielamanan nila mga buhay nila. Pakyu sila. Kung may sasabihin silang hindi maganda tungkol sakin, they better go to hell. Bibigyan ko pa sila ng ticket.

My heart is sanking into deep pain. Alam kong ang tanga-tanga ko pero, wala. Ganun talaga. Kasama sa nature ng tao ang pagiging tanga. Sana nalang sa susunod hindi na ko magpakatanga uli. Bwisit! Nagulo ko nalang ang buhok sa sobrang asar, inis at sakit. I can't even see who passes me by. Blurred na ang paningin ko dahil sa fluid na overflowing kung lumabas mula sa mga mata ko. Hate this.

"Stop crying," nagulat ako nang may mag-abot sakin ng panyo. Isang puting panyo na may burdang 'baby Luiz'. Pero ayokong kunin, ayokong kinakaawaan ako. The hell. I am Candice Natividad, the insatiable Candice Natividad. Hindi sila pwedeng maawa sakin! No way!

"Kunin mo na, bago mo pa ilubog ang buong OIA sa luhang gawa mo." napatigil ako sa pag-iyak dahil sa sinabi niya. Ganun na ba karami ang nailuha ko? To the point na lulubog na ang OIA? Lalo akong naiyak. San nalang ako papasok kung lumubog na ang OIA? Wala ng school ang kasing ganda ng school na ito. Mahal na mahal ko ang OIA. Hindi ito pwedeng lumubog.

"Kunin mo na." nag-angat ako ng tingin. Bakit pati mukha ng lalaking ito, blurred din? Pero kahit ganun, kinuha ko parin ang panyo. Pinunasan ko ang mga luha ko pati narin ang sipon ko, ang laway ko narin kung mayroon. Siguro pulang-pula na ang mga mata at ilong ko dahil sa kakaiyak. Hindi ako pwedeng magpakita kina Eury na umiiyak ako. Siguradong eechosin na naman nila ko. Iimbestigahan nila kung bakit ako umiyak, hindi pwede. Hindi pwede. Ayokong malaman nila.

"Salamat--" magpapasalamat na sana ko sa nagbigay ng panyo sakin pero wala na siya. Wala na 'yung lalaki. Bakit siya umalis? San siya nagpunta? Hindi ko pa nga naibabalik itong panyo sa kanya. Hindi pa ko nagpapasalamat. Binaling ko ang mga mata ko sa panyo, 'baby Luiz'. Kailangan ko siyang mapasalamatan. Kailangan kong maibalik itong panyo sa kanya. Pero ilan naman kayang Luiz ang meron sa school na ito? Hindi ko nalang pala siya hahanapin.

Tumayo na ko at inayos ang sarili ko nang kaunti. Didiretso muna ko sa comfort room para maghilamos. Baka matakot sakin ang mga makakasalubong ko dahil sa horrible state ng face ko. Pero kahit ganun alam ko namang maganda parin ako. Walang kupas. Joke! Hehe.

---

"Anong meron, Liz?" tanong ko kay Lizzie - bestfriend ko since high school, tatlo kami actually si Eury 'yung isa but she's missing - nang pumunta ako sa cafeteria. Sabay-sabay kasi kami palaging kumakain sa caf kahit na iba-iba ang schedule namin. Nagkukumpulan ang mga tao sa gitna ng cafeteria. Kahit sino sa kanila nagkandahaba-haba ang mga leeg para lang makita kung anong nangyayari.

"Si Vin, may kaaway na naman." mahinang sabi ni Liz. Yumuko pa siya. Ang gaga parang namatayan! Anong meron at parang hindi naman siya nasanay sa pakikibasag-ulo ng kapatid niya? Ni hindi niya na nga inaawat 'yung kumag na 'yun dahil walang nakakaawat dun - kahit sino, except.. me.

"Please, Cand. Awatin mo naman siya, o." maluha-luha na si Liz habang nagmamakaawa sakin. Tae! Itong bruhildang 'to ginagamitan na naman ako ng innocent look niya. Liz is always the pa-demure and charming among the three of us at oras na gamitan ka niya ng spell niya, wala na. Guards down na.

"But Liz, I'm afraid na makikinig pa siya sakin this time." Oh, please. Hayaan mo nalang ang kapatid mong mabugbog, Liz! Ginusto niya 'yan, e! Better taste his own medicine. At kahit naman ganyan 'yang si Vio, hindi pa siya natalo kahit kailan. Hindi na siya si Vin o Vio kung matatalo siya.

"Just try, Cand. Gusto mo bang madeform ang mukha ng kapatid ko? Mawawalan ng inspirasyon ang lahat ng babae rito sa OIA kapag nangyari 'yun." she insisted, pleading. Oh, dios mio! Bakit ba kasi naging kapatid pa nitong si Liz si Vio? And take note, hindi lang sila magkapatid. They're fraternal twin! Kambal! How I wish na kambal nalang din ang ugali nila.

"Pero Liz.."

"Last na 'to, Candice. For the last time please?"

"You know, I hate this. But.. fine." huli nalang naman 'to di ba? Last na talaga ito dahil hindi na ito mauulit pa. Never as in never nang aawatin ko si Vio sa mga preppy fights niya! This is the last. I swear.

Lumapit na ko sa crowd at pinatsugi ang mga nakaharang sa daraanan ko. Fortunately, humawi naman ang mga chicmosa't chismoso kong schoolmates. And there, I saw Vio punching the guy beneath him. Hindi ko kilala 'yung lalaki pero alam kong anytime mawawalan na ito ng malay dahil sa mga sunud-sunod na suntok ni Vio. Parang may pinanghuhugutan ang mga suntok niya. His hazel nut eyes were shouting his anger. Dati naman nilalaro lang niya ang mga ganitong away ah. What happened?

"Stop that Viorel! Kung gusto mo pang magkabalikan tayo." I said through greeted teeth.

Napahinto siya at limang segundo ang inabot bago siya tumingin sakin. Punung-puno ng dugo ang kamay niya. Tarantado talaga.

And yes, Viorel is my ex. Nakakagulat ba? No. Actually, kami pa 9 hours ago. That explains kung bakit mukha akong tangang umiiyak kanina sa MidPaz.

(MidPaz short for Middle Plaza which is located in the heart of OIA - Olivarez International Academy)

Gladly, tumayo siya. Sa wakas umalis din siya sa ibabaw nung lalaki! Saktong pagtayo ni Vio ay siya namang pag-alalay ng mga chismosong schoolmate ko dun sa binugbog niya. May silbi rin pala 'tong mga ito, hindi lang maki-chismis ang alam. And now kilala ko na kung sino ang binugbog ni Vio. Si Sef lang naman ang akalang dahilan ni Vio kung bakit kami naghiwalay. Nakakapunyeta talaga itong Viorel na ito. Kaya lagi akong naha-highblood nung kami pa, e! Kung ganyan ba naman ang boyfriend mo, hindi ka ba maloloka? Buti nga hindi pa ko dinadala sa mental hospital dahil sa stress na dulot ni Vio.

Unti-unting lumapit sakin si Vio but I took back a step. Tinitigan ko siya. His well-shaped face, his hazel nut eyes, his aristocratic nose, his thin red lips. Perpekto na siya kung titignan mo, pero hindi.

"Candy.." tawag niya sakin. Aabutin niya sana ko gamit ang kamay pero umatras uli ako. It's so eewy kaya! Ang daming dugo ng kamay niya tapos hahawakan niya ko?!

"Ahh! F-ck!" napasabunot siya sa buhok niya na para bang frustrated na sa buhay. Tinitigan niya ko sa mata and I swear I saw his tears dripped off his face.

The Pseudo Bride (Revising + Translating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon