ELLA* VIII

3.3K 101 3
                                    

Ella's POV

Nagising ako na sobrang sakit ng katawan ko. Bwisit kasing P.E. yan eh. Pinatakbo ba naman kami ng limang laps sa Oval kung sana maliit lang yun eh isang kilometro ata haba nun eh. Tapos pinagpush up at curls up pa kami.

Kaya pagkauwi ko sa dorm ay bagsak agad ako. Nagising na lang ako ng bandang alas nuebe na ng gabi.

Nagshower ako bago kumain. Napagpasyahan ko munang lumabas para magpahangin.

"Ella bumalik ka dito bago magalas dose ah. Kung gusto mo magpasama ka kay Joana o Love?"

Inilingan ko si Rhix." Ok lang ako Rhix. Hindi naman ako lalayo. Jan lang ako sa may Pool Area."

Tututol sana sya kaya lang sa huli ay napapayag ko rin naman sya.

Dumiretso ako Pool area. Wala naman akong balak maligo. Gusto ko lang talagang tumambay dito.

Kumusta na kaya si Ate? Tatlong linggo na rin pala ako rito ng hindi ko namamalayan. Siguro ay dahil sa masyado akong namamangha sa eskwelahang ito.

Sa susunod na araw nga ay may Gang Fight na mangyayari. Sinasama ako nila Love para manood. Wala akong choice kaya pumayag na lang ako. Gusto ko rin namang makita kung anong nangyayari dun. Lalo na at hindi malabong dadating ang araw na kasali ako sa larong yun.

Ang lakas kasi ng topak ng may ari ng eskwelahang ito eh.Ewan ko kung sadyang walang magawa sya sa buhay nya at ginawang entertainment ang pagpapatayan ng mga estudyante nya o baka may ari din sya ng isang memorial para diretso sa kanya ang bangkay ng mga estudyante. Tss nakakalokong business tactic naman yun.

Pero seryoso sino kaya may ari nitong Empire. Paniguradong mayaman yun at makapangyarihan. Sa itsura pa lang ng eskwelahan ay kitang kita mo na. Tsaka kung hindi yun makapangyarihan ay paniguradong nakasara na ang eakwelahang ito dahil sa mga isyu nito.

Nilubog ko yung paa ko sa tubig pero inalis din agad. Langya parang yelo sa lamig.

"Arf" nagulat ako nang makita ko si Blue na papunta sa akin.

Mukhang magaling na sya. Nakakalakad na rin sya ng maayos.

Sinalubong ko sya ng yakap. Napatawa pa ako ng dilaan nya ako sa mukha.

"Ok stop. I miss you too Blue" habang pinapasadahan ko ng palad ang balahibo nya.

"Arf"

"Bakit ka nga pala nandito? Asan yung amo mo?"

Tanong ko sa aso. Asa naman akong sagutin ako eh noh. Napailing na lang ako.

"Behind you"

Halos atakehin ako sa puso ng biglang nagsalita yung aso. OMG is this real? Istru?

"You...talk?" Tanong ko kay Blue hoping it will answer.

"Of course"

Confirmed. Nanatili akong nakatanga kay Blue. Paksyet. Hindi naman ako tulog para managinip. Hindi naman ako lasing para magimagine ng bagay bagay at mas lalong hindi naman ako nakadrugs para maghallucinate.

"Stupid"

Pinanliitan ko ng mata si Blue. Tsk may topak rin pala tong asong ito eh. Makapanglait wagas. Manang mana sa amo nya tsk.

"Aba hoy Blue ah hindi porket isa kang asong nagsasalita pwede mo na akong tawaging tanga. I'm not stupid FYI"

"No. You are. Thinking about a talking dog is a plain stupidity."

Holy cow!

"Arf"

Lumingon ako sa tinahulan ni Blue. Oh sh.t!

Ella: The Innocent GangsterWhere stories live. Discover now