Kabanata 31

5.5K 111 3
                                    

Kabanata 31




Jean's P.O.V a.k.a Anne's


Kinaumagahan habang kumakain kami ng tahimik ay nagulat ako nang biglang nagsalita si 'Mama', hindi ako sanay.


"Anne, malapit na ang pangalawang full moon ngayong taon. Kung maaari ay huwag ka munang lumabas ng bahay," seyosong sabi niya habang pinagpapatuloy parin ang pagkain. Pangalawang full moon? Ah, ang una nga pala ay yung nalaman kong totoo ang mga bampira. Pero anong meron?


"Ano pong meron?" nagtatakang tanong ko.


"May mga mangyayare na dapat iwasan." Pagkatapos ay tumayo na siya at iniwan ako. Hindi ko na alam ang mga nangyayare ngayon. Kailangan ko ng mahanap ang kwintas ko.


'Anak..' Napatuwid ako ng upo nang may narinig akong boses. Lumingon ako sa paligid at wala naman akong makitang tao.


'Anak ko...' Ayan na naman. Saglit! Anak niya?


'M-Mommy?' Kinakabahan ako, naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha sa pisngi ko.


'Kailangan mong mag-ingat at lakasan mo ang 'yong loob anak, malapit na. A-ah. P-Patawad...' Iyon lang at nawala na ang boses sa aking isipan ngunit dinig ko parin ang kaniyang daing, nasasaktan siya. Napahawak ako ng mahigpit sa kutsara, anong nangyayare sa kaniya?


Kailangan kong makaalis na agad dito at mahanap na si Mommy, sana hindi pa huli ang lahat. Alam kong may nangyare sa kaniyang masama.


"Anne." Agad kong pinunasan ang mukha ko saka tumingin sa tumawag sa akin, ang tita kong mangkukulam na nagpapanggap na mama ko. Bakit niya ba ginagawa ang mga bagay na ito?


"Ma."


"Malapit na ang party kanila Scarlet, kailangan mong maghanap ng maisusuot. Sasamahan kita, kaya bilisan mo na riyan." Umalis din agad siya pagkatapos non. Masama ba talaga siya?  Bakit hindi niya pa ako pinapatay?


Tumayo na ako at nagligpit, saka dumeretso sa kwarto ko at nagbihis.


Party ni Scarlet sa biyernes at martes palang ngayon, anong selebrasyon ba 'yon?


***

Tracy's P.O.V


Hanggang ngayon hindi parin nagigising si Jewel, ang Oracle. Nandito siya ngayon sa kwarto ko. Kataka-taka ring hindi parin lumalabas ng kaniyang kwarto si Dwight, si Prince naman ay hindi parin bumibisita rito hanggang ngayon.


"Nakikita niya ang hinaharap?" Bahid ang paghanga sa mga mata ni Heart. Tao nga pala siya, sila ni Ace.Napatingin ako kay JD na nandito rin sa kwarto ko, nakatingin lang siya sa labas na parang walang narinig.


"Oo, alam lahat ng bampira kung ano at sino ang oracle, pero hindi ang itsura niya."


"Iyong sinabi niya, may clue na ba kayo kung ano ang ibig sabihin niyon?" tanong ni Ace na nasa tabi ni Heart.


"Wala pa."


"Si Dwight, bakit hindi pa lumalabas ng kwarto niya?" May kwarto kaming lahat dito sa bahay ni JD pansamantala.


"Sinilip ko siya kanina at nakita kong tulog parin siya," sagot ni Heart.


"Ah, okay--"


A Bloody Mess (COMPLETED)Where stories live. Discover now