Kabanata 26

6.2K 155 0
                                    

Kabanata 26




Jean's P.O.V



Pagkaalis ni Dad sa bahay ay umalis din ako. Hindi na ako nagpaalam pa kanila Tracy at Heart gusto ko kasing makapag-isa.


Ngayon, nandito ako sa playground, ewan ko kung anong lugar 'to pero rito kasi ako dinala ng mga paa ko. Nakaupo ako ngayon dito sa swing at nag iisip ng taimtim nang biglang may naramdaman akong ibang presensya sa katabi kong isa pang swing. Paglingon ko'y nagulat ako dahil si Ms. Santos 'yon, nakatingin lang siya sa unahan. Ako naman ay kinakabahang nakatitig sa kaniya.


Anong ginagawa niya rito? Hindi siya nakita nila Dwight?


"Gusto kitang patayin. Alam mo ba 'yon?" nakatingin parin sa unahan na sabi niya. Kinilabutan ako.


"A-Alam ko." Halata naman diba? Sinakal niya nga ako e' at muntik niya pa akong mapatay.


"Gusto kitang patayin para hindi mangyare ang mga nakasulat sa libro ng mga bampira." Napamaang ako sa sinabi niya pero hindi na ako nagsalita at hinintay na lang ulit na magsalita siya. Anong ibig niyang sabihin sa mga 'yon?


"Galit ako sa mommy mo. Galit na galit ako sa kaniya. Siya ang kinuha ng hari at hindi ako. Pinamukha nilang kaawa-awa ang isang katulad ko." Nakita kong unti unting lumalandas ang masaganang luha sa kaniyang mga mata. Bakit ganito? Nakaramdam ako ng awa sa isang katulad niya? Sa tita ko na gusto ako patayin?


"A-Anong?--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang lumingon sa akin.


"Sawang-sawa na ako. Lagi na lang akong pinagtatabuyan. Itinatago habang ang mga kakambal ko ay malayang nakakalabas at nagagawa ang kagustuhan nila. Isa akong purong mangkukulam wala man lang humalong dugo ng bampira sa akin...hindi katulad ni Maesha na purong bampira at Myra na kalahating bampira at mangkukulam," may bahid ng lungkot at pagkasuklam na sabi niya. What the hell. Mangkukulam? Kakambal? Importante ba talaga ang dugong bampira?


"Isang sumpa ang turing nila sa akin. Dahil sa trato nila sa akin ako mismo ang gumawa ng kapalaran niyo. Kapalaran na hinaluan ng paghihiganti," ngumisi siya. Kapalaran...


"Inggit. Selos. Paghihiganti," may diin sa pagsasabi niya ng mga salitang 'yan. Nakaramdam ako ng sobrang takot. Halo-halo na ang mga nararamdaman ko. Takot. Awa. Kaba. Lungkot. Ang gulo!


"B-Bakit?" Ngumiti lang siya sa akin bago ako nakaramdam ng pagkahilo. Anong nangyayare sa akin?


"Kailangan na kitang tapusin bago pa ikaw mismo ang tumapos ng lahat at ayokong makita na pagsisihan mo pa ito sa huli."


Anong?


"Ang kaso... hindi ko alam kung paano ko 'yon gagawin..."


Ang mukha niyang umiiyak ang huli kong nakita...


***


Dwight's P.O.V


Pagkabalik namin ulit sa bahay nila JD galing sa school ay nagulat na lang kami sa aming naabutan. Si Tracy na paikot-ikot sa sala. Si Heart na kagat-kagat ang kaniyang kuko habang naiyak. Walang Jean?


"Anong nangyayare?" nagtatakang tanong ni Prince.


Nakita kong nilapitan ni Ace si Heart at si Prince si Tracy. Si JD ay nakita ko namang umakyat.


"Si Jean nasaan?" seryoso kong tanong. Bumalatay ang kaba sa mukha nilang dalawa. Masama ang kutob ko sa nangyayare ngayon base palang sa pinapakitang reaksyon nila Tracy at Heart.


"Wala si Jean sa taas!" nakasigaw na sabi ni JD pagkababa niya.


"Puso, ano ba talagang nangyare? Bakit ka naiyak?" nagaalalang tanong ni Ace kay Heart.


"W-We dont know," nakaiyak na sabi ni Heart.


Anong?!


"Where's Jean?! Fuck!" sigaw ko sa kanila. Alam ko na ang nangyayare! Damn!


"I'm sorry! Hindi namin alam! Kausap niya 'yong daddy niya kanina then pagkatapos hinatid niya tapos hindi na siya bumalik!" mabilis na sabi Tracy at napupo na lang sa sahig at umiyak nang umiyak.


Isa lang ang ibig sabihin nito...


"Nasa kapahamkan si Jean!" kinakabahang sigaw ni Ace. Tama siya.


"Bakit kasi hindi niyo siya binantayan?! Diba sinabi kong bantayan niyo siya!" hasik ko sa kanila.


"Sorry!" si Heart at Tracy. Naiyak parin sila hanggang ngayon.


"Huwag na tayong magsisihan pa. Magtulong-tulong na lang tayo na hanapin si Jean," awat ni JD. Sabagay tama siya, haist!


Bumaling ako kay Prince na ngayon ay seryoso na rin. "Prince humingi ka ng tulong sa mga bampira," utos ko kay Prince na agad namang tumango saka kinuha ang cellphone niya at nakipag usap. Tumingin ako kanila JD at nakita kong tumango rin sila.


"Baka kasama niya ngayon ang kakambal ni Ms. Santos," sabi ni Ace.Yeah, ayan din ang nasa isip ko. Siya lang ang kukuha kay Jean ngayon.


"Tama ka baka nga ang kakambal niyang 'yon!" galit na sabi ni Prince kahit may kausap parin sa cellphone niya. Parang may napansin ako sa kaniyang kakaiba.


"Sinong kakambal?" sabay na tanong nila Heart at Tracy. Alam ko na agad na magtatanong talaga ang dalawang 'to tungkol sa bagay na 'yon.


"Hindi si Ms. Santos ang sumakal kay Jean sa Storage room. May kakambal si Ms. Santos," sagot ni JD.


"Pano niyo naman nasigurong totoo ang sinasabi niya?"-Tracy.


"Noong mga oras na 'yon ay nasa canteen siya at madaming nakakita sa kanya doon, pati halata namang totoo ang sinabi samin ni Ms. Santos kanina halata sa reaksyon niya habang kinakausap namin siya," pagpapaliwanag ni Ace sa kanila. Tumango tango lang sila Tracy at Heart ng maintindihan na nila.


"Nakausap ko na at naipaliwanag ko na sa kanila, nagsisimula na silang maghanap ngayon. Sa tingin ko kailangan ulit nating pumunta ng school at humingi rin ng tulong kay Loki. Sigurado akong makakatulong siya," sabi ni Prince na kakatapos lang makipagusap sa cellphone.


Oo nga. Makakatulong si Loki, madami siyang galamay dahil isa siyang student council president.


"Okay. Let's go," yaya ko. Agad naman silang nagsitayuan.


"Sasama kami!" nakataas ang kamay na sabi ni Heart.


"Yeah, t-tutulong kami," segunda ni Tracy. Tss. Tumango na lang ako.


"Hanapin na natin si Jean! Fighting, guys!" malakas na sigaw ni Ace. Tumango kaming lahat at nagsimula ng kumilos. Sana ay nasa maayos na kalagayan ka ngayon Jean. Hintayin mo kami, ililigtas ka namin.


Lahat gagawin ko masigurado ko lang na mahanap ka na agad namin.


Jean...

A Bloody Mess (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu