"Bakit hindi mo pinaalala?!"


"S-Sorry." Tawa parin ito nang tawa, napangiti naman si Jean dahil naaliw siya rito, biruin mo ang masungit na Dwight noon ay tumatawa na lagi ngayon.


Pagkatapos ng gabing 'yon, noong gulo, nagsimula sila ng panibagong buhay, nalaman din nila na ginawa lang din na bampira si Aurea at pumayag lang ito dahil nga sa paghihiganti pero may dugo na talaga itong mangkukulam. Ngayon, nasa ibang bansa na ito at doon na namumuhay, balita nila ay isa na itong sikat na Fashion Designer.


Si Jewel naman ay isa ng nurse, habang si JD ay isang doctor. Magkasintahan na ang dalawa, at ngayong taon nga ay may balak na silang magpakasal.


Si Heart at Ace, ang baraha couple ay pwede ng palitan na denial at torpe couple. Hindi pa kasi sila umaamin sa isat-isa pero mukhang ngayon ay nagpapahiwatig na si Ace kay Heart. Si Heart ay isa ng Lawyer habang si Ace ay Bussines Man.


Sila Lance at Tracy naman ay mag-asawa na, nagpakasal ang dalawa noong isang taon, parehas na nakatapos ang mga ito ng engineer. Balita ngayon na buntis si Tracy at birthday pa nito. Biruin mo nga naman.


Sila Myra at Caleb naman ay kasal na rin, meroon na silang tatlong mga anak. Noong gabi rin kasing 'yon ay nagkaaminan na ang dalawa, whore at witch.


Ang Mom at Dad naman ni Jean ay ang ngayong nangangasiwa ng BH na ngayon ay may ibig sabihin ng Beautiful High, kung saan nagtuturo si Jean ang kastilyo naman sa night woods ay pinasara muna nila at balak nilang gawing museum. Ang bagong BH na kung saan ay iskwelahan na para sa lahat.





HABANG nasa mall sila Jean para maghanap ng regalo para kay Tracy ay bigla na lamang siyang napatigil. Nagtaka naman si Dwight sa biglaang pagtigil nito.


"Kuya! Bili mo akong bagong cellphone! Isusumbong kita sa GF mong panget!" Boses iyon ni Light.


Lumingon si Jean sa pinanggalingan ng boses. Para siyang natulos sa kinatatayuan, tiningnan din ni Dwight ang tinitingnan ni Jean at pati siya ay nagulat sa nakita.


"Shut up, Light. Tsk, fuck. Fine! Let's go. Lagot na naman ako nito kanila dad and mom!" sabi ng kuya ni Light nagsimula na itong maglakad sa bilihan ng cellphone.



Susunod sana si Jean sa dalawa ng bigla siyang pinigilan ni Dwight at hinawakan ang kamay niya. "Don't."


"Si Prince..." bulong ni Jean. Gulat padin siya.


Ngumiti si Dwight. "Second life, hayaan na natin siya sa buhay niya. Mukhang masaya na siya." Dahan dahang tumango si Jean, tumalikod na sila para bumalik sa pamimili ng regalo. Pero lumingon muna saglit si Jean at nagulat na lang siya nang makitang nakatingin ito sa kaniya, nakangiti.


Nakangiting ibinalik ni Jean ang pansin sa pamimili, hinawakan niya ang kamay ni Dwight, hinigpitan naman ni Dwight ang hawak.


Kung si Jean ay isang guro, isa namang Architect si Dwight, at guess what? Katulad nila Tracy, kasal na rin silang dalawa, nitong taon lang.


"Dwight."


"Hmm?"


"I'm happy."


"And I'm inlove." Tumingin sa kaniya si Dwight, hinampas niya ito sa balikat.


Napanguso si Jean. "Naman e'!" Namumula ito.


Ngumisi si Dwight. "I love you."


"I-I love you too. Anyway, bilisan na natin." Nauna ng maglakad si Jean pero hawak parin ang kamay ni Dwight, humalakhak lang si Dwight at saka sumunod sa asawa.


A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon