Kabanata 39

5K 136 1
                                    

Kabanata 39


Lance's P.O.V


Naandito ako sa kwartong pinanatilihan ko ngayon sa bahay nila JD. Gumagawa ako ng potion, potion na kung saan ay magpapahina sa lalaking kumitil sa buhay ni Tita Mira at ni Scarlet, hindi ako maghihiganti pero gusto ko siyang turuan ng leksiyon.


Sa totoo lang, nanay-nanayan ko lang 'yong alam ni Jean na nanay ko. Wala na akong magulang at si Tita Mira lang ang kumupkop sa akin, nilusob noon ng mga bampira ang lugar namin. Nakita ako ni Tita Mira na nag-aagaw buhay, buti na lang tinulungan niya ako at inalagaan hanggang sa ibigay niya ako kay Mama.


"Lance..." Napatigil ako sa pag-iisip. Lumingon ako sa may pinto at nakita ko siya doon, nakasilip sa akin, sa ginagawa ko.


"Tracy, anong ginagawa mo rito?"


"M-May gusto lang sana akong malaman." Parang nag-aalinlangan pa siya.


"Ano 'yon?"


"D-Diba, you can read minds?"


Ah, 'yon lang pala. "Oo, bakit?"


"Pwede bang basahin mo ang nasa isip ni Jewel?" Dahan-dahan siyang pumasok at isinarado ang pinto.


"Para saan? Saka, diba bampira ka? You can read minds too."


"Yes, kaya ko pero hindi sa kaniya. Pwedeng, sa atin lang 'to? Please Lance." Tumitig siya sakin ganoon din ako. Then I read her mind. Sinong siya?


'I need to save Jean. '


'She's my friend.'


'Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan at malungkot.'


Kumunot ang noo ko sa nalaman.


"Diba sabi nila JD, sama-sama tayo--" Pinutol niya ang sasabihin ko.


"Great! Nabasa mo nga ang nasa isip ko!" Ngumiti siya.


"Pero Tracy--"


"Lance, tutunganga na lang ba tayo? Hindi natin alam ang nangyayare kay Jean doon! Pati si Loki, wala pa siya hanggang ngayon," kinakabahan siya habang sinasabi 'yon. Alam ko ang pinupunto niya at tama siya.


"You see Lance, ang buhay ay isang laro. Kailangan nating sumugal para malaman ang kahihinatnan nito. Walang magagawa ang pagtunganga, ang kailangan natin ay ang kumilos." Life is a game.


"So, deal? Read Jewel mind, she's an oracle, hindi ko kayang basahin ang isip niya, pero ikaw alam kong kaya mo. Gagawin mo iyon para malaman natin ang lugar nong kastilyo at para na rin makagawa na tayo ng paraan o plano."


That's why, tama siya kaya kong basahin ang isipan ng kahit sino, kakaibang kakayahan. Napabuntong hininga ako. "Okay. Deal."


Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin at tumalon talon pa siya. "I know papayag ka para kay Jean! Thank you!" nagsimula na siyang umiyak.


Hm, ang pagkakaroon ng totoong kaibigan ay isang kayamanan. Handa itong gumawa ng kahit ano para matulungan lang ang isa. Dahil kaibigan ko na si Jean, handa na rin akong sumugal. At oo, mahal ko na siya kahit maikling panahon lang 'yon pero handa akong maging kaibigan lang para sa ikabubuti.


A Bloody Mess (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя