Kabanata 37

5K 115 1
                                    

Kabanata 37




Jean's P.O.V


"Jean!" Agad na napamulat ang aking mga mata. Iyong pagsabog. God, si Tita Mira. Patay na siya.


"Mabuti naman at gising ka na, my lady." Nanlaki ang aking mata nang may magsalita. Napabangon ako at napatingin agad sa may pinto kung saan may lalaking hindi ko kilala ang nandoon. Saka ko lang naalala, nasa ibang lugar ako. Isinama ako nung lalaki, ni Zion. Napatingin ako sa paligid. Nakaupo ako ngayon sa isang malaking puting kama. Kulay pula ang mga kurtina na tinatakpan ang bintana at madilim din ang lugar na kinauupuan ko ngayon.


"Tapos ka na ba?" Napatingin ulit ako sa lalaki, bakas sa mukha ko ang pagtataka na agad niya namang nakuha.


Tumikhim siya bago nagsalita, "Ako nga pala si Caleb, ang kanang kamay ni Lord Zion, my lady." So, tama nga ako. Zion ang pangalan niya, pero paano ko naman 'yon nalaman?


"Ipinatatawag ka na ni Lord Zion, samahan mo raw siyang mag-umagahan," sabi pa nito.


"A-Ayoko." Umiling pa ako para ipakita ang hindi pagpayag.


"Hindi mo gugustuhing makita ang galit na siya, my lady. Iba si Prince at Dwight. Ibang iba." Naramdaman ko ang pag-init ng kwintas na suot ko.


Ha? Anong ibig niyang sabihin? Prince at Dwight?


"S-Susunod na lang ako." Tumango lang ito saka lumabas na ng kwarto. Nagtataka parin ako hanggang ngayon sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Bakit nadawit ang pangalan nung dalawa? Pero, hindi muna dapat 'yon ang intindihin ko. Mas importante ay ang balak ni Zion sa akin.


Ngayon, ano na ang gagawin ko? Pumatay si Zion. Madami na ang napatay niya. Dapat ko bang tapusin din ang buhay niya? No... may iba pang paraan. Sa ngayon, kailangan ko munang malaman ang dahilan niya. Pero, nasaan ba ako?


Dahan-dahan ako tumayo, napatingin ako suot ko. Kulay puting bistida na ang suot ko. Sino kayang nagpalit sa aking damit? Huwag naman sana si Zion o si Caleb. Napabuntong hininga ako.


Bago lumabas ay sumilip muna ako sa may pinto, isang mahabang pasilyo lamang ang nakita ko. Walang tao, sobrang tahimik. Ano bang lugar ito? Tuluyan na akong lumabas. Ubod ng ingat ang bawat paghakbang ko, sa takot na makasalubong ko si Zion. Habang naglalakad ay bigla akong napatigil at napatingin sa pintong nakabukas. Sumilip ako rito. Napanganga ako sa nakita, mga libro. Sobrang daming libro! Pero isang libro lang talaga ang nakaagaw sa pansin ko. Iyong librong nakalagay sa mesa sa dulong bahagi ng silid. Parang kumarikinang ito. Papasok na sana ako sa silid. Kaya lang...


"Hindi rito ang hapag kainan, aking reyna," bulong nito sa tenga ko. Ramdam na ramdam ko ang hininga nito.


Para akong natulos sa kinatatayuan ko. Si Zion ba ang nagsalita?! Naramdaman ko agad ang kabog sa dibdib ko. Napakalakas, siguro ay dahil sa kinakabahan ako. Unti-unti akong napaharap sa kaniya at parang mas gugustuhin ko pa ang tumalikod na lang ulit. Iyong mga mata niya, yung itim na itim na pares ng kaniyang mga mata. Para akong hinihigop nito.


"Kakain na tayo."


Ang sunod na alam ko na lang ay hawak niya na ang kamay ko habang naglalakad pababa. Ito na naman ang kabog. Hindi masakit ang pagkakahawak niya sa akin, bagkus ay ramdam na ramdam ko rito ang pag-iingat. Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin?


"Tigilan mo na ang pag-iisip, simulan mo na ang pagkain." Napabalik ako sa wisyo dahil don. Nakaupo na pala ako at may pagkain na sa harapan ko. Parang musika sa tenga ko ang boses niya.  Argh! Tigilan mo na ang pag-iisip Jean! Kalaban siya, tandaan mo. Madami na siyang napatay! At paniguradong ikaw na ang susunod!


"Tss." Napatingin ako sa kaniya, nasa harapan ko siya at nakita ko pa ang pagngisi niya. Napasinghap ako dahil don saka sinimulan na ang pagkain kahit parang wala akong gana.


Nasaan kaya si Caleb? Bakit hindi siya sumabay sa amin?


"Nasaan si Caleb?" bigla kong nasabi at parang gusto ko na lang bawiin ang sinabi ko. Napatingin kasi Zion sa akin at parang napapalibutan siya ng maitim na aura. Nakakatakot.


"Bakit mo siya hinahanap?" Napakalamig ng boses niya. Galit ba siya?


Napalunok ako. "W-Wala lang, hehe--" maputol ang aking sasabihin dahil biglang may sumingit bigla.


"Zion dear~" isang matinis na boses ang narinig ko. Napatingin ako sa pinagmulan niyon at ayon si Caleb nagkakamot nang ulo. May kasama siya. Isang babae. Sopistikadang babae. Halata sa itsura at pananamit nito. Saglit, parang namumukhaan ko siya.


"Zerah." So, Zerah ang pangalan niya? Sa bagay, mukha naman siyang sira. Napahagikhik ako kaya napatingin sakin ang bagong dating.


"Oh, nakuha mo na siya?" nakataas ang kilay na sabi nito, gusto ko sana siyang irapan pero may nararamdaman ako iba sa kaniya.


"None of your business, Zerah. Caleb, samahan mong kumain si Jean, may pag-uusapan lang kami ni Zerah." What? Talagang iiwan niya ako para sa babaeng 'yan? Shocks! Ano ba itong iniisip ko!


"Oh. Mukhang hindi niya na ako naaalala," sabi pa ni Zerah pero walang pumansin sa kaniya bukod sa akin na nakakunot na ang noo. "Teller..." Teller? Iyong sa booth! Siya 'yon?!


Nang makaalis na ang dalawa ay umupo na sa may tabi ko si Caleb, bakas sa mukha niya ang pang-aasar.


"Tigilan mo ako." Umirap ako sa kaniya at tinuloy na lang ang pagkain.


"Nakakaamoy ako ng selos. Hahaha!" tawa pa nito.  Feeling close 'tong Caleb na 'to!


"Tss." Nakakainis. Napatingin ako kay Caleb na nakangising aso habang kumakain. Para siyang tanga. Tsk. Agad ko ring ibinalik ang tingin ko sa kinakain ko, gung-gong. Hays. Bigla kong namiss ang mga kaibigan ko. Kamusta na kaya sila? Sana, matapos na ang gulong ito.


Sana.

A Bloody Mess (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن