ELLA* XXIV

2.4K 69 7
                                    

Ella's POV

"Cheers" sabi ko kay Joana at sabay naming tinungga yung isang shot ng Gin.

Hindi ko na mabilang kung pang ilang shot na namin ito. All I know is that I'm sober.

"Namumula ka na Ate." Joana mocked at me.

"Nah. I'm just that hot." I said at sinabayan sya sa pagiling.

Napapikit ako ng bahagya ng makaramdam ng hilo pero agad ding napadilat ng may humawak sa braso ko at hinila papaalis. Agad akong nagprotesta.

"Sandali! Joana!" sigaw ko.

Inis akong humarap sa lalaking humila sa akin at binawi iyong siko ko. Laking gulat ko ng makita kong si Stephen iyon.

"She's with her brother." tipid nyang sagot at muli akong hinila.

Bahagya akong napatigil at pumikit dahil nakaramdam ako ng hilo. Aish. Makakaladkad naman kasi itong lalaking ito wagas!

"Iinom inom hindi naman pala kaya." bulong nya na hindi ko maintindihan dahil tinamaan na talaga ako. Muli nya akong hinila but this time imbis na marmdaman iyong kamay nya sa braso ko ay naramdaman ko iyon sa bewang ko.

Napatawa ako makitang gumegewang iyong dinadaanan namin.

Bahagya akong humilig sa kanya dahil ang bango bango ng damit nya. Nang hindi ako nakuntento ay hinablot ko iyong T-shirt nya at itinapat sa ilong ko.

"Damn this woman." sabi nya.

Nakarinig ako ng ingay kaya napalingon ako sa likuran. Teka si Ken ba yun? Sino iyong buhat buhat niyang babae?

"Tangina Ken paghindi mo ako binaba sasapakin na talaga kita!" sigaw nung babae.

"Wag ka ngang magulo." sabi ni Ken at pilit na pinirmi iyong babae sa balikat nya.

Dahil nga sa nakatingin ako sa likod ay natapilok ako. Buti na lang at nakaalalay sa akin si Stephen.

"Aish. Sakit ka talaga sa ulo!" sabi nya. Nginitian ko sya kahit hindi ko maintindihan iyong sinsabi nya. Mas lumawak iyong ngiti ko ng maramdaman kong lulumulutang ako.

"Waah I'm Flying!" sabi ko at kumapit sa balikat nya. Natawa ako ng kumunot iyong noo nya.

"Alam mo gwapo ka sana kaya lang ang suplado mo" sabi ko sa kanya.

Hinawakan ko iyong pisngi nya ay kinurot. "Ayan. See ang gwapo mo kapag nakangiti ka."

Inilayo nya iyong mukha nya kaya napasimangot ako. Sungit!

"Where's your key?"

Tinitigan ko sya at pilit na initindi iyong tanong nya. Napahawak ako sa ulo ng bigla na naman itong kumirot.

"Aish" Ibinaba nya ako kaya agad akong humawak sa dingding. Shit! nahihilo na talaga ako. Gusto ko ng matulog.

"Stay still" sabi nya at may dinukot sa bulsa ko.

I chuckled dahil nakikiliti ako. Naramdam kong lumulutang na naman ako ngunit di rin nagtagal ay naramdaman kong nakahiga na ako sa malambot na higaan. Waah parang marshmallow.

Hmm gusto ko ng marshmallow. Nakita ko syang papaalis na kaya agad kong hinatak iyong braso nya at kinuha iyong marshmallow ko.

"what the-"

*chup*

Linayo ko na iyong labi ko sa marshmallow at ngumiti. Hinawakan ko iyong magkabilang pingi nya.

"Hmm. Tsinelas ka talaga." sabi ko bago bumalik sa pagkakahiga.

"The heck woman! Sakit ka talaga sa ulo." rinig ko pang sabi nya bago ako tuluyang nakatulog.

Ella: The Innocent GangsterWhere stories live. Discover now