Start

8.9K 184 10
                                    

"Congratulation! You have a full scholarship for upcoming Senior High at EMPIRE ACADEMY."

Iyan ang bumungad na sulat kay Ella.

Ibinalik nya ito sa ate nya at humiga ulit upang ipagpatuloy ang naudlot na tulog ng dalaga.

Puyat kasi ito dahil sa night ship ngayon ang schedule ng summer job nya.

Pero wala pang limang segundo ay napabangon muli ito at napatingin sa ate nya na para bang nagsink in na sa kanya ang laman ng sulat.

Isang malapad na ngiti ang ginawad sa kanya ng Ate Eli nya. Na nasundan ng makakabinging pagtili nito.

"Kyaahhhh!" At nagtatalon si Eliza habang yakap ang kapatid na hanggang ngayon ay tulala pa rin.

"Ate sandali! Hindi ako makahinga!" Tinulak ng bahagya ni Ella ang Ate nya. Kinuha nya ang sulat dito at binasa ang mga nakalagay duon.

Nang matapos ay ibinalik nya ito sa kamay ng ate nya at umiling. "Ayoko.Hindi ako magaaral jan."

Mula sa ngiting ngiting pagmumukha ni Eliza ay naging busangot. Isang batok ang ginawad nito sa kapatid at pinaulanan ng sermon.

"Aray naman Ate!"sabay hawak sa ulo.

"Ano ka ba Ella blessing yan kaya wag mong tanggihan. Tsaka tange ka ba EMPIRE na yan oh. EMPIRE ACADEMY. Nakikita mo ba?" At tinuro turo pa nito ang tatak ng sulat sa kapatid.

"Eh ayoko nga kasi Ate. Maayos naman buhay ko dito. Ayos na ako sa dati kong School. Tsaka hindi mo ba nakikita ung nakalagay. Kailang Lodging duon tapos once a month lang pwedeng makalabas sa eskwelahang iyon. Daig ko pa preso dun Ate. Kaya No... No... No." Iling nya sa ate nya.

"Gaga... Pagnagaral ka dun hindi ka na mahihirapan sa tuition at tsaka pag nakatapos ka dun maraming mag aalok sayo ng sosyal na trabaho. Tsaka baka makakita ka ng mayamang boyfriend dun edi yayaman na tayo. Hindi mo na kailangang magbanat ng but diba."

Isang di makapaniwalang tingin ang ginawad ni Ella sa kapatid nya. Ganito ito lagi gusto talaga nitong yumaman. Tsk kung sya ang tatanungin masaya na sya sa buhay nya. Nakakaraos naman sila kahit papaano. Simple. Payapa (kahit halos linggo linggo ay binubulabog sila ng Land Lady para sa upa) pero ayos na yun sa kanya kasi ganung buhay na ang nakasanayan nya.

"Langya ka naman Ate kulang na lang ibenta mo ko sa iniisip mo ah. Tsk Ayoko nga kasi! Ayoko period. Alis na matutulog pa ako." Pagtataboy nito sa Ate nya.

"Pero--"

Hindi nya na ito pinatapos at tinulak nya na ito palabas.

Nababuntong hininga sya at na pasandal sa pintuan ng kwarto nya. Rinig nya pa ang pagkatok at pagtawag sa kanya ng Ate nya ngunit hindi nya ito pinansin at nag lock ng pinto.

Humilata sya muli sa kama at tinitigan ang sulat.

Hindi naman sa ayaw nya talaga kaya lang kasi... Paano ang Ate nya kung aalis sya tsaka paano yung mga part time nya.Yung mga gastusin.

Lumabas na sya ng kwarto dahil hindi na rin naman siya makatulog. Naabutan nyang naglilinis ng sala si Eli. Dumiretso na lang sya sa kusina para kumain.

Sinulyapan nya muli si Eli at napakunot ang noo ng mapansin nya ang pagkatahimik nito.

Natapos na sya sa pagkain, nakaligo at nakapag urong ay hindi pa rin sya pinapansin ng Ate nya.

Lingid sa kaalaman nya ay siguradong nagtatampo sa kanya si Eli. Tinabihan nya ito sa sala pero nanatili ang atensyon nito sa T.V.

"Ate" tawag ni Ella sa kapatid.

"Huy Ate"

"Ate Eli" ngunit wala pa ring kibo si Eli.

"Eh kasi naman Ate kung dun ako magaaral paano ka dito? Yung gastusin? Yung bahay? Tsaka problema ko pa dun yung allowance ko buwan buwan." Pagamin ng dalaga sa Ate nya.

Hinarap siya ni Eli at hinawakan sa magkabilang balikat. " Ella kaya ko na ang sarili ko. Responsibilidad kita kaya dapat ako ang umiintindi nun. Ano pa at naging Ate mo ako diba? Gusto ko lang naman na mabuhay ka ng normal. Masyado ka pang bata para intindihin ang mga bagay bagay tulad nito. Trabaho ko na yun Ella.

Naiinis nga ako sa sarili ko dahil pingtratrabaho pa kita imbis na nagliliwaliw ka. Kaya Ella pagbigyan mo na si Ate gusto ko namang iparamdam sayo na may pakinabang naman ako"

Sinimangutan nya ang Ate nya dahil sa kadramahan nito. Mababaw pa naman ang luha nya.

" Oo na! Pasalamat ka mahal kita. Tsk tignan mo ginanawa mo pinaiyak mo pa ako tsk gurang ka talaga"

Ngunit tinawanan lang siya ng Ate nya.

Sana nga tama ang naging desisyon nya.

~~~~~

Vote and comment <3

Ella: The Innocent GangsterWhere stories live. Discover now