ELLA*XXXI

2.3K 74 3
                                    

Ella's POV

"Punch, Punch, Knee, Punch, Kick!" instruct sa amin ni Stephen.

Agad akong sumunod sa sinabi nya. Limang ulit nya sa aming pinagawa iyon. Medyo namumula na rin iyong kamao ko dahil tatlong araw na ring puspusan ang training namin.

Sa makalawa na iyong pagsusulit pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap si Sam ng matino.

Napabuntong hininga ako at bahagyang sumulyap sa kinalalagyan nya. Nakakunot ang kaniyang noo habang kausap si Rhix. Mukhang seryosong bagay ang pinaguusapan nila.

"Knee, Knee, Elbow, Elbow, then punch!"

Agad akong nagiwas ng tingin at ipinagpatuloy iyong pageensayo.

I panic ng maramdaman ko ang presensya ni Kyo sa likuran ko. Damn it!

"You're doing it wrong." sabi niya sa malamig na tono. Alam kong ako ang pinagsasabihan nya ngunit nagpatuloy ako sa routine pretending not to hear him.

Halos mapamura ako ng hawakan nya ako sa bewang at iniayos ng posisyon ko. Napalunok ako ng makita ko iyong mga mata nilang nakatingin sa amin.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang nakatalikod sa amin si Sam. Ngunit kahit ganon ay tumingin ako kay Stephen, giving him my message to help me.

His jaw clenched. Mukhang naiirita sya. Hindi ko nga lang alam kung sa akin dahil sa pagkakamali ko o sa lalaking nasa gilid ko. Either of the two, laking pasalamat ko ng lumapit sya sa kilalagyan namin.

"Kyo, I don't need you here." sabi ni Stephen ng makalapit sya.

"I'm just helping her out." nakangising sagot ni Kyo. Nakaramdam ako ng inis kaya ako na mismo ang umalis sa pagkakahawak nya. I don't know but naiinis ako sa presensya nilang dalawa.

"I don't need help. Kaya ko ito. Pagod lang ako kaya hindi na ako makagalaw ng maayos!" bahagyang ng tumaas ang boses ko dahil sa inis.

They both look at me ngunit inirapan ko lang sila at inayos ang punch bag na ginagamit ko kanina.

This time I give my energy at ginawa ng tama iyong routine ng wala na silang masabi.

Napailing na lang si Kyo at pagod na tumingin sa akin bago umalis.

Tulad ng mang nangyari nitong mga nakaraang araw, tahimik lang akong nagdidinner habang si Love at Joanna ang madalas na nagpapaingay sa hapag. Minsan ay sumasabat din sila Rhix.

Awkward. Kung hindi lang dahil sa pagiging madaldal ni Love at Joanna ay mamatay na ako sa sobrang ka-awkwardan.

"Oh! nagtext si Ken. Bar daw tayo." balita sa amin ni Love.

Gusto kong tumanggi pero anong laban ko sa dalawa, kulang na lang sila na mismo ang magpaligo at magbihis sa akin.

Maingay na bar ang sumalubong sa amin. Nasanay na rin ako sa ambiance ng lugar, ang hindi ko talaga makasanayan ay ang usok na mula sa sigarilyo.

Agad naming tumungo sa lamesang kinalalagyan nila Ken. Ngumiti lang ako sa kanila bilang pagbati.

Tahimik lang akong nakinig sa pinaguusapan nila. Hindi ako kumportable lalo na't sa harap ko ay nandun nakaupo sila Sam. Alam kong hanggang ngayon ay may isyu pa ring namamagitaan sa amin. At isa pa wala rin naman akong sasabihn kaya mas mabuting itikom ko na lang iyong bibig ko.

Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga sumasayaw sa dance floor. Andito rin pala sila Sonya at iyong ibang mga bagong recruit. Di rin nagtagal ay lumapit sila sa amin. Mas lalong naging maingay ang lamesa namin lalo na't panay ang biro ng kambal. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko kung hindi ang makitawa na rin.

Nagaya si Love na sumayaw gusto ko mang tumanggi ay hinila nya na ako sa gitna. Natatawa na lang ako ng sinimulan nya ng gumiling na para bang wala syang pakielam sa mga tao sa paligid nya.

Kumuha ako ng isang shot sa dumaang waiter at binottoms up ito. My body started to heat up. Nagpadala na rin ako sa indayog ng musika. Panay ang pagiling ko habang nakapikit ang mata kung minsan ay itinataas ko pa ang kamay ko. I admit that I'm not a good dancer pero hindi rin naman ako ganon kasaklap.

Napakunot ako ng noo ng may biglang sumayaw sa likuran ko.

Napatigil ako sa pagsayaw. Umaalon ang paningin ko pero nasa katinuan pa naman ako para makita kung sino iyon and damn. Hindi ko siya kilala.

Bahagya akong lumayo at umiling. "Excuse me."

Maglalakad na sana ako palayo ng hawakan niya ang braso ko and seductively whisper to my ear.

"Oh come on. Let's dance."

Hinawi ko ang kamay nya. Dammit. Asan na ba si Love?!

"Aalis na ako." sabi ko at pilit na tinatanggal iyong kamay nya sa braso ko pero ang lakas nya.

"Please bitiwan mo na ako." mariin kong sabi . Ngunit nginisihan nya lamang ako. Nagsisimula na akong mainis.

"Ano ba? Sinabing ayoko ngang sumayaw!"

Ngunit hindi nya ako pinakinggan at mas lalong idinikit iyong katawan nya sa akin.

I feel harassed at sa sobrang frustration ko ay naiiyak na ako.

Panay ang tulak ko sa kanya pero hinawakan nya iyong dalawang kamay ko.

"You're weak." aniya.

Napatagis bagang ako. Akma ko syang tutuhurin when someone punch him.

Nanlaki iyong mata ko sa gulat. Ang kaninang pagkalasing ko ay biglang nawala. Muntikan na akong matumba ng napaatras iyong lalaki. Mabuti na lang at may humawak sa bewang ko.

"Tangina!" mura nung lalaki at akmang babawi kay Stephen.

May humila sa akin paalis dun. Everyone is cheering for God's sake.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Ken.

"Si- si Stephen baka mapahamak sya."

Mas lalo pang lumakas iyong hiyawan ng masuntok ng lalaki si Stephen.

"Shit! Ken. Awatin mo sila." tinulak tulak ko si Ken pero ni hindi man lang sya gumagalaw. Tangina! Bakit ganito sila. Hindi man lang ba nila aawatin?

Sa sobrang frustrate ko ay ako na mismo ang pumunta sa gitna. Tinulak ko iyong lalaki sanhi para mapaatras sya. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas basta ang alam ko ay naiinis ako.

"Tangina! Tama na!" sigaw ko. Sa sobrang inis ko ay sinapak ko iyong lalaki atsaka ko hinila si Stephen paalis doon.

Panay lang ang lakad ko. Hindi rin naman sya nagsasalita. Sampung minuto rin ang nilakad namin bago kami nakarating sa Pool area. Dinala ko sya sa locker room. binitawan ko na sya pagkapasok na pagkapasok namin.

Napirap ako sa kanya at kinuha iyong first aid kit. Umupo naman sya sa sahig habang nakatingin sa akin.

"Tsk. Bakit kasi nakipagaway ka pa." inis kong sabi. Iniabot ko sa kanya iyong cold compress para dun sa namamaga nyang kamao.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa dun sa lalaki dahil sa tama nya sa ilong at panga nya. Tapos sinapak ko pa. Tsk.

"Ilagay mo sa kamao mo." sabi ko habang nilalagyan ng betadine iyong bulak. Lumuhod ako sa gilid nya at nilinis iyong dugo sa gilid ng labi nya.

Napalunok ako ng itinagilid nya iyong ulo nya at tinitigan ako. Damn diba naiinis ako? Nasaan na? Nasaan na iyong inis ko?

Hindi ko alam kung bakit biglang lumitaw sa isip ko iyong gabing hinalikan ko sya. Ipinilig ko iyong ulo ko.

Hinawakan nya iyong naginginig kong kamay. I sighed at napayuko. "I'm sorry." ani ko.

Napatingin ako sa kamay nyang marahang nakahawak sa kamay ko. Pinaglalaruan nya iyon ng mga daliri nya.

"Just don't ever do that again. Baka makapatay na ako ng tao. Do you understand me, Ella?" aniya. Napatango ako sa hindi malaman na dahilan.

Tumingin ako sa kanya at napakurap ng makitang nakatingin sya sa labi ko. "M-masakit pa ba?" tanong ko ngunit imbis na sumagot ay idinampi nya ang labi nya sa labi ko. Napahawak ako sa balikat nya ng pinalalim pa nya iyon.

"No. It is definitely fine." aniya.

Ella: The Innocent GangsterWhere stories live. Discover now