Ella* XXXIV

2.3K 78 4
                                    

Ella's POV

So this is how it looks like. Kahit saan ako tuminging parte ng lugar na ito ay panay kulay pula at itim ang nakikita ko. Ang creepy talaga ng hall na ito.

Ibinulsa ko iyong nanginginig kong kamay sa jacket na suot ko ngayon. Nakasuot ako ng T-shirt na kulay itim. Sa harap nito ay nakatatak na logo ng Death Beast Gang. Pinatungan ko ito ng jacket dahil mahangin ang gabi ngayon na syang dumadagdag pa sa kabang nararamdaman ko.

Napahinga ako ng malalim at pinilit na pinapakalma ang sarili. Ipinapakilala na ngayon ang walong gang na meroon ang Empire. Mula sa kinalalagyan namin ay iba't ibang klaseng estudyante ang nakikita ko. Ang iba ay nakakapagtaka kung talaga bang gumagawa sila ng ganitong klaseng gawain.

I tried to act normal ng tawagin na iyong grupo namin. Naunang naglakad sila Stephen habang nakasunod naman kami ni Joana.

"Kalma lang ate. Mamaya pa lang magsisimula ang totoong laban." bulong sa akin ni Joana na syang ikinabuntong hininga ko.

Mamaya pa lang magsisimula ang laban pero mukhang ngayon pa lang ay aatakihin na ako sa kaba. Shit! Pwede pa bang umatras?

Bigla akong napaseryoso ng magtama iyong mata namin nung gunggong na lalaking mukhang muscle na tinubuan ng mukha. Sya iyong nanabunot at sumapak sa akin. Tsk. Hanggang ngayon mukha pa rin siyang paa.

Kinindatan niya ako na syang ikinataas ng balahibo ko. Iyong totoo? Action ba talaga ito o horror?

Inirapan ko sya at nagiwas ng tingin.

Napataas ako ng kilay ng biglang tumahimik ang lahat. Lahat sila ay nakatingin sa grand entrance at pinapanood ang pagakyat ng isang babaeng kung tatantyahin ay nasa edad kwarenta pataas. Hindi ko tuluyang masabi dahil sa halatang alaga 'yong balat pero nakikita pa rin ang ilang guhit sa mukha nya.

Nakaalalay sa kaniya iyong tatay ni Tsinelas na kasalukuyang presidente ngayon ng Empire Academy. Hindi na ako nakatiis at kinalabit ko na si Joana.

"Sino sya?"

"Ah si Madame Rin, nanay ni Rage. Ang may ari at may pakana ng lahat ng ito." Sabi nya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa matanda.

Naestatwa ako ng makitang nakatingin sa akin iyong Madame Rin. Lumingon pa ako sa likuran para masigurong sa akin talaga sya nakatingin. Umangat iyong gilid ng labi nya bago nagiwas ng tingin.

"Oh shit! Hindi na talaga ako magtataka na nanay sya ni Rage. Geez ang creepy." kumento ko na ikinatawa ni Joana.

Muling tumahimik ang paligid at tanging ang boses lang nung Madame Rin ang naririnig. Wala na akong ibang magawa kung hindi ang makinig na rin sa kaniya.

"Magandang gabi. Alam kong alam nyong lahat kung gaano kahalaga ang araw na ito para sa Empire Academy. Nais ko kayong batiin dahil ngayon na magsisimula ang inyong unang pagsusulit. Alam kong marami sa inyo ay nagtataka kung bakit nahati sa tatlo ang pagsusulit. Matagal na itong nakaplano ngunit ngayon lang naging interesado ang mga nakakataas kung kaya't naging posible ang pagsusulit na ito."

Nakarinig ako ng ilang kumento at mga hindi pagsangayon. Agad din itong napalitan ng katahimikan ng itaas ni Madame Rin ang kaniyang kaliwang kamay.

"Wala na tayong magagawa. Utos ito ng nakakataas besides this is more interesting. Gawin nating matagumpay ang Taunang Battle of the Gangs: Do or Die aking mga estudyante. It just the matter of doing it or..."

Napalunok ako ng tumingin na naman sa akin iyong pares ng mata ni Madame Rin habang sinasabi iyong kaniyang huling kataga.

"...just die." aniya at gumuhit ang isang ngisi sa kaniyang labi.

Ella: The Innocent GangsterWhere stories live. Discover now