Kabanata 25

6K 179 6
                                    

Kabanata 25




Jean's P.O.V


"Jean!" Wala sa sarili na napalingon ako kay Heart na kanina pa pala ako tinatawag. Iniisip ko kasi kung bakit ang tagal nila Dwight. Saka kung paano ko makakausap si Nathalie, war kami diba. Nandito kami ngayon sa sala. Pagkatapos kasing kumain ay nagyaya 'yong dalawa na manood daw kami ng movie.


"Bakit?"


"Nandito ang dad mo," Si Tracy na ang sumagot. Nanlaki naman ang mata ko, dali-dali akong tumayo at niyakap si Dad na kalapit lang ni Tracy.


"Hello, sweetie. How are you?" agad niyang sabi. Niyakap niya rin ako pabalik.


"Aalis muna kami ni Tracy, Jean," sabi ni Heart na hinihigit si Tracy palabas, tumango lang ako sa kanila. Naramdaman kong umalis na sila.


"I'm fine, dad. Bakit ka po nandito?" nagtatakang tanong ko. Biglaan ba naman e'.


"Nalaman ko ang nagyare. Pwede mo ba sabihin sa akin ang kabuuan?" tumango ako, alam niya pala siguro tumawag ang school kay Dad dahil don sa biglang pagkahimatay ko haist.Inaya ko muna siyang umupo bago ako nagsimulang magkwento.


"Hinahanap ko po noon si Dwight at napadpad po ako sa may storage room. Nagulat ako dahil pagbukas ko po ang daming galon o tanke at parang ang lamig sa loob dahil po sa pagtataka ko kung ano 'yon ay binuksan ko po ito ay nagulat na lang ako sa nakita ko. P-Punong puno po ng dugo. Ang sabi ni Loki ay dugo raw 'yon ng hayop. Then the next thing I know po ay may sumasakal na sa akin," paliwanag ko kay Dad. Nakita kong kumunot ang noo niya.


"Sino si Dwight?" Napanganga ako sa tanong niya. Hindi niya ba tatanungin kung sino ang sumakal sa akin? 'yon agad ang tinanong niya. Woah, ah.


"K-Kaklase ko po," sagot ko naman. Tumango tango naman siya na parang may binulong pa sa sarili niya. Hindi ko na itinanong kung ano 'yon kahit nakaka-curious.


"Sino ang sumakal sa'yo? Pagbanayarin natin siya!" Napatungo ako akala ko hindi niya tatanungin.


"S-Si Ms. Santos po," mahinang sabi ko. Namilog naman sa gulat ang mata ni Dad.


"A-Ano?! Hindi magagawa 'yon ni Myra!" gulat na sabi niya. Nagtaka naman ako sa inasta niya. Bakit niya nasabi 'yon?


"K-Kilala mo po si Ms.Santos?" nagtatakang tanong ko. Napansin kong napaayos siya ng upo at parang kinakabahan na ewan...


"Siguro kailangan mo rin itong malaman," sabi ni Dad.


"Ano po 'yon?" agad na tanong ko.


"Si Myra ay kapatid ni Maesha ng mommy mo. Mahal niya ang mommy mo kaya sigurado akong hindi niya magagawa sa iyo 'yon. Kaya nga ako kampante na doon ka ipasok ay dahil din sa kanya. Pinabantayan kita sa kaniya. Mabait siya," napatanga naman ako sa nalaman. Nakalagulat. Hindi ko inaakala.


Kaya ba... noong first day lagi siyang ngumingiti sa akin?  Tita ko siya? So tao rin siya? Katulad ko? Pero siya talaga ang nakita kong sumakal sa akin.


"Pero..." mahinang sabi ko at napayuko. Mukha niya talaga ang nakita ko bago ako nahimatay.


***


Dwight's P.O.V


"Nasa garden daw si Ms. Santos, sabi nong inutusan ko," sabi ni Prince, tumango lang kami sa kaniya at agad ng naglakad papunta sa garden.


Pagkadating namin sa garden ay nakita namin siyang nagdidilig ng mga halaman.


"Hindi ako makapaniwalang siya," mahinang sabi ni Ace.


"Kahit ako." segunda ni JD.


"Oh, bakit kayo nandito?" Nakita niya pala kami... painosente.


"Bakit mo 'yon ginawa kay Jean?" deretso at madiing tanong ko. Nakita kong naguguluhan siya, tsk.


"Anong ginawa?" nagtatakang tanong niya sa amin.


"Kitang-kita ni Jean na ikaw ang sumakal sa kaniya," sabi ni Prince.


"Huwag kang magmaang-maangan Ms. Santos, huli ka na," sabi naman ni Ace habang si JD ay nakatingin lang kay Ms. Santos.


"S-Sinakal?! Kamusta si Jean!?" nagaalalang tanong niya. Nabitawan niya 'yong hawak nyang lagadera. Ang galing umarte!


"Pwede ba! Huwag kang painosente!" galit na sabi ko. Ang ayoko sa lahat sinasaktan ang mga taong mahalaga sa akin.


"Hindi ko alam ang sinasabi niyo!" sigaw niya.


"Fuck! Pwede ba?! Ano bang gusto mo? Ha?! Bakit mo 'yon ginawa kay Jean?!" galit na sabi ko.


"Ms. Santos sabihin mo na lang ang totoo," sabi pa ni Ace.


"Hindi ko kayang gawin 'yon kay Jean..." sabi ni Ms santos.


"At bakit naman ha?! Baka may galit ka sa kaniya!" tanong ni Ace. Nakita kong nagaalangan pang magsalita si Ms. Santos pero tinuloy niya parin ng makitang lahat kami ay nakatingin sa kaniya.


"Dahil... pmangkin ko si Jean, mahal ko siya. Hindi ko kayang gawin sa kaniya 'yon!" nagulat naman kami dahil sa sinabi niya.


What the. Anong kagaguhan 'to? Pamangkin?! Fuck.


"Pero b-bampira ka at tao si Jean," sabi ni JD. Tama si JD. Panong nangyare 'yon? Pinagloloko niya ba kami?!


"Totoo ang sinasabi ko. Hindi ko kayang gawin 'yon sa pamangkin ko." nakayukong sabi niya at parang nanghihina.


"Ikaw ang nakita ni Jean na sumakal sa kanya. So, paanong hindi ikaw?" seryosong tanong ko. Mamaya ko na itatanong kung anong ibig sabihin ng sinasabi nyang pamangkin.


"Oh, God, please huwag naman sanang siya," narinig kong bulong niya, alam kong kahit si Prince ay narinig 'yon. Bampira kami. Matalas ang pandinig namin.


"Sinong siya?" tanong ko.


"S-Si Mira... ang kakambal ko," sabi niya na nagpagulantang sa aming lahat.


The fuck.


***
MERRY CHRISTMAS TO ALL!

A Bloody Mess (COMPLETED)Where stories live. Discover now