Kabanata 27

6.3K 137 4
                                    

Kabanata 27



Dwight's P.O.V


"Ano? May impormasyon na kayo kung nasaan si Jean?" seryoso at nanghihinang tanong ko kanila Prince, lalo lang akong nanghina ng makitang unti-unting umiling si Prince. Nakayuko lang sila Ace, Tracy, at Heart habang si JD ay nakatulala. Si Loki naman ay wala rito dahil inaasikaso niya ang school. Biglang may nakitang bangkay sa may storage room.


Tatlong linggo... tatlong linggo ng nawawala si Jean at hanggang ngayon ni isa ay wala kaming impormasyon kung nasaan siya.


Napahawak na lang ako sa aking noo.


"K-Kamusta na kaya siya?" naluluhang tanong ni Heart.


"S-Sana okay l-lang siya," nakayukong sabi ni Tracy. Napailing na lang ako. Madaming pumapasok sa isip ko na mga negative na bagay pero winawaksi ko rin ito agad.


"Aalis muna ako. Baka makahanap na ako ngayon ng impormasyon kung nasaan siya," sabi ni JD at agad na naglakad paalis.


"Sasama ako sa'yo, JD!" habol ni Ace sa kaniya. Nang mawala na ang dalawa ay biglang nagsalita si Prince.


"Kailangan ng tulong ni Loki, pupuntahan ko muna siya at Dwight patuloy parin silang naghahanap," Saka lumabas. Napatingin ako kanila Tracy at Heart na paalis na rin.


"Hahanapin namin si Jean. Baka may nakakita sa kaniya sa ibang lugar." si Tracy.


"Sige mauna na kami," paalam ni Heart. Tumango na lang ako sakanila.


Jean, Moon. Nasaan ka na ba?


Napahawak ako sa aking dibdib ng maramdaman kong parang wala akong nararamdaman na kung ano-ano. Bakit? Kailangan ko na talagang mahanap si Jean.


***


Jean's P.O.V (A.K.A Anne's)


"Mama. Nasaan po si Lance?" nagtatakang tanong ko kay Mama Mira. Nakakainis kasi ang lalaking 'yon. Sabing samahan niya ako sa palengke ngayon e'! Tapos ngayon nawawala!


"Nak, baka nasa labas lang ang kaibigan mo," nakangiting sabi ni Mama sa akin tapos ay bumaling ulit siya sa ginagawa niyang orasyon or potion. Mangkukulam kasi si Mama Mira. Nagpapaturo nga ako sa kaniya kasi ang cool lang pero ayaw niya, hmp.


"May ipabibili po ba kayo, mama?"



"Wala naman. Bumili ka na lang ng ulam para sa ngayon at mamaya, magpasama ka kay Lance. Mag-ingat, huwag pupunta sa kung saan-saan at baka ka mapahamak." Tumango lang ako saka napanguso ang daming habilin.


"Sige po. Hahanapin ko muna si Ugok na Lance," pagpapaalam ko. Bago ako umalis ay narinig ko pa ang pagtawa ni mama dahil sa tinawag ko kay Lance. Bagay naman, lol.


Paglabas ko ay agad akong pumunta sa bahay nila Lance. Nakita ko agad ang mama niya na isa ring mangkukulam well, madaming mangkukulam sa bayan namin haha. Ang gagaling nga nila e'! Pero sa lahat ay ang pinakamagaling ay si Mama Mira ko. Hihi.


"Oh. Anne? Anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong ni Tita Jullie ang mama ni Lance.


"Si Lance po tita nasaan? Magpapasama po kasi ako sa kaniya ngayon sa palengke e'," nakangiting sabi ko.


"Ah. Iyong batang 'yon ay nasa galaan. Tingnan mo sa may parke baka nandoon lang."


"Sige po. Aalis na po ako. Salamat," pagpapaalam ko at nakita kong tumitig muna siya sa akin ng matagal bago tumango.


A Bloody Mess (COMPLETED)Where stories live. Discover now