Ella* XLVI

1.9K 48 2
                                    

Ella's POV

Nanghihina akong nakaupo sa gilid. Namamanhid ang katawan ko sa mga sugat na natamo ko. Para akong tinakasan ng lakas pagkalabas na pagkalabas kanina ni Ate Eli ng silid na kinalalagyan ko ngayon.Hanggang ngayon ay hindi ko lubusang maisip kung bakit ginagawa nya sa akin ito.

Tama ang hinala ko na sa kanya ang boses na narinig ko noong ikalawang pagsusulit. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ang koneksyon nya sa Empire.   

Nanatili akong nakatitig sa binti kong nanunuyo na ang mga dugong lumabas kanina rito.Ni hindi ko na magawang magisip ng matino dahil sa nangyari.   

Akala ko asa probinsya si ate. Yun pala ay andito rin siya sa Empire at binabantayan ang mga kinikilos ko. Nakaplano ang lahat. Dapat unag pala ay nakita ko na ang ganitong motibo ni Ate Eli. I should have known. Hindi dapat ako naniwala sa kabitang ipinakita nya sa akin noon. When first of all alam kong mainit ang dugo sa akin ni ate. 

Akala ko tapos na. Akala ko maayos na ang lahat. Pero puro akala ko lang pala ang lahat. Masyado akong nabulag sa pagasa. Masyado akong nagtiwala sa kapatawaran. When at the first place alam ko namang sa ganito rin hahantong ang lahat. Hinding hindi nya akong kayang patawarin. Iyon ang katotohanan.

Sino nga namang tao ang kayang magpatawad sa tulad ko. When in fact I killed our parents. No, I killed her parents. 

Napailing ako. Hindi ko sya pwedeng hayaang tapusin ang buhay ko. Pinagsisihan ko na ang bagay na iyon. 

Kailangan kong makaalis dito. Inikot ko ang tingin ko sa silid na kinalalagyan ko. Wala akong ibang malalabasan kung hindi ang pinto sa harpan. At kung makalabas mana ako ay hindi ko alam kung ano ang nagaabang sa akin sa labas. 

Naphinto ako sa pagpaplano ng bukas ang pinto. Nabuhayan ako ng loob ng makita ko si Rage. Pero kung andito sya ibig sabihin ay kakampi sya ni ate. All this time they all plan this. But no, I still want to try. Ayokong mamatay ng hindi lumalaban.

Dala dala ang isang tray ng may laman na pagkain habang lumalapit sa akin. Kumalansing ang kadena dahil sa paggalaw ko.

"Rage. Tulungan mo ako. Iaalis mo ako dito." nagsusumamo ako at pilit na hinawakan ang kamay nya. 

Nanlumo ako ng umiling sya. "Sorry. Ella pero hindi ko kayang gawin iyon."

Nagiinit na ang gilid ng aking mata. Nagsisimula na ring manginig ng aking mga kamay. Ang kaninang pagaasa ay naglalaho na.

"Nagmamakaawa ako Rage. Tulungan mo ako. Itakas mo ako dito. Papatayin ako ni Ate."

"Rage. Naiintindihan mo ba? Papatayin nila ako."

Ngunit nagiwas lang siya ng tingin at ibinaba ang hawak nyang tray sa aking gilid.

Unti- unting tumulo ang mga luha ko. Hindi ko mapigilang mapahikbi. 

"Si Stephen, kahit sabihin mo lang sa kanila ang kalagayan ko. Please Rage."

Parang biglang gumuho ang mundo ko ng inalis nya ang kamay kong nakahawak sa kanya at tinalikuran ako. Sobrang sakit ng dibdib ko habang tinitignan ang likuran ni Rage papaalis sa silid.

I failed. I feel so betrayed. Parang lahat ng nasa paligid ko ay puro kasinungalingan. Na pati ang buong pagkatao ko ay isang na ring kasinungalingan.

Hindi ko na kilala iyong totoong ako. Kung ano ang tama sa kasinungalingan o ang mali sa katotohanan.

I tried to pull myself up at kumawala sa kadenang nakakabit sa akin but in the end sa sahig pa rin ang bagsak ko. 

Napakuyom ako. Hindi ko rin naman ginusto ang nangyari. Hindi ko sinasadya. Kasama rin naman ako sa sunog at nagagaw buhay. Nagsuffer din naman ako sa impyernong pangyayaring yun pero bakit ganito?

Ella: The Innocent GangsterOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz