Pseudo 3: Candice Natividad

189 3 2
                                    

Note: UNEDITED. I haven't enough time to proofread this chapter. You might encounter typographical errors. Happy reading!

Pseudo 3: Candice Natividad

"Hoy, Cands!"

"Cands? Yuhoo?"

"Cands? Buhay ka pa?" naramdaman kong may tumutusok sa pisngi ko. Arrgh.

"Hwag mong tusukin!"

"E, ayaw magising, e!" Ang ingay!

"Kahit na! Buhusan mo nalang kaya ng tubig." boses ni Eury,

"Oo nga ba't di ko naisip. Wait lang kukuha lang ako sa ref." napadilat ako nang marinig ko 'yung sinabi ni Liz. At talagang papaliguan nila ko rito sa kama ko, a?!

"Hoy, hoy! Balik dito! Baliiiik!" tawag ko kay Liz habang papalabas siya ng kwarto ko.

"Uy, gising kana!"

"Hindi. Dilat lang pero tulog pa."

"Liz! Hala, sige kumuha ka ng malamig na tubig! Buhusan 'to! Sobrang korny!"

Si Liz naman, kukuha nga uli ng tubig. Saksakin ko kaya 'to?

"Gising na ko! Gising na ko! Hindi niyo ba nakikita? Gising na ko!" tumalon-talon pa ko sa kama.

Umupo na ako. "Ano bang ginagawa niyo rito?"

Ang aaga kasi mambulabog. Hindi nga ako pumasok today dahil kailangan ko raw ng pahinga sabi nung doctor tapos eto naman sila hinahaggard ako.

"Binibwisita ka lang namin. Just checking kung buhay ka pa ba." bored na sabi ni Eury habang kumuha ng magazine sa working table ko at nagbasa.

"Well, I'm still alive and kicking. Layas na kayo!"

"Grabe ka naman, Cands. Hindi pa nga ako nag-aalmusal, e. Pakain muna!" another thing about Liz, she is a glutton.

"Echosera! Ginawa pang feeding center ang bahay ko!"

"Sus, damot." bulong pa niya nang parang bubuyog. With matching nguso pa 'yan at panlalaki ng butas ng ilong.

"Nga pala," sabay kaming napatingin kay Eury, "siguraduhin niyong pupunta kayo sa graduation ko, a. Magkalimutan na tayo pag hindi kayo pumunta." dagdag pa niya. Wondering? Masipag kasing mag-aral si Eury. Kahit summer pumapasok 'yan. Pinagsabay-sabay niya rin lahat ng units niya. Ginawa niyang 2 years and half ang 4 year course niya na BS ComArts. And now, isang semester nalang gragraduate na siya. Lucky girl.

"Ang layo pa! Isang sem pa. Excited ka naman dyan."

"Pinapaalala ko lang sa inyo."

"Oh my God!" marahas kaming sabay na napalingon kay Liz. Sabay pa kami ni Eury na tinaasan siya ng kilay.

"What?"

"Oh my Gosh! OMG!" tumakbo siya kung nasaan naroon si Eury at inagaw ang magazine.

"Hey! Nagbabasa 'yung tao, e!"

"OMG! Ohmayjii!" tumalon-talon siya habang tumitili after she stared what on the magazine.

O-kay. I don't get her.

The Pseudo Bride (Revising + Translating)Where stories live. Discover now