Pseudo 7: Candice Natividad

121 1 2
                                    

Pseudo 7: Candice Natividad

Clean and green is an advocacy to maintain our environment dirt-free and surrounded by trees and plants. It is an advocacy to meet no pollution and eco-friendly environment...

Napaangat ako nang tingin nang biglang bumukas ang pinto ng detention room. Ako lang kasi ang mag-isa rito habang inumpisahan ko na ang malupitang essay ko. Hindi lang ilong ang dumudugo sakin, pati utak ko dumudugo at natutuyot. Kamote.

Si Luiz ang may kasalanan nito. Tandang-tanda ko pa kung paano niya ko paglaruan kanina.

Napanganga ako nang sabihin niyang detention plus 10-page essay plus community service and take note, for a week. Community service for a week?! May sapak ata 'to. Hindi naman ako nakipag-away o kung anuman na mas malala pa sa pagkakalat tapos ganun kabigat ang parusa ko?

Syempre, tumutol ako. "Excuse me? Nagkalat lang ako hindi ako gumawa ng karambola. Kung 'yung nag-boycot nga na mga estudyante nagcommunity service lang ng 5 hours, eh! Tapos ako for a week? May bonus pang detention at essay writing?"

Tumikhim muna siya bago nagsalita. Talagang raging with anger na ang dugo ko. High blood na ata ako. "That's the point. Maliit na bagay lang ang pagkakalat but you still did it? It is five years now that we don't have a case like this, littering. Not until you did it. Now, detention room." makapangyarihan niyang sabi. That time, narealize ko kung bakit siya ang naging SSC's president. Fine. Dati nagdududa ako kung bakit siya ang naging president. Ang dating niya kasi ay puro porma lang at walang ginawa kung hindi mang-snob ng babae according to Liz. But not at this moment. Wow. Somewhat, napatango ako sa utak ko. He deserve the position.

Pero kahit na! Grabe parin 'yung parusang ibinigay niya! Tinitigan ko siya nang masama. Brown versus ash gray eyes. Pero sa huli, wala. Bumigay din ako at nag-iwas ng tingin. I didn't know that someome can beat me in an eye war. Napasimangot na naman ako.

"Hindi ba pwedeng bawasan? Kahit tanggalin mo nalang 'yung essay then gawin mong 3 hours community service nalang!" angal ko pa. Nagtaka ako nang mapasinghap ang iba pa naming kasama rito sa office. Now, what? Don't tell me may nagawa na naman akong di maganda at may parusa na naman?! Jusme naman, buhay!

Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya. Nakalagay ang magkabila niyang kamay sa bulsa ng slacks niya at naglakad papunta sa harapan ko. Putcha, ba't kinabahan ako bigla?

"Are you even aware that I am the Supreme Student Council President?" naiiritang sabi niya.

"Oo naman 'noh! Anong tingin mo sakin, walang pakielam?" though medyo true 'yung sinabi ko. Alam ko naman na siya pero hindi ko alam na siya. Gets niyo? Hindi ko rin gets, eh. Anyway, thanks to Liz for being a very reliable source.

The Pseudo Bride (Revising + Translating)Where stories live. Discover now