Pseudo 5: Candice Natividad

165 3 0
                                    

Note: Dedicated sa kanya kasi.. basta, thanks for fanning me! XD

Brixx ♠

Pseudo 5: Candice Natividad

"Gising na pala ang mahal na hari?" bungad ko sa kanya sabay kagat sa loaf bread na hawak ko. Tumusok din ako ng bacon at saka isinubo. Pupungas-pungas pa siya habang bumababa ng hagdan. Kapal talaga ng mukha, naka-boxer shorts lang ang mokong. Di man lang nag-effort magbihis. Humila siya ng upuan kaharap ko at doon umupo.

"Manang, patimpla naman po ng gatas." utos pa niya sa kasambahay namin. Kapaaaal. Kasing kapal ng encyclopedia.

"Grabe naman, Cands. Maaga pa kung makatingin ka dyan para kang papatay." aniya na bedroom voice pa. Aba, bumebedroom voice! Akala ko natatae lang.

"Gusto mo ba talaga malaman ang definition ng tunay na papatay?" naniningkit na mata na sabi ko.

"Nah." saad niya na parang ayaw ng kausap dahil abala siya sa pagkain. Punung-puno pa ang bibig, o!

"Hanggang kailan mo ba ko pepestehin dito?" tanong ko.

"Don't know. As long as I want? Kung gusto mo, forever na ko rito. Why not di ba?" kibit-balikat niyang sabi.

"Sige. Para naman forever din kitang me-murder-in. Mas gugustuhin ko pang tumira sa kulungan kaysa sa makasama ka sa iisang bahay." tumayo na ko at inayos ang bag ko. Papasok na ko sa school.

"Yeah. Whatever." he stated, busily munching his breakfast.

"Whatever pala, a!" pinalo ko siya nang malakas sa likod niya to the point na matatanggal na 'yung baga niya. At dahil sa sobrang kasibaan niya, nabilaukan siya. I grinned and walked out of the door hearing him say, "Humanda ka sakin mamaya, Candice! Arggh!"

"Yeah. Whatever."

I arrived at school at exactly 8:30 am. 9 am pa naman ang first subject ko, so nagmuni-muni muna ko habang naglalakad sa napakalaking OIA. Alam niyo ba na ang OIA ang pinakamalaking international school dito sa Pilipinas? Syempre, hindi niyo alam 'yun. Di naman kayo rito nag-aaral, e.

Binabagtas ko ang kahabaan ng Catwalk nang may tumawag sa pangalan kong matamis. "Candice!" paglingon ko si Lizzie ito.

"Oy, morning!"

"Magaling ka na?" sumabay na siya sakin maglakad. Ang cute ng dress ni Lizzie. Bagay na bagay sa kanya. Naka-head ban pa siya na kapartner ng kulay peach niyang dress. Samin kasing tatlo, si Lizzie ang maknae - oops! Taas paa ng nakakaalam nun? Ah, basta siya ang maknae namin. Si Eury naman palagi lang binuburo ang sarili sa loob ng kwarto niya o kaya sa dulo ng library. Ewan ko ba dun, may kinukulam ata 'yung babae 'yun.

"Cands, gusto.. uhm.." nagsalita siya na parang may pag-aalangan pa kung sasabihin niya o hindi 'yung kung ano mang gustong sabihin ng kumakati niyang dila.

Huminto ako sa paglalakad at hinintay siyang magsalita, "Ano? Anong 'gusto, uhm'?"

"Kasi.. ano.. hwag kang magagalit, a!" sigaw niya habang nakapikit at nakayuko. Nag-cross finger din siya. Mental!

"O, ano ba kasi 'yun? At bakit ko naman kailangang magalit, aber?"

"Basta! Promise me muna!"

"Payn. Promise."

Tinitigan niya ko ng parang nagdududa. "Totoo ba 'yang promise na 'yan? As in sincere?"

"Liz, sa panahon ngayon, si Spongebob nalang ang sincere. O, ano na? Sasabihin mo ba o hindi?" naiinip na sabi ko sa kanya. And again, tumitig na naman siya sakin tapos yumuko at tinap-tap ang isang paa sa sahig.

"Hwag.. hwag nalang pala." nakayuko niyang aniya. Gusto ba ng babaeng 'to na hindi ako makatulog? Magsspoil siya ng ganun sabay hwag nalang? Ayos 'to, a! Hindi pwede. Hindi ako makakatulog niyan, eh.

Nagsimula na uli siyang maglakad kaya hinarangan ko siya. Nakayuko lang siya kaya hindi ko makita ang mukha niya o ang expression niya. Halata namang gustung-gusto niyang sabihin sakin kung anuman 'yun. At saka sigurado ako na importange 'yun dahil hindi naman siya magiging ganyan kung hindi importante ang sasabihin niya.

"Lizzie.." nilagyan ko na ng parang pagbabanta ang boses ko. Pagbabanta na magagalit ako sa kanya kapag hindi niya sinabi sakin.

"Hay.." bumuntong hininga muna siya nang malalim tapos pinaypayan ang sarili gamit ang mga kamay niya.

"Liz, naghihintay ako."

"Oo na! Oo na!"

"Ano na nga 'yon?"

naiinis at naiinip kong lintanya. Ganyan talaga 'yan si Lizzie pero bandang huli sasabihin din niya 'yan. Nagpapapilit lang talaga. Psh.

"GustokarawmakausapniVinkasobakahindimorawsiyapasininkayasabiniyaakonalangdawangkumausapsayotaposkapagpumayagkaayhindipumuntakanalangpalasalikodnglibraryafterclass!"

Hindi ko alam kung saan ba ko dapat matulala. Dapat ba kong matutula dahil sa bilis ng sinabi niya o dahil wala akong naintindihan sa mga 'yon? Bakit ba baliw ang mga taong nakapaligid sakin? Minsan iniisip ko tuloy, buti hindi pa ko nahahawa sa kanila. Kalurkey!

"Alam mo, Liz, ikain mo nalang 'yan. Gutom lang 'yan." sabay tapik ko sa balikat niya at lumarga na paalis. Narinig ko lang na bumuntong hininga siya. Kung makabuntong hininga akala mo pasan niya ang daigdig. Tsk.

Before ENG 111, nakaupo na ko sa loob ng classroom. Tapping my feet on the floor. Maya-maya, pumasok si Vio then sinundan ng prof. namin kaya hindi ko na siya nagawang kausapin at hindi rin naman siya umupo sa tabi ko like what he usually did. Parang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Of course makakaramdam ka talaga! You had just broke up with him! Yeah, I'm much very aware of that. Kasalanan ko. Kasalanan ko. Paulit-ulit sa utak ko 'yan pero kasalanan ko ba talaga? No. Vio's fault it is. Hindi naman ako shunga para pakawalan siya kung hindi siya nakagawa ng kasalanan. Si Vio na ata ang pinapangarap ng bawat babae rito sa OIA. Every girls in here have their eyes on him. Kaya nga nung naging kami, maraming nagalit sakin. Can't blame them. Si Vio 'yun, e. Si Viorel Isaac Navarro, one of the heartthrobs ika nga nila.

The prof. is discussing very well kaya nakinig nalang ako. Wala rin naman akong mapapala if I'll think about it over and over again. It will just deepen the pain. And just like that, 3 hours had passed and I immediately took my step towards Vio after our professor dismissed us.

Halatang nagulat siya pagkakita niya sakin base narin sa expression niya. Nagtitigan lang kami for I don't know how long. Mata ko sa mata niya at sa kanya sa akin. Kanina sa klase, he's so active and impressive. Kada magtatanong ang prof. siya agad ang magtataas ng kamay para sumagot. Not the usual Vio. At ngayon ko lang din napansin ang ayos niya. His worn out jeans and his unkempt hair is gone. Anong nangyari?

Lumunok muna ko ng litro-litrong laway bago ako magsalita. "Iniiwasan mo ba ko, Vio?" buong tapang kong tanong kahit na parang hihimatayin na ko sa titig niya.

"Oo. Kaya kung pwede lang, hwag mo na kong kakausapin." and it torns me a thousand times.

The Pseudo Bride (Revising + Translating)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora