Unti-unti ko ring napagtanto na hindi niya rin siguro sinadya na magkadikit ang labi namin. Binitawan ko siya agad at medyo sinisi pa ang heels! Kung sana nag flat shoes ako, hindi kami magki-kiss!

Inis kong tinalikuran siya at hinanap ang locker ko. Mabilisan akong kumuha ng napkin at extrang palda roon ko at pumunta ng CR.

Napatakip ako sa mukha gamit ang mga palad nang makapasok sa cubicle. What the hell... happened. Nakakahiya ka, Axiesse! Alam kong normal lang naman duguin kapag babaeng teen-ager pero kailangan talaga maraming makakakita?! That's gross! Nakita rin ni Zae!

Bwisit na bwisit ako sa lahat pati na sa sarili.

Pagkalabas ko ng cubicle ay tinali ko pa rin ang coat ni zae sa baywang. Bahala siya dyan. Humarap ako sa salamin at wala sa sariling napahawak sa labi. My heart's still beating faster. Nakakahiya talaga. Sobra. Parang ayoko na mag-aral at mag in disguise na lang para sa misyon. Uminit pa ang pisngi ko nang maalala kung gaano kalambot ang labi niya.

What the hell, Axiesse. Napahiya ka na nga, ganyan pa ang iniisip mo?!

Naghugas na ako ng kamay at tumingin sa wrist watch. 20 minutes na lang at kailangan na naming bumalik sa hall. Parang pati roon, nakakahiya na ring bumalik. I'm sure the news travels fast.

Maya maya ay papasok na ako sa canteen. Ang daming nakatingin sa 'kin. Syempre, palagi naman silang ganyan simula nang sinira ko ang pinto ng Special Class. Mga hindi maka move on!!!

"Owemji. Sila na ba talaga ni Zae?"

"I don't know nga eh. Sana hindi."

"Eh kalat na kalat na sa buong campus na nag kiss sila..."

Kalma lang tayo dyan, Axiesse.

Huminga ako ng malalim.
Ang bilis nga kumalat ng balita. At correction girl, hindi kami nagkiss. Disgrasya 'yon!

May mga tao talagang hindi alam ang totoo pero nagpapaniwala pa rin sa mga sabi-sabi kahit na wala sila sa lugar na pinangyarihan. There's are also people who witness the truth but still have the guts to rewrite the story!

Halos irapan ko sila pero bahala na sila dyan.

"Haay naku, andami na talaga ngayong malalande!"

"Baguhan pa lang siya pero nakiss niya na agad si Zae! Grr. Grabe yorn."

"Oh my gee!"

Napabuntong hininga ako at inayos ang salamin, umupo na sa upuan ko kanina. Nagulat silang lima nang makita ako.

"Axiesse! Ano 'yong nabalitaan namin haa???" Si Cherwin.

"Seesh! Nag kiss daw kayo ni Zae!?" Kinikilig na sambit ni Sasha. "Kaya ka siguro pumunta sa CR dahil do'n kayo maghahalikan-"

Masama ko siyang tiningnan. Tumawa lang ang animal.

"Totoo ba 'yon, Ax?" Tanong pa ni Yumie.

Hindi ko na alam kung sino ang unang sasagutin ko. O, huwag nalang siguro.

Ngumisi lang si Zell sa 'kin at ibinalik na ang earphones sa tainga niya.

"Harujusko! Umalis ka lang at meron na agad kaming nabalitaan na nag kiss kayo ni Zae?!" Nanlalaking mata na wika ni Arjie.

"Ang sabi sa CR daw naghalikan-" si Sasha.

"Gagita! Ang sabi malapit daw sa CR."

Ang ibang students dito sa canteen ay mukhang makikichismis na rin.
I put my elbows on the table and hopelessly covered my face with my palms. What the heck. Ang lala talaga ng mga chismis nila.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon