Kabanata 20

7.6K 187 7
                                    

Kabanata 20



Jean's P.O.V


Maaga akong gumising ngayon dahil kakausapin ko na si JD, nadadamay pa kasi sila Heart at Ace sa nangyayare tapos si Tracy I'm sure malungkot pa 'yon dahil ayaw ni JD sa kaniya.


Nandito ako sa harap ng kwarto ni JD ngayon. Wala namang pasok dahil sabado at sigurado akong tulog pa 'yong dalawa pero si JD alam kong maaga siyang nagigising araw-araw. Dahan-dahan kong itinaas iyong kamay ko para kumatok pero nabitin lang ito sa ere dahil biglang bumakas 'yong pinto. Parehas naman kaming nagulat dahil doon pero mas nagulat ako d-dahil wala siyang suot na pang itaas kaya agad naman akong tumalikod. What a view!


"Hoy! Magsuot ka nga ng damit!" pasigaw kong sabi sa kaniya. Nakatalikod parin ako ngayon at ramdam kong nagiinit yung mukha ko gosh, sure ako ang pula na ng mukha ko. Iyong nakita ko pandesal 'yon! Oh, shocks!


"P-Pandesal.." pabulong kong sabi, agad ko namang tinakpan iyong bibig ko.


"Pandesal? Gutom ka na ba kaya ka kakatok sa kwarto ko?" tanong ni JD sa akin. Bwiset nagutom tuloy talaga ako dahil sa pandesal niya! Shit, ang landi mo Jean! Dapat mo siyang makausap 'yon ang ipinunta mo!


"May pang itaas na akong suot," mahinahong sabi niya sa akin. Dahan-dahan naman akong humarap at nakahinga ako ng maluwag, may suot na nga siyang pang itaas.


"H-hindi ako gutom! Gusto lang sana kitang makausap," direktang sabi ko sa kanya. Nakita kong kumunot ang noo niya.


"Tungkol saan?" nagtatakang tanong niya.


"Basta. Labas tayo, magbihis ka. Mag-iiwan na lang ako ng sulat para kanila Heart at Ace marunong naman silang magluto," nakangiting sabi ko sa kaniya.


"Date ba 'yan?" nakangising tanong niya sa akin. Ang ewan niya, ha!


"Hindi, 'no!" mabilis kong sagot sa kaniya. Ano bang iniisip niya?


"Then it's a no, hindi ako sasama," sabi niya at papasok na sana ulit sa kwarto niya. Argh! Ano bang gusto niya? Date?! Ang gulo ng mga lalaki! Hindi ko sila magets!


"Wait! Okay! Date na 'to!" pagpigil ko sa kaniya.


Napangiti siya. "Okay! Magbibihis na ako," mabilis niyang sabi, agad siyang pumasok sa kwarto niya para magbihis. Iyon na 'yon? Ang bilis niyang magbago ng desisyon, ah! Haist.


Pumunta na rin ako sa kwarto ko at nag bihis. Nagsuot lang ako ng color red na dress saka doll shoes na black nilaglag ko lang yung mahaba kong buhok hindi ko na itinago yung kwintas kasi bagay siya dito sa suot ko pati nakakasanayan ko na itong isuot. Nang masiguro ko ng okay na yung itsura ko ay bigla akong napaisip. Bakit ba ako nagaayos? Para sa pandesal? Damn! Baliw na yata ako!


Bago lumabas ay gumawa muna ako ng note. Dalawang note.


Lumabas na ako ng kwarto ko, pumunta muna ako ng kwarto ni Heart at inilgay iyong note sa noo niya idinikit ko. Ang cute niyang matulog nakanganga. Pinicturan ko muna siya bago lumabas, hahaha. Pagkatapos sa kwarto ni Heart ay pumunta naman ako sa kwarto ni Ace at halos humagalpak ako ng tawa sa nakita ko! Nakapajama siya na may drawing na Barney! katulad kay Heart ay idinikit ko 'yong note sa noo niya, dalawa kasi iyong ginawa ko then pinicturan ko rin siya pagkatapos ay lumabas na ako.


Pagbaba ko ay nakita kong naghihintay na sa sala si JD.


"Tara na?" tanong niya sa akin.


A Bloody Mess (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora