ELLA* VI

3.5K 94 2
                                    

Ella's POV

Lunes na naman. Asa library ako dahil pinapagawa kami ng essay ni ma'am Sandoval tungkol sa dellusion. Sa Wednesday pa naman ito ipapasa pero sinipag ako kaya ginawa ko na ngayon. Hindi ko kasama si Joana ngayon dahil pinatawag daw sya sa headquarters.Kung saan mang lupalop yun ay hindi ko alam.

Tumayo na ako at ibinalik yung libro sa shelf pero sa gulat ay nahulog ko ito. Langya kasi biglang nagring yung cellphone ko ringtone pa naman nun ay Trumpet.

Napatingin sa akin ang ibang estudyante. May mga nagising pa nga at sinamaan ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin kung pupulutin ko ba yung libro, sasagutin yung tawag, o tatakbo paalis. Nakakataranta kasi ung mga tingin nila. feeling ko anytime malulusaw na ako sa kinatatayuan ko.

Naramdaman kong may tao sa likod ko kaya humarap ako bigla. Nanlaki yung mata ko ng makilala ko kung sino yun. Aish naginit bigla yung pisngi ko. Syete naalala ko tuloy yung kagagahang ginawa ko nung sabado.

"Kyo..." Feeling ko mawawalan ako ng hininga sa sobrang kaba. 

Ngumiti lang sya at hinawakan ako sa bewang. Akala ko kung anong gagawin nya kinuha nya pala yung cellphone ko sa bulsa at sinagot yung tawag pagkatapos ay ibinigay sa akin yung cellphone.

Nanginginig ko kinuha yun. Takte nawawala na naman ako sa katinuan.

Pinulot nya muna yung libro bago ako iniwang tulala. Sinundan ko sya ng tingin at wala sa sariling itinapat sa tenga yung cellphone.

"HELLO!ATE ELLA!" Inilayo ko agad yung cellphone ko sa tenga ko.

" Ano ba Joana bakit ka ba sumisigaw!" Lumabas na ako sa library at pumunta sa White Tower para sa sunod kong klase.

"Sorry. Eh asan ka na ba ate? Magsisimula na yung klase."

"Eto na pabalik na nga ge na bye"

Pinatay ko na yung tawag at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hi miss!"

Napahinto ako sa paglalakad ng palibutan ako ng mga unggoy. I mean tao na unggoy. Ay! Ang ibig kong sabihin ay tao na mukhang unggoy.Tinignan ko sila isa isa. Lima lang naman sila at mukhang madadaan naman sa takbuhan.

"Hi! Sige una na ako bye" binilisan ko ang lakad ko ng maramdaman kong sumunod sila ay tumakbo na ako. Syete na otso naman oh late na ako.

Lumiko ako sa likod ng cafeteria. Nagulat ako na magubat pala yung parteng yun.

Nakarinig ako ng mga footsteps. Nasundan pa yata ako. Nagtago ako sa isang puno. Hooo napagod ako dun ah.

"Asan na yung babae?"

"Ewan ko. Tsk naisahan tayo nun ah"

"Tangna tara tara"

Sinilip ko kung umalis na sila. Napabuga ako ng hangin ng wala na sila.

Tumayo na ako at nagpagpag. Akma na akong aalis ng makrinig ako ng pagtahol.

"Arfff..arff.."

Tignan ko yung paligid. "Hello may tao ba jan?"

"Arfff.."

Lumakad ako paabante at sinundan yung pinggagalingan nung ingay. Nagulat ako ng makita ko kung ano yun.

Hala kawawa naman yung aso. Nilapitan ko ito pero mukhang takot sya sa tao dahil kahit sugatan sya ay gumagapang sya pa layo.

"Mabait ako promise"tinaas ko pa yung kamay ko. Feeling ko naman naiintindihan ako nung aso.-.-

Kumuha ako ng crackers na dinekwat ko sa dorm kanina. Nilapag ko yun sa harap nya.

Tinignan nya muna ako bago kainin yung binigay ko.

Lumapit ako at hinaplos ko yung batok nya. Umamo yung mukha nya.Pinakain ko sya habang ginagamot ko yung sugat nya. Medyo nagwala pa nga ito ng linisin ko yung sugat nya. Buti nalang nadaan sa usapan I mean amuhan.

Binalik ko na yung first aid kit ko sa bag. Meron ako nun kasi Health ang klase ko mamaya kay Mr. Alejo.

Kanino kaya tong alaga at pinabayaan na lang dito ito.

Mukhang high breed pa naman. Medyo nakakatakot dahil itim na itim ang kulay nya pero ang cute ng mata nya kasi kulay blue.

Dinilaan ako nung aso at tinahulan ako. I think his trying to say thank you.

"Walang anuman Blue" pinat ko yung ulo nya.

Kung saan ko nakuha ang blue ay sa mga mata nya. Ok rin sana ang Blacky kaya lang masyadong common. Kaya blue na lang. Na alala ko tuloy si Blues clues.

"Tsk"

Napatuwid ako ng tayo ng may magsalita sa likod ko.Naramdaman ko ang paglakad nya at paglagpas nya sa akin. Napakunot ako ng noo ng lapitan nya si Blue at hinawakan ito.

"Aso mo?" Tanong ko.

Tinignan nya ako saglit at sumandal sa puno.

"I don't know" simpleng sagot nya.

Napanganga ako sa sagot nya pwede ba yun? Hindi nya alam? Langya naka drugs ata si kuya lakas ng sapak sa ulo.

Nanatili ako nakatayo sa harap niya. Pinanood ko lang ang paghithit nya sa sigarilyo at pagbuga nito. Lumayo ako ng kaunti dahil ayoko sa amoy ng sigarilyo.

Napatingin ako sa mga tattoo nya sa braso. Ang gulo. May bungo, letra at yung iba hindi ko maintindihan kung ano. Ewan ko ba pero imbis na matakot sa kanya ay kinausap ko pa sya. Try to break the silence between us.

"Bakit nga pala may sugat si Blue?" Basag ko sa katahimikan.

Nagangat sya ng tingin nakita ko tuloy yung asul na mata nya. Ang ganda talaga nakakahipnotismo.

"Blue?" Tanong nya.

"Oo yung aso" sabay turo sa aso na nakatulog na sa hita nya.

"I don't know"

Tsk ang tino talaga nitong kausap.-.- Tumayo na ako at nagpaalam sa kanya. Tutal ay mukhang wala namang syang matinong isasagot  sakin. 

"Ge na una na ako. Bye"

Patakbo akong umalis sa lugar na yun. Tsk bahala sya sa buhay nya. Ang gulo nyang kausap. 

Napahinto ako sa pagtakbo ng maalala kong may klase nga pala ako ngayon. Aish bahala na nga hindi na lang ako papasok.

Dumiretso ako sa dorm. Ayoko ng magpagala gala. Nakakapagod kayang tumakbo tsk. Mamaya ay kung sino na naman ang makasalubong ko sa labas. Ang lalakas kasi ng topak ng mga tao dito eh.

Inabala ko na lang yung sarili ko sa pagluluto ng lunch.

Nang naalala ko si Kyo. =.=

Bakit ba lagi na lang kami nagkikita tuwing nakakahiya yung sitwasyon ko. Tsk turn off na siguro yun sa akin. :3

Napatampal ako ng noo dahil sa iniisip ko. Tsk Turn off my ass. Eh ano naman kung ma turn off yung tao? Bakit may balak ba akong syotain yun? Wala naman ihh.

Pinatay ko na yung kalan bago ko pa maisipang lutuin yung sarili ko. Kainis kung ano ano nang pumapasok sa kokote ko.

Di rin nagtagal ay dumating na yung apat. Nasermonan pa nga ako dahil sa hindi ko pagpasok. Nagalala daw sila. Akala daw nila may masama ng nangyari sa akin.

Kung alam nyo lang.

Pumasok na ako sa last subject ko. Panigurado mamaya bagsak na naman ako sa kama.Sa itsura pa lang ni Sir Alejo paniguradong paguran na naman ito. Tsk tsk tsk.

Ella: The Innocent Gangsterजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें