Kabanata 24

6.4K 163 4
                                    

Kabanata 24





Nathalie's P.O.V (Kilala niyo pa ba siya? The Queen Bee? Lol.)


"Nath! Hoy! Ayos ka lang ba?" Nagulat ako nang bigla akong kinuwit at tinanong ni Angie. Agad akong napatingin sa kaniya.


"A-Ah. Bakit?" tanong ko.


"Kahapon ka pa wala sa sarili mo, ah. Tell me, anong nangyare sa'yo kahapon? Bigla ka na lang nawala," nagaalalang tanong niya. Napayuko naman ako. Kahapon... bakit niya ginawa 'yon kay Jean? Oo, bitch ang ugali ko pero hindi ako papatay.


**Flashback**


Habang naglalakad ako dito sa school ay napadako ang tingin ko kay Jean na parang may hinahanap habang naglalakad. Ang tagal ko na ring hindi siya nakikita at naaaway. Masundan nga. Maingat ko siyang sinundan. Hanggang sa makarating kami sa may Storage room. Ano namang gagawin niya sa lugar na 'to? Lalo akong nacurious ng makita kong nag-aalangan pa siyang buksan iyong pinto. Pero hindi kalaunan ay binuksan niya rin ito agad. Saka pumasok.


Dahan-dahan akong lumapit sa may bintana saka patagong sinilip si Jean. Bakit may mga drum dito? Ngayon ko lang nakita 'tong loob ng storage room. Napansin ko ang ekspresyon ni Jean at kahit siya ay nagulat. Nakita kong unti-unti niyang binuksan ang takip nung isa sa isang galon pagkabukas nya ay humakbang siya paatras habang hawak ang bunganga na may nanlalaking mata. Dahil sa ekspresyon ng mukha niya ay napagdedisyunan kong magpakita na sa kaniya pero hindi pa ako nakakapagpakita sa kaniya nang nakita ko na lang na may sumasakal kay Jean. Kilalang kilala ko kung sino ang taong ito. Tutulungan ko sana si Jean ng biglang nakaramdam ako ng takot, takot na parang pag may ginawa ako ay kamatayan ko na ang susunod na mangyayate. Napaatras ako at napatakbo palayo.


I'm sorry, Jean! I'm really sorry!


Habang natakbo ay nakasalubong ko si Tracy na papuntang storage room din. Napatingin lang siya sa akin saglit saka nagpatuloy na sa paglalakad habang ako ay nagpatuloy parin sa pagtakbo.


Bakit sobrang lakas niya? Isa rin ba siya sa kanila? Akala ko'y hindi! At higit sa lahat, bakit niya sinakal si Jean? Bakit?!


**EndOfFlashback**



"Nathalie! Kinakausap kita tapos bigla ka na lang napapatulala? Magpahinga ka na lang kaya?" sabi ni Angie sa akin halatang nag-aalala nga siya.


"Okay," tumango ako sa kaniya bago pumunta ng kwarto ko. Hindi kasi kami pumasok ngayon, dahil na rin sa inaasta ko at umabsent din siya dahil gusto niya raw akong bantayan.


***


Jean's P.O.V


"Tracy, anong problema?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Nandito kasi siya sa bahay, sa kwarto ko at gusto niya raw akong kausapin.


Kahapon ay maaga naman akong pinauwe nong nurse at sinabihan akong mag pahinga muna. So ngayong araw na ito ay hindi muna kami pumasok. Oo kami, tsk. Babantayan daw nila ako. Sinong sila? Edi sina JD, Ace, Heart, Tracy, Prince, at Dwight nasa sala sila ngayon habang itong si Tracy ay nandito sa kwarto ko. Si Loki gusto rin sanang umabsent pero bawal dahil Student Council President siya.



"Uhm. Iyong kahapon. Bago kita nakita na walang malay sa loob ng storage room. Nakita ko si Nathalie na natakbo palayo, parang takot nga siya e'. Tell me Jean. Si Nathalie ba ang may gawa sa'yo nong nangyare kahapon?" nagulat naman ako sa mga nalaman ko. Si Nathalie? Nandoon siya nang oras na 'yon? Maybe. Anong ginagawa niya rin don? Pero hindi siya ang sumakal sakin dahil kitang kita ng dalawang mata ko kung sino ang taong 'yon.


A Bloody Mess (COMPLETED)Where stories live. Discover now