Kabanata 49

5.2K 101 3
                                    

Kabanata 49



Tracy's P.O.V


Nasa kwarto ako ngayon, naghahanda para mamaya. Tumingin ako sa orasan. 5:00 PM. Maggagabi na. Ang bilis ng oras.


"Tracy." Napatingin ako sa may pinto, hindi ko naramdaman ang presensya niya.


"Bakit Jewel?"


Lumapit siya sa akin saka umupo sa kama ko. Nakaupo din kasi ako. "Alam kong gusto mong malaman yung sinabi ni Tita Maesha kanina." Napatingin ako sa kaniya, nakatingin din pala siya sa akin.


Hindi na ako magsisinungaling pero noong una palang ay ayoko na talaga sa kaniya, hindi kami magkasundo maliban siguro sa oras na ito.


"And?" tinaasan ko siya ng kilay. Tumikhim siya bago magsalita.


"Hindi naman talaga ako ang nakatakdang maging oracle, kaya nasabi ni Tita Maesha na simula palang nabago na ang propesiya," mahinang sabi niya, habang ako ay nanlalaki ang mata.


"Ang kaibigan ko dapat, siya dapat ang kakagatin ni Prince pero ako ang nakagat niya dahil sa pinrotektahan ko siya..." huminga siya ng malalim. "Magkaibigan na kami simula pa nung bata pa kami at hindi ko hahayaang makitang makagat siya. Alam mo bang, simula ng maging oracle ako ay nakalimutan niya na ako? Iyon ang sabi sa akin ni Prince." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.


Si Prince? Ah, oo nga pala, una palang alam na ni Prince ang tungkol dito, sa oracle o sa mga nangyayare ngayon habang si Dwight--


Saglit...


"N-Nakalimutan?"


"Oo, kaya nga galit na galit ako kay Prince, pero nagbago lahat dahil sa mga nalaman ko. Mahirap pero dapat ay tanggapin ko na ang katotohanan." Hindi ko na napigilan ang sarili ko, humarap ako sa kaniya at niyakap siya, mukhang nagulat pa siya sa una pero di kalaunan ay naramdaman ko na ang pag-uga ng balikat niya. Umiiyak siya.


"You know what? Parang parehas lang tayo, hindi dapat ako magiging bampira kung hindi sa nangyareng aksidente. Dapat ay patay na ako, pero salamat kay Loki dahil iniligtas niya ako..." Napangiti ako habang inaalala yung pag aaway namin ni Jean. "Dahil sa nangyare, nalaman ko kung sino ang tunay na kaibigan ko na hindi ako iiwan. And guess what? Kayo 'yon."


"Masaya ako dahil naging kaibigan ko kayong lahat," bulong niya, tumango lang ako.


"Magkakaibigan tayo kaya we need to fight together."


"Tama, kaya natin ito, maililigtas natin sila Jean.


Napatingin ako sa kisame. Ano kayang ginagawa mo ngayon Jean? Please. Wait for us, we will fight together and I'm sure, our friendship will stay forever.


***


Jean's P.O.V


Nakatingin lang ako kay Maxwell habang kumakain kami ng ice cream. Para kasing may iba akong nararamdaman, kinakabahan ako.


"Salamat talaga, Jean. Pwede na yata akong mamatay," nakangiting sabi niya.


Naningkit ang mata ko saka ngumuso. "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Pero siguradong papatayin ka nga nila Zion." Humalakhak siya dahil sa sinabi ko.


Itong matandang ito.


"I'm not that old, Jean. Kasing edad ko lang ang Dad mo." Umirap lang ako sa kawalan.


"Hinahanap na kaya nila tayo?" Sigurado akong lagot ako kay Caleb, sabi niya pa naman ay huwag akong lalabas.


Dinilaan niya ang gilid ng labi niya na may ice cream. "Of course." Saka tumawa.


Baliw.


"Jean, alam mo na ba ang gagawin mo?" agad akong kinabahan.


Tumikhim ako."Gagawing ano?"

"Maging matapang ka lang." Imbis na sagutin ay 'yan ang sinabi niya.


Tumingin ako sa langit, madilim na. "Alam ko na ang gagawin ko. Pero ayokong gawin," nanghihinang sabi ko.


"Gawin mo ang inuutos ng puso mo."


Pumikit ako. "Mahirap, parang pinapili lang ako, kung ang pagmamahal ko o ang kaligtasan ng lahat."


"Nabasa mo na pala ang libro kung ganoon..."


Tumango lamang ako.


"Silly, kung ako ikaw, pipiliin ko parehas." Nagulat naman ako.


"Paano mo magagawa iyon? Sa lahat ng pagkakataon kailangang pumili, magdesisyon at magparaya, Maxwell."


"Ewan ko rin kung paano. Pero kung gusto mo, may paraan." Bumuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi niya.


"Hays, wala kang naitulong!" biro ko sa kaniya saka tumawa, tumawa rin siya.


"Nandyan ako, kami, ang mga kaibigan mo. Tutulungan ka namin, papalapit na ang oras. Kung ano man ang magiging desisyon mo, susuportahan ka namin."


Napangiti ako, lumalabas na ang buwan. "Full moon pala ngayon?" gulat na sabi ko.


"Oo nga, 'no?"


"Nararamdaman kong ito na ang oras," bigla kong nasabi habang nakatingin parin sa buwan.


"Ako rin." Kinakabahan ako, hindi para sa akin kung hindi para sa mga taong malapit sa akin.


"Kung ito na nga ang oras, Maxwell. Pwedeng magpromise ka sa akin?" Ewan ko ba pero, magaan na ang loob ko kay Maxwell.


Naramdaman kong tumingin siya sa akin. "Hm, tingnan natin. Ano ba 'yon?"


"Pwedeng ipangako mo na...pagkatapos ng lahat ay makikita kitang ligtas kasama sila Caleb?"


"Alam mo Jean, lahat ng bagay kailangang mag tapos. Kaya hindi ako mangangako. Sana ay bantayan mo lagi si Maxine, ha?" Naramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha ko sa pisngi ko.


"Hindi ko maipapangakong magiging ligtas ako, pero maipapangako ko namang sasamahan kitang lumaban hanggang huli." Tumango ako habang nahikbi.


"I guess, okay na ako don. Hindi ko naman kasi hahayaang mangyare 'yon," matigas na sabi ko.


"This is life, Jean. Death is common, we just need to accept the fact that this is bound to happen." Hindi ko na napigilan ang sarili ko, hinampas ko na siya.


"Aray!" sigaw niya habang umiiwas sa hampas ko.


"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Sisipain kita e'!" inis na sabi ko habang naiyak.


Tumawa siya. "Nagbibiro lang ako. Hindi ko hahayaang mamatay ako habang hindi nakikita ang happy ending niyo." Tumigil na ako saka huminga ng malalim.


This man. Tss.


"Anyway, ano ba ang pipiliin mo?" Seryosong tanong niya.


Napatahimik ako, saka pumikit.


Ang kaligtasan ng lahat.


Napatahimik din si Maxwell, halatang gulat sa nabasa sa isip ko.


Ngumiti ako saka pinunasan ang mukha. "Tapusin na natin ito," sabi ko saka hinigit siya at bigla na lang kaming nawala ng parang bula.


***
Malapit na. :)

A Bloody Mess (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن