Kabanata 35

5.1K 110 6
                                    

Kabanata 35


Jean's P.O.V


Bloody High


Iyan agad ang nakita ko nang tumigil 'yong ng sinasakyan namin, bakit noong unang araw ng pasukan hindi ko 'yan nakita?


"Mga ganap na bampira lang ang nakakakita niyan, kahit ako ay hindi ko makita ang sinasabi mo sa isip mo." Agad akong napabaling kay Lance na nasa unahan kalapit ng driver. Sumulyap siya sa salamin sa tabi nito at nakita kong nakatingin siya sa akin. Tumango lang ako. Dahil sa mangkukulam ang ninuno niya, nagawan nila ng potion ang sarili nila para makabasa ng isip ng iba. Ganoon pala 'yon, madami pa akong hindi alam kung ganoon.


Nang makapasok kami sa loob ay may naramdaman agad akong pamilyar na titig. Iyong laging nararamdaman ko. Pati ba naman dito?


"Magsisimula na ang kasiyahan." Napatingin ako kay Tita Mira nang magsalita siya. Kasiyahan? Pero, bakit pakiramdam ko ay may mali?


Pumunta kami sa gym ng BH, madami ng tao ang naandito. Mali, hindi nga pala sila tao. Agad din kaming nakahanap ng pupwestuhan namin. Nang makaupo kami agad na tumingin tingin ako sa paligid. Nandito kaya sila Tracy? Sana.


Napabaling kami ni Lance kay tita Mira nang magsalita siya. "Maiwan ko muna kayo." Pagkatapos niyon ay umalis na agad siya. Saan kaya siya pupunta?


"Jean, dito ka lang. Huwag kang aalis may titingnan lang ako." Tumango lang ako kay Lance. Naiwan akong mag isa rito sa pwesto namin. Pagkakataon ko na 'to, kailangan kong mahanap sila Tracy, sana nandito sila.


Umalis din agad ako, at nagsimula ng hanapin sila Tracy. Malakas ang kutob ko na nandito sila. Hindi ko namalayan na nandito pala ako sa likod ng school, kung saan ko noon nakita sila Tracy at Loki na naguusap
Anong ginagawa ko ba rito? Aalis na sana ako nang biglang uminit yung kwintas, hindi nakakapaso pero mainit, parang pinapahiwatig na huwag muna akong umalis at ilang segundo lang nga ang nakalipas ng may marinig akong naguusap, nagtago muna ako saka sila pinakinggan.


"Mayaos na ba ang lahat?" Kilala ko ang boses na 'yon. Tita Mira.


"Oo, saglit nga, bakit ba gagawin natin siyang mangkukulam, Mira?" Hindi ko kilala ang boses ng kausap niya pero napatigil at nangatal ako sa narinig. Gagawing mangkukulam? Sino? Ako ba?


"Para wakasan ang nakasaad sa propesiya," narinig kong sagot ni Tita Mira.


"Propesiya na ikaw naman ang gumawa," sabi ng kausap niya. Propesiya? Ito ba 'yong sinabi niya sa akin noong nasa playground kami?


Agad akong umalis na lugar na 'yon habang natakbo, kailangan kong umalis dito. Dahil sa sobrang gulo ng isip ko ay hindi ko namalayan na may tao sa harap ko kaya nabunggo ko ito. Napatingala ako sa kaniya, mata niya palang ang nakikita ko pero kumabog na agad ng mabilis ang puso ko.


"Z-Zion?" biglang banggit ko. Napahawak naman agad ako sa bibig ko, paanong? Bakit ko nabanggit ang pangalang Zion? Napatingin ulit ako sa kaniya, kulay abong buhok, itim na itim na mga mata, maputlang kulay ng balat. Napaatras ako nang ngumiti siya sakin. Heto na naman ang kabog ng puso ko. Sobrang bilis.

"P-Paumanhin." Mabilis akong naglakad na at iniwan siya pero bago ako makaalis ng tuluyan ay may narinig ako sa kaniya na nagpainit ulit ng kwintas ko.


A Bloody Mess (COMPLETED)Where stories live. Discover now