ELLA*XXVIII

2.2K 68 7
                                    

Ella's POV

Napako ako sa kinatatayuan ko. Shit! I didn't expect this.

Binawi ko ang kamay ko sa kaniya at nagiwas ng tingin.

"Sino bang may sabi sayo na iniiwasan kita? Hindi kita iniiwasan no. Atsaka wala namang dahilan para iwasan kita." pagsisinungaling ko.

Nanatili siyang nakatingin sa akin. His eyes get dim siguro ay dahil alam nyang nagsisinungaling ako.

Bahagya akong tumawa ng pilit. "Sige na aalis na ako baka may makakita sa atin makarating pa 'to kay Sam."

"Do you like me? because I think I'm starting to like you." napahinto ako sa naging tanong nya. Saan galing iyon? Damn how and what---?

Sunod sunod na pagiling ang isinagot ko sa kanya bago tumalikod at tumakbo papaalis. I heard him call my name pero hindi ko na ginawang lumingon pa because I know if did everything will be ruin.

Yes, I like him. He is my first kiss, my first crush. Sa kanya ko unang naramdaman ang paghanga. Pero hindi ako tanga para aminin sa kaniya iyon kahit sabihin nya pang gusto nya rin ako. Na mahirap para sa kaing paniwalaan. I hate comaprison pero base sa nakikita ko si Sam ang gusto nya. I saw it. She's special for him. Naguguluhan lang siguro sya dahil hindi sya sanay na iniiwasan o kaya naman ay tinatanggihan. Ganun naman iyon diba?

Minsan lang akong nagkaroon ng kaibigan at ayokong masira lang ito dahil sa kahibangan ko. Dumiretso ako sa kwarto at bumagsak sa kama.

Kahit gising na gising ang diwa ko dahil sa nangyari ay pinilit kong makatulog. I'm tired, mentally. Pagod na akong magisip, magplano, magdesisyon. Nakakapagod din pala.

Hindi rin nagtagal ay nakatulog din ako. Nagising na lang ako dahil sa hikbing naririnig ko.

I pretend to be asleep when I heard her say something.

"Sya na lang ang meron ako kaya sana wag na lang sya Ella, ikamamatay ko..."

My tears drop hanggang sa hindi ko na namalayang tuluyan na akong nakatulog muli at hindi na naramdaman ang pagalis nya sa tabi ko.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa akin. Napabuntong hininga ako ng maalala ko kung ano ang narinig ko kagabi. Shit! It's just a dream right?

How I wish it is pero it seems like it is all true. Naabutan ko si Joana na natataranta habang may kausap sa cellphone.

"Why? I mean shit! Just pick me up kuya!" she said ang hang up.

Tumayo na ako at nilapitan siya. "Anong nangyayari?" naguguluhan kong tanong.

"Hindi ko rin alam. Ang sabi ni kuya ay isinugod daw sa hospital si Ate Sam."

Agad akong pinanlamigan ng marinig ko iyon. Damn! Paano kung... Shit! Wag naman sana.

Nagmamadali kaming bumbaba ni Joana. Agad kaming sumakay ng huminto sa tapat namin iyong sasakyan ni Drake. Sobrang occupied ng utak ko, hindi ko na magawang magtanong kung anong nangyari. All I care is sana nasa maayos na kalagayan na si Sam.

Agad kaming bumaba pagkahinto namin sa tapat ng hospital. Patakbo naming tinungo ang kinalalagyan nya. Halos manlumo ako ng makita ko ang makinang nakakabit sa kanya.

At first hindi ko na pansin si Kyo sa tabi nya dahil sa mask at hair protector na suot nito. Hawak nya iyong kamay ni Sam at nakatitig lang ito sa dalaga.

Kusang tumulo iyong luha ko. Sana...mali ako ng hinala.

"Damn! Ate Love ano bang nangyari sa kanya?" nagaalalang tanong ni Joana na hindi mapakali sa kinatatayuan nya. Asa labas kaming tatlo habang si Rhix ay nadaanan namin kanina na kausap iyong doctor.

Ella: The Innocent GangsterWhere stories live. Discover now