Pseudo 4: Candice Natividad

161 2 0
                                    

Note: Typographical errors ahead.

P.S. Dedicated to my first ever fan! Thank you!

Brixx ♠

Pseudo 4: Candice Natividad

Kahit gusto kong magsalita para i-counter ang sinabi niya sakin, hindi ko magawa. Tae naman kasi! Sobrang gwapo ng lolo niyo!

"Mukhang ayos na kayo rito. Mauuna na ko, son. By the way, I like her." sabi naman nuong matandang lalaki na ngayon ko lang napansin na magkamukha pala sila. Tinapik pa nito ang tinatawag niyang "son" sa balikat pagkatapos ay lumarga na ito paalis.

"A-anong ginagawa mo rito?" nauutal na tanong ko sa kanya. My gad! Siya ang taong pinaka-ayaw kong makita hanggang sa dulo ng walang hanggang!

Umupo siya sa isa sa mga sofa sa sala namin. Feel at home pa. Pagkatapos ay ngumisi siya. 'Yung ngising 'yang! I loath that! Tuwing ngumingisi siya, si Joker ang naalala ko! Ganun na ganun ang ngisi niya! Shete. "Anong ginagawa ko? Kanina nakatayo ako, ngayon nakaupo na. Masaya ba?"

"Masaya. Pero mas masaya kung wala ka rito." Maniwala kayo, ang lalim ng pinanghuhugutan ko.

"Ganyan mo ba i-welcome ang pinakamabait mong kaibigan?" nakataas pa ang kilay na sabi niya. Jusme, di bale nang wala akong kaibigan. At saka, kailang pa kami naging magkaibigan nito?

"Ha-ha-ha. Pinakamabait? Ang alam ko wala 'yun sa bokabularyo mo, Race Joseph Adriatico."

"Whoa. Ganun mo talaga ko kamahal? Pati pangalan ko hindi mo parin nakakalimutan." tumawa pa ang walanghiya nang nakakaasar. Kapal ng mukha, mahal ko raw siya? Bigiti na. Sino ba naman kasi ang hindi makakalimot sa worst nightmare ng buhay mo? Buong high school - ah, hindi, simula pa pala gradeschool siya na ang bangungot ko. Kaya pano ko siya makakalimutan, aber?

I just glared at him. Pinanlakihan ko siya ng mata. Kahit na alam kong wala itong epekto dahil manhid ang lalaking ito. "Di ba nasa States ka? Bakit bumalik ka pa rito?" pinameywangan ko siya. This time, wa-care na ko kung ang gwapo-gwapo niya. Oo, kahit hirap na hirap ang kalooban kong tanggapin na gwapo siya, gwapo talaga siya.

"How sweet of you, Candypots. Pati pala pagpunta ko sa States alam mo rin." sabi niya pa. Malamang, 'yun kaya ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Nagpaparty pa nga ako that day sa sobrang tuwa dahil sa wakas wala nang pumepeste sa buhay ko. At magiging payapa na ang buhay ko for the first time in my whole life existence. "Anyway, tinitignan ko lang kung buhay ka pa. Akala ko kasi nag-suicide ka na sa sobrang depression nung umalis ako."

Inirapan ko lang siya. Dami-daming sinasabi, daming alam! Sana pati papuntang Mars alam niya. "Well, makakaalis ka na. Kitang-kita mo naman, buhay na buhay ako. Kaya kung pwede lang lumayas ka na bago pa ko mag-spray ng insect sprayer."

"My, my, Candypots. Masanay ka na kasi starting today, araw-araw mo nang makikita ang gwapong mukhang 'to." Sabay kindat niya pa. Oh, Lord. Sobrang dami ko bang kasalanan para parusahan ako ng ganito?

"What do you mean araw-araw? Hwag mong sabihing araw-araw kang pupunta rito?!" Okay. I'm being hysterical dahil hindi ko talaga kakayanin 'yun.

He looked me straight in the eyes and there was again his Joker-alike smile. "Nope." saad niya popping the "p" pagkatapos ay tumayo at nilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilaang bulsa. Salamat naman at hindi pala siya pupunta rito araw-araw. Atleast, magiging payapa ako rito sa bahay. Kahit papano.

The Pseudo Bride (Revising + Translating)Where stories live. Discover now