Kabanata 6

12K 343 2
                                    

Kabanata 6


Jean's P.O.V


Tumunog ang bell. Ang bilis talaga ng oras ngayon. Uwian na agad. Hmm. Habang nag-aayos ako ng gamit nakita kong kinawayan muna ako ni Tracy bago siya lumabas ng room natatawa parin ako ron sa ginawa namin ni Tracy kanina.


Nang matapos na akong mag-ayos ng gamit ko ay napatingin ako sa paligid. Napasinghap ako ako sa gulat. Paanong ako na lang ang nandito sa room?! Madami pa naman kami kanina rito ah. Dahil sa takot ko ay dali-dali akong lumabas ng room.


Pero... wala ni isang tao. Napahawak ako ng mahigpit sa dala kong bag. H-How come? What's happening? Sana binilisan ko na lang pala kanina iyong pagaayos ko ng gamit!


Habang naglalakad ako. Rinig na rinig ko 'yong mga yapak ko, dahil sa sobrang tahimik. Dati naman kahit gabe na madami paring tao rito. Natatakot na ako. Binilisan ko na ang paglalakad ko para makaalis na ako rito sa school.


Napatigil ako nang makita ko ulit 'yong pusang itim, kinakaway nito ang buntot niya. Sign na gusto niyang sumunod ako sa kaniya.


Ewan ko ba. Pero nagulat na lang ako dahil biglang gumalaw ang katawan ko at sinundan ang pusang itim. Nakita ko na lang ang sarili ko rito sa harap ng night woods. Gustong gusto kong tumakbo paalis, pero hindi nakikisama ang katawan ko. Dahil nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad papasok sa night woods.


Habang naglalakad. Naramdaman kong may tumutulong luha sa pisngi ko dahil sa sobrang takot. Nanginginig na rin ang katawan ko. Ang dilim kasi at panay usok tapos ang daming mga puno na walang dahon. 


"Awoooh..."


"Kyaaaaah!"


Napasigaw ako ng malakas dahil doon. Napatakbo na rin ako, pero bumabalik din ako sa pwesto ko rati.  Ano bang nagyayare?! 


Pagod na ako. Tumigil na ako sa pagtakbo dahil bumabalik lang din naman ako. Pero nang mapatingala ako. Natanaw ko sa kalayuan ang isang kastilyo. P-Paanong nagkaroon ng ganiyan dito sa loob ng night woods?! At lalo na sa loob ng school! Iyong kastilyo. Nakakatakot, dahil sobrang dilim nitong tingan at sa tuktok nito ron nakasilip ang buwan. I'm not afraid of being alone dahil iyon ang tinuro sa akin ni Dad... but this time, I can't help it..


"Awoooh..."


Napatili na naman ako at nanginig sa takot dahil sa nakikita ko ngayon. May asong malaki! I mean pusa pala! Ay, ewan! Pero nalipat ang atensyon ko sa bagay ay mali tao pala na nakasakay rito. Mukhang tulog ito dahil nakasampa lang siya doon. Nakita kong bumaling sa direksyon ko ang mukha ng taong iyon.


Napasinghap ako.


S-Si Dwight? Anong ginagawa niya rito?


Nakita kong sumama ang tingin sa akin nung pusang malaki. Napaatras ako sa takot. Napasigaw ako nang sunggaban ako nito.


"Kyaaaah!"


***


"Jean! Gising! Uwian na!" Dahil sa sigaw na 'yon ay nagising ako. Nakita ko si Tracy. Tapos 'yong mga kaklase ko naman ay lumalabas na ng room.


Huh? Panaginip lang 'yon?


"Hoy, ayos ka lang?" nawiwirduhang tanong sa akin ni Tracy.


"Y-Yes. Sabay na t-tayong lumabas ng school," sinabi ko 'yan habang mabilis na inayos yung gamit ko.


"O-Okay?" halatang naguguluhan siya sa kinikilos ko. Nang matapos ko ng maayos 'yong gamit ko hinigit ko na agad si Tracy palabas. Pero bago kami makalabas nakita ko si Dwight na seryosong nakatingin sa akin. Bakit?


Habang naglalakad papunta sa gate. Hawak ko parin si Tracy habang palingon-lingon ako. Nakakatakot na panaginip 'yon. This school is freaking the hell out of me!


Night woods?


Kastilyo?


Asong--pusang malaki?


At...


Dwight?


Bakit 'yon ang napanaginipan ko? Parang may pinaparating. Naputol ang pagiisip ko nang biglang nagsalita si Tracy.


"Hoy, ikaw, ha. Buti hindi ka napagalitan ni Ma'am. Natulog ka kaya buong maghapon," sabi ni Tracy sa akin.


"Hehehe," kiming tawa ko na lang.


"Ang weird mo ngayon."


"H-Hindi naman."


"By the way. Huwag kang lalapit kay Ms. Queen Bee, ha. Pft," natatawang paalala sa akin ni Tracy.


"Siya kaya ang lumapit pero, sige."


Nang nasa gate na kami. Nakita ko na agad si Dad. Nagpaalam na ako kay Tracy. Umuwe naman agad kami.


Sinabi ko kay Dad na busog ako at hindi na muna ako kakain. Sinabihan niya lang ako na, pumunta raw ako ng kusina pagnagugutom na raw ako o hindi kaya ay ustusan ko na lang daw 'yong mga maid namin.


Sabay kami ni Dad na umakyat sa second floor. Pumasok naman si Dad sa office room niya dito sa bahay. Siguro may case na naman siyang i-sosolve. Detective e'.


Nang makarating na ako sa kwarto ko ay humiga agad ako sa kama ko. Parang ayaw ko na tuloy matulog. Tumayo na ako sa pagkakahiga at nagbihis. Kumuha na lang ako ng libro at nagbasa para hindi muna ako makatulog.


Ayoko ng mapanaginipan 'yon. Panaginip lang 'yon Jean, kalimutan mo na. Pero parang totoo talaga. Tsk. Natatakot na tuloy akong matulog.

A Bloody Mess (COMPLETED)Where stories live. Discover now