Teka lang. Diba sabi niya, pwedeng tumawag ng abogado? Lawyer naman si Jeff ah. Kanya-kanya ba dapat 'yan? Fine, tatawag ako ng sarili kong lawyer.

Bakit hindi niya sinasagot, I dial her number, sagutin mo na.

"Miss gusto mo?" Yung parang adik kong katabi sa upuan ay inaalukan ako ng bubblegum. Yung nginuguya niya kaning bubblegum, inoffer nyia sa akin. "This tastes yummy." Tapos sinubo niya ulit at ngumuya-nguya pa siya.

Gusto ko ng umuwi!

"H-hello?"

"ANJ! BUTI SUMAGOT KA NA!" Meet my lawyer, si Anj. Sugurin nyia lang ang mga pulis dito, for sure wala silang binatbat.

"Ano ka ba Teeny Weeny. Alam mo ba kung anong oras na? Hatinggabi na kaya!" sabi ni Anj habang humihikab.

Naku nagising ko hata si Anj. Kaya pala medyo sleepy voice pa siya. "Anj sorry! Pero kasi sabi nila kailangan ko daw tumawag ng lawyer then dapat five minutes lang kaya binibilisan ko talaga magsalita tapos yung katabi ko binibigyan ako ng kinagat na nyang chewing gum samantalang yung isa naman super lakas humilik tapos—"

"Sandali nga Tin. Dahan dahan nga lang—"

Maghahyperventilate na ako. "Syempre gusto ko na nga umuwi kanina pa pwero hindi naman ako pinapaalis dito tapos si Jeff kanina pa sya nakikipag-usap dun hindi naman nya ako pinapansin kaya kanina pa ako nakaupo na walang ginagawa eh hindi ko naman talaga alam kung—"

"TIN! SSHH! SANDALI LANG!" Narinig ko siyang nagsigh. "Nabaliw ka na ba talaga? Wag ka nga magpanic dyan! Ano ba talagang nangyari, hindi kita maintindihan eh."

"ANJ NASA POLICE STATION AKO!" Nanahimik naman si Anj sa phone pero maya maya lang.

"Weh?"

"Anj naman eh!! Hindi 'to joke. Andito nga ako talaga!"

"Weh?"

"Anj please makinig ka naman! Five minutes lang ako pwede. Ayan nga o, tinitingnan na ako ng masama nung pulis."

Matatapos na ba agad ang time. Wala pa akong nasasabi. Narinig ko naman siyang tumawa.

"Seryoso ba yan Tin? Ikaw? Nasa police station? Ikaw talaga?" Tumawa ulit siya. "Wow, congrats."

"Congrats ka dyan. Ito naman eh, seryoso nga."

Tumawa ulit siya. " Ano ba kasing nangyari? Bakit andyan ka?"

"Basta Anj sinuntok kasi ni Jeff si Eric, tapos nagkakasakitan na sila. Then syempre pinatunog ko yung fire alarm kaya nireklamo ako ng manager."

Lumapit na sa'kin ulit ang pulis.

"Wow talaga? Si Jeff mo nakipagsuntukan? Ha! Tama nga ata yung theory ko." Tapos bumulong pa siya. "Selos lang pala eh."

"Huh? Ano sabi mo Anj?" Tinuturo na nung pulis ang relo niya. "Uy ano na, ano nang gagawin ko? Tapos na yung oras ko sa phone 'no. Pupunta ka ba dito?"

Sumesenyas ako sa pulis na wait lang. Nagcross arms naman siya.

"Nope Tin. Hindi ko na kailangan pumunta dyan. Makakalabas ka naman kahit wala akong gawin 'no."

"Hala naman Anj! Please gumawa ka ng paraan, isa lang yung pwedeng tawag na gawin ko eh."

"Chill ka lang Teeny Weeny. There's only one thing you need to do."

"Ano naman yun?"

"Kailangan mo maging.... isang SUPER GLUE!"

"What?" Nababaliw na talaga 'to si Anj.

Seducing My HusbandWhere stories live. Discover now