Kabanata 16

9.3K 244 20
                                    

Kabanata 16


Jean's P.O.V


"Moon, pumili ka na sa kanilang dalawa. Kailangan mong magpasiya." Isang babae na nakasuot ng pula na gown ang nagsabi, hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil sa dilim, nasa kagubatan yata kami at tanging ang sikat lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw.


"Prinsesa ko! Ako ang piliin mo!" Napalingon ako sa aking likod, si Prince.


"No! Moon! Sa akin ka! You are mine!" Pagtingin ko ay si Dwight iyon!


Ano bang ginagawa ko rito? Nasaan sila JD?! Nakakatakot.


"Pumili ka na," sabi nong babae.


Naramdaman kong tumulo ang luha ko, hindi ko alam kung bakit. I'm thorn!


"JA!"


May tumatawag sa akin! Boses 'yon ni JD. Hinanap ko kung nasaan si JD. Nakita kong unti-unting nawala iyong babae pati na rin sila Dwight.


"JA!"


Naalipungatan ako. Pagmulat ko ng mga mata ko ay agad na bumungad sa akin ang mukha ni JD na puno ng pag-alala.


Isang masamang panaginip? Bakit nandoon sila Dwight? At iyong babae! Tinawag nila akong Moon? Ang gulo! Parang katulad lang dati, noong nanaginip ako, parang may ibig sabihin.


"A-Anong nangyari?"


"Kanina habang kuamakain ka bigla kang nahimatay kaya dinala ka namin dito sa clinic, tapos nagulat ako dahil bigla kang sumigaw na parang nasasaktan ka, kaya ginising kita."


"N-Nahimatay ako?" Bakit naman ako nahimatay? Natatandaan ko'y masaya pa akong kumakain kasama sila, ah.


"Oo. Nagulat nga kami dahil bigla ka na lang nahimatay. Sabi naman nong nurse rito sa clinic ay kailangan mo lang daw magpahinga."


"Salamat sa pagdala sa akin dito. Nasaan nga pala sila Heart at Ace?"


"Ipinagpapaalam ka nila sa teacher mo. Uuwe na tayo."


"H-Huh?"


"Kailangan mong magpahinga. Saka nga pala, alam kong may nangyare kanina sa'yo pero hindi ko muna aalamin." Tumango na lang ako. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na sila Heart. Pagkakita ni Heart sa akin ay agad niya akong niyakap.


"Huwah! Buti gising ka na!"


"Puso, tigilan mo nga 'yan! Kailangang na nating umuwe para makapagpahinga si Jean!"


"Tama si Ace, Heart. Tara na." Umalis na sa pagkakayakap sakin si Heart. Dala nila JD at Ace yung gamit namin ni Heart. Naglakad na kami palabas ng makasalubong namin sila Loki at Tracy. Naramdaman kong tumingin sa akin si Tracy pero hindi ko siya pinansin. Bampira siya at... ayoko sa uri nila.


"Diba siya ang kaibigan mo?"


"Dati pero hindi na ngayon." Alam kong narinig 'yon ni Tracy dahil hindi pa sila nakakalayo sa amin.


"Sabi ko na nga ba, may nangyare e'."
Hindi ko na lang 'yon pinansin.


"Hoy andaya, OP kami!" sabi ni Heart


"Tao ako, hindi ako OP," bara ni Ace kay Heart.


"Gung-gong!" Hindi ko na lang sila pinansin ganoon din ang ginawa ni JD. Ang kukulit kasi nila.


A Bloody Mess (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें