ELLA* V

3.7K 104 2
                                    

Ella's POV

Napahawak ako sa labi ko. Taragis!

Napahilamos ulit ako habang iniisip yung kagagahan ko kagabi. Oo na alala ko lahat.

Aish nakakainis. Shocks! first kiss ko yun eh. Pero hindi ko mapigilang hindi mapangiti tuwing naiisip ko si Kyo. Ahh mababaliw na yata ako. Nakakahiya yung pinaggagawa ko kagabi.

I was drunk kaya wala ako sa matinong pagiisip sa mga panahon na iyon pero pusang gala talaga nakakahiya pa rin.

Hindi ko namalayang katabi ko na si Sam.

"Are you okay? Masakit pa ba ulo mo? Pasensya ka na we don't know na mahina pala ang alcohol tolerance mo."

" naku hindi okay na ako. Medyo masakit ulo ko pero kaya ko naman." Kahit ang totoo ay hilong hilo ako.

Nginitian nya ako at inirapan. "Liar. Magpahinga ka na lang dito kami na lang ang magrogrocery."

"Sam promise okay lang ako. Sasama na ako" nagtaas pa ako ng kamay para convincing. Minsan na nga lang ako makakalibot mapupurnada pa.

" Okay if you say so. Basta ah drink your med. Babalik kami dito before lunch pupunta lang kami ng headquarters."

Tumango ako.

Nang makaalis na sila ay napamura ako sa sakit ng ulo ko. Hindi na talaga ako iinom.

Kumain na ako at uminom ng gamot. Kahit papaano ay bumuti buti naman yung pakiramdam ko.

Tulad ng pinagusapan before lunch ay dumating na sila. Dumiretso kami sa Mall. Napanganga pa nga ako ng makapasok ako.

"Welcome to Empire Mall. As for now 30K ang badget natin for this weak so tipid tipid muna tayo. " tapos may tinaas na parang credit card si Sam.

Naguguluhan man pero sumunod na lang ako. Pusang gala talaga hindi ako maka paniwala na may mall dito sa loob ng Empire.

Kumain muna kami ng Lunch bago pumunta sa Supermarket.

Naghiwahiwalay kami. Kasama ko si Joana at naassign kami sa toletries at mga detergents.

"Para saan yung card kanina?"

"Ah yun ba dun nakalagay yung badget natin for this month. 30 thousand per week tumataas yun kapag nagsimula na ang Battle dipende sa performance ng Gang."

Takte talaga ang galante ng school na ito. Buti nalang din may ganito dito atleast kahit papaano ay hindi ko na poproblemahin yung pera. Kaya ayus din.

Pagkatapos naming maggroceries ay nagarcade muna kami bago umalis.

Ipinatong ko yung mga pinamili namin sa kusina.

"Ako na jan magpahinga ka na muna"

Nginitian ko si Rhix bago dumiretso sa kwarto.

Tumalon agad ako sa kama. Heaven. Siguro dahil sa sobrang pagod ay hindi ko namalayan naka tulog na pala ako.

Nagising ako ng mag aalas syete na ng gabi. Bumangon na ako at nagshower. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina para kumain.

Teka asan kaya yung apat? Tsk iniwan na naman nila ako.

Nilibang ko na lang yung sarili ko sa panonood ng T.V. at pag facebook. Naka wifi ang buong campus kaya dapat sulitin na.

Halos natapos ko na lahat ng palabas sa T.V. pero wala pa rin sila. Pasado Alas dose na baka abutan sila ng curfew.

Tsk Nagbar siguro yung mga yun :3 hindi man lang ako sinama :(

Napatayo ako ng bumukas yung pinto. Nalaki ang mata ko ng makita ko sila.

Anong nangyari? Bakit may mga sugat si Love? Saan sila galing? Bakit ngayon lang sila nakauwi?

Sa dami ng gusto kong itanong tanging pangalan lang nila ang nasambit ko. Aish...

"Kaya ko na nga!" Inis na sabi ni Love at pumasok sa banyo.

"Kahit kailan ang tigas talaga ng bungo ng babaeng yun" napahilot sa sintido si Rhix habang pumasok na rin sa kwarto.

"Anong..." Napatingin ako sa dalawa na parehas na nakaupo sa sofa at nakapikit.

"Anong nangyari?"

Dumilat si Joana at bumuntong hinga.

"Si Ate Love kasi may natanggap na black card ayun nagkaroon ng battle kanina. Ok lang sana kung iba yung kalaban eh. Tsk si Beatrice ba naman ang kalabanin eh maruming makipaglaban yun. Buti na lang hindi sya napuruhan." Naiiling na kwento ni Joana.

"Beatrice? Black card?" Nalilitong tanong ko.

This time si Sam na ang sumagot" Si Beatrice ay miyembro ng Slaying Monster. Malaki talaga galit nun kay Loverly. Hanggat maari ayaw naming kalaban yung grupong yun dahil sa hindi nila paglaban ng patas.

About naman sa Black Card. Isa yong invitation about sa battle. Pagnakatanggap ka nun ibig sabihin ikaw ang magrerepresent sa Gang nyo. Matira matibay. Every weak talaga may ganung nangyayari. Malas mo na lang pagikaw ang napili"

Napatango na lang ako.

Hindi talaga ako makapaniwala na walang pakielam ang school sa ganitong pangyayari.

Lumabas na si Love na bagong ligo at may benda na ang braso. Mukhang nagamot na sya ni Rhix.

"Bakit gising ka pa Ella? May pasok pa bukas." Sita sa akin ni Love habang nagsasalin ng tubig.

"Actually mamaya. May pasok mamaya" pagtatama ko.

"Oh edi mamaya. Tara na matulog na tayo" yaya nya sa amin.

Sumunod na lang kami. Humiga na ako sa kama at sinubukang matulog.

Pero hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Sam. Linggo linggo may nangyayari na ganun at pinipili kung sino ang magrerepresent each Gang. Kung ganun may chance na sa susunod na mga linggo ay ako ang mapili. Sana naman hindi.

Tsk anong alam ko sa pakikipaglaban? Pakikipagsabunutan nga hindi ko magawa makipagpatayan pa kaya?

Oh My. Mamatay talaga ako ng maaga sa eskwelahan na ito.

Ella: The Innocent GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon