ELLA* I

6.1K 150 2
                                    

Ella's POV

'WELCOME to EMPIRE ACADEMY'

Yan agad ang bumungad sa akin pagkatapak na pagkatapak ko sa eskwelahang ito. Kung eskwelahan nga ba itong matatawag.

Jaw Drop. Pusang gala! Eskwelahan ba talaga to'?

Tatlong nagtataasang building na nakapalibot sa fountain na may rebulto sa gitna na mukhang gawa sa ginto.

At hindi lang iyon ang nakakamangha kundi ang napakalawak nitong Eskwelahan.Puro puno at magagarang imprastraktura.

Kaya lang kung anong kinamangha ko sa mga imprastraktura ay sya naman ikinatakot ko sa mga nadadaanan kong estudyanyte. Para silang pinapalibutan ng dark aura. Ang creepy. Kung makatingin sila ay para ba akong specie na nalaglag mula sa kalawakan.

Maayos naman ang damit ko. Kabibili ko pa nga lang nito nung isang linggo. Tinignan ko naman yung repleksyon ko sa salamin at wala akong nakita dumi. Shutanginames naiilang na talaga ako.

Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa Dean office. Tinignan ko yung mapa para masiguradong tama yung dinadaanan ko.

Kaya lang juice colored na bunggo ako sa pader. Napaupo ako sa impact. Langya ang sakit ng pwetan ko.

"Aray!" Daing ko.

"Stupid" agad akong napatingin sa nagsalita.

Hala hindi pala pader yung nabangga ko... Tao pala. Ang creepy ni kuya ang ganda ng katawan nya halatang alagang alaga at may mga tattoo pa pero naging factor pa ito para mas gumuwapo pa sya lalo at mukhang may lahi dahil sa asul nitong mata.

Hindi ko napansin na may kasama pala sya. "Leave her alone. President is waiting for us..." Sabi sa kanya nung lalaking mukhang koreano dahil sa singkit nitong mata.

Napatanga talaga ako literal. Langya! Nalunok ko ata dila ko. Ang gwagwapo nila mga brad. Jaw dropped.

"Hey ugly girl. Tss next time use your rusty brain. Stupid creature."

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa linya ni kuya.

Teka-teka aba nakakadalawa ka na kuya ah. Biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Kanina pa ako sinasabihan ng tanga into ah. Hindi porket gwapo sya manglalait na agad sya. Hindi naman yata pwede yun.

Tumayo na ako. Tsk hindi man lang ako tinulungan. Mga walang modo. Humarap ako sa kanya at taimtim ko syang tinitigan.

"You..." Ano nga ba pangalan nito?" You whoever you are. FYI I'm not stupid! Ikaw tong paharang harang sa dinaraanan ko, ako na nga nasaktan, nilait mo pa ako? Aba hoy mister na ginawang drawing paper ang balat hindi ako tanga." Inirapan ko sya at kinuha yung maleta kong nabagsak.

"What!"

Oh tignan mo to ang lakas ng loob na sabihan akong tanga sya pala tong eng eng. Simpleng tagalog hindi pa alam. Kawawang nilalang.

"Ang sabi ko gwapo ka sana kaya lang bingi ka."

Hala biglang namula si kuya. Oh bakit ganito makatingin to? Langya naintindihan nya ata yung sinabi ko. Patay. >.<

"You little brat! How dare you to-" naputol ang pag sasalita nya ng makarinig kami ng whistle at biglang may sumulpot na anghel sa pagitan namin.

"Hi! Im Loverly Co" pakilala nung babaeng maganda. Kinuha nya yung kamay ko at nagshake hands kami. " The Dean is waiting for you so come on before he cut my allowance. You know oldies tsk." Kinuha nya yung maleta ko at hinila ako.

"And you Mr.Anderson. Mr. President is fuming mad right now so If I were you I'm gonna get my ass out of here" sigaw nya at patuloy na kinaladkad ako papunta sa hindi ko alam na lugar.

Ella: The Innocent GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon