Ella*XXXVIII

2K 59 8
                                    

Ella's POV

Nagkaroon ng celebration party para sa matagumpay na unang pagsusulit kahapon. Kasalukuyang halos lahat ng mga gangs na meron ang Empire ay nagtipon tipon sa Bar na ito.

Napakadaming tao na parang may kanya kaniyang silang mundo. Halo halong pagkatao, reaksyon, problema, dahilan. I wonder kung paano nila natitiis ang lahat. Kung paano nila nakakyang ngumiti at tumawa. Paano nila nakakayang maging malakas, maging matapang, balewalain ang lahat. Paano nila nakakayang maging okay?

Lumapit ako lalo sa railings para mas makita sila Love na nagsasayaw sa baba. Di ko maiwasang mangasim dahil sa sobrang wild nila. Natawa ako ng batukan ni Love si Ken dahil pumoporma na naman ito sa kaniya. Napansin ko ang pagtingin sa akin ni Sam. Ningitian nya ako kaya ngumiti rin ako pabalik. Hindi ko alam kung sinasadya nya ba o talagang siksikan lang sa dance floor dahil halos mahiya ang salitang space sa kanilang dalawa ni Kyo.

Nagiwas na ako ng tingin ng ipalupot ni Sam iyong braso nya sa balikat ni Kyo. 

"Okay I get it." I murmured.

"Want some drink?"

Nilingon ko si Rhix at inabot iyong baso sa kamay nya. Sumandal sya sa railings, ganun na rin ang ginawa ko.

"Do you still like him?" tanong nya habang nakatingin sa lalaking tinutukoy nya.

Sumimsim muna ako bago sumagot sa tanong nya. "Hindi ko alam"

Totoo yun. Hindi ko talaga alam kung gusto ko pa ba sya o hindi na. Naguguluhan ako. Naguguluhan ako sa lahat.

"Si Stephen alam mo ba kung anong nararamdaman nya sayo?"

Hindi ako agad nakasagot sa tanong nya. Nakalahati ko na iyong alak sa baso ko tsaka pa lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sagutin ang tanong nya.

"Mahirap paniwalaan pero alam kong gusto nya ako."

Hindi naman ako ganun kamanhid at tanga para hindi iyon mapansin.

Nagulat ako ng bigla nyang hawakan iyong kwintas at tinitigan nya ako sa mata.

"Magiingat ka. Masyadong kumplikado ang pinasok mo. If I were you layuan mo na si Kyo kung ayaw mong parehas kayong mapahamak."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo gustong makita kung anong ang tunay na kulay ni Sam. Baka nakakalimutan mong asa Empire ka. Hindi mormal na estudyante lang ang nakakasalamuha mo. Lahat sila may dahilan kung bakit sila nandito. I hope you get my point." sabi ni Rhix bago bumalik ulit sa puwesto nya kanina at pinagmasdan ang mga tao sa baba.

Naguguluhan man ay hindi na ako nagtanong muli. Inibos ko na iyong natitirang alcohol sa baso ko bago kumuha ulit sa nagdaang waiter. Wala akong balak maglasing pero pagkatapos ng mga nangyari ay parang hindi ako makakatulog ng mahimbing kung walang alak sa sistema ko.

Napahinto ako sa paginom ng biglang sumulpot si Rage mula sa kung saan.

"Congrats!" bati nya sa akin.

Nagkatinginan kami ni Rhix. Nagcross arm sya na para bang may kahinahinalang bagay kay Rage.

"Thanks" pilit akong ngumiti para lang mabawasan yung tensyon sa dalawa.

Tumikhim si Rhix kaya nalipat sa kanya iyong atensyon ko.

"Tara na sa baba. Puntahan na natin sila dun." aya sa akin ni Rhix bago pa man ako makasagot ay hinila nya na ako. Napansin ko ang pagirap nya kay Rage bago tuluyang tumalikod sa huli. 

Bahagya akong natawa sa kinikilos ni Rhix. Hindi ko alam na may ganito pa lang syang ugali. Akala ko puro pagseseryoso lang ang alam nya. I wonder kung anong meron sa kanila ni Rage.

Dumiretso kami ni Rhix sa round sofa kung nasaan ang gang. Hindi pa man ako nakakaayos ng upo ay hinila na ako ni Love papunta sa dance floor.

Panay ang pagiling ko kay Love dahil wala ako sa mood sumayaw. In the end ay hinayaan nya na rin akong bumalik sa table. Medyo nahirapan pa nga ako dahil bigla na lang may nagsuntukan sa gitna. Mabuti na lang at nailabas na agad sila.

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko at hinila ako paalis sa maingay na lugar na yon.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Stephen.

"Just walk with me." 

Nagtataka man ay nagpadala na lang ako sa gusto nyang mangyari.

Napatingin ako sa kamay namin bigla akong nakaramdam ng hiya kaya sinubukan kong bumitaw sa pagkakahawak nya pero mas lalo nya lang hinigpitan iyong pagkakahawak nya sa akin.

"Kamay na nga lang pinagdadamot pa." he whisper na rinig ko naman. 

Palihim akong natawa. Malakas na talaga tama ng Tsinelas na to.

Huminto sya sa isang pamilyar na lugar. Pamilyar sa akin iyong mga puno at iyong pader na panay graffiti. Ang alam ko ay nakapunta na ako dito. Hindi ko lang matandaan kung kelan at bakit.

"Bakit tayo nandito?"

Inilibot ko ng tingin ang pool area. Wala namang pagbabago, tulad pa rin ito ng dati.

Sumipol sya at halos hindi na mawala iyong ngiti ko ng makita ko si Blue na kumakaripas ng takbo mula sa likurang bahagi. 

"Waaah! Blue! Namiss kita."

"arf!"

Napatawa ako ng dilaan ni Blue iyong mukha ko. 

"Grabe ang laki laki mo na. Tsaka magaling na rin iyong mga sugat mo." I rub his head at mukhang gustong gusto nyang ginagawa iyon sa kanya.

"It looks like Silver is fond of you." 

Napatingala ako ng dahil sa hindi pamilyar na boses. Agad akong tumayo ng makita ko ang isang babaeng mestisa. She has a long curvy hair, rosy cheeks, red lips. In short, may manika sa harapan ko.

Napatingin ako sa kamay nyang umangkla kay Stephen. 

"So you're Ella." sabi nya sabay tingin sa akin mulang paa hanggang ulo.

Sino ba tong babaeng to? Gusto mang tumirik ng kilay ko ay pinili ko na lang ngumiti ng plastic.

"Ako nga. Do I know you? I mean paano mo nalaman iyong pangalan ko?" 

Nilingon ko si Stephen na mukhang tuwang tuwa sya sa nangyayari. Walang hiya to. Dinala dala ako dito may kasama naman pa lang iba. 

"Stephen tell a lot about you. Di ba?" sabi nya with matching  sandal pa sa balikat ni Stephen. 

Oh edi sila na yung sweet nga. Tsk. Sinamaan ko ng tingin si Tsinelas na kanina pa nakangisi. Feeling nya ata natutuwa ako sa pinagagagawa nya. 

"By the way I'm Stella." 

Tinanggap ko iyong kamay nya. Okay sabi ko nga eh nasa kanya na ang lahat ng kagandahan. Pati kamay ayaw paawat. Argh. Bakit ba naiinis ako?

"Nice to meet you." kahit medyo hindi nice.

"Ah ano balik na ako baka kasi hinahanap na ako ng mga kaibigan ko. Nice to meet you ulit Stella." Ngumiti ako sa kanila. Kay Stella lang pala dahil parang hindi ko kayang tignan si Stephen. Hindi ko alam pero naiinis talaga ako.

"Bye Blue" tinap ko iyong ulo ni Blue at mabilis na lumabas sa lugar na yun. Bumilang ako ng tatlo nagbabaka sakali sa pagsunod nya pero panglima na ako ng bilang pero wala. Tsk. Hindi man lang sumunod. Wala man lang explanation ganun?

Napahawak ako sa kwintas sa leeg ko. Taragis na yan. Gaguhan lang pala ang lahat.

~~~~~~~~~~~~~~~

A/n: So unang una sa lahat sorry dahil ngayon lang ako nakapag update. Kaya sinikap ko talagang makatwo chapter para makabawi man lang. Huehue. Medyo nawawala kasi ako sa katinuan nitong mga nakaraang linggo. So ayun. Keep supporting this story. Kapit lang matatapos rin natin ito haha. Char. Medyo malalayo layo pa ang ating lalakbayin so bare with me guys. Yun lang. Ciao. :D 


Ella: The Innocent Gangsterحيث تعيش القصص. اكتشف الآن