Chapter 16: my girl

5.4K 90 2
                                    






POV- VAN





Nandito kami ngayon sa library, ako at si Iza. Kasama ko siya for tutoring lesson, kasi mahina siya sa Physics at Math. Malapit na rin kasi ang exams kaya kailangan niyang di na mahirapan sa mga ganitong subjects.

Kasalukuyang nagsosolve si Iza ng mga problems na ibinibigay ko. Habang ako ang nakatingin lang sa kanya.

Naiisip ko na naman ang problema ko, papaano ko ba siya mapapayag na maging girlfriend ko for 30 days?.

Siya na talaga ang nag-iisang babae na napagdesisyonang kong iharap kina Papa bilang girlfriend ko..

Napatitig ako sa mukha niya, ang mata niya ganda talagang titigan.

Napapansin kong parang balisa siya kasi di siya mapakali sa pagkakaupo. Biglang mubuntong hininga ito.

Nahihirapan ba siya sa mga problems na ibinigay ko?

Kailangan niyang magconcentrate para masagutan na niya.

"O bat kanina ka pa bumubuntong hininga?, please magconcentrate on what are you doing lady!" seryoso ko sabi sa kanya, kailangan niyang matutunan lahat ng tinuro ko, para rin naman sa kanya tong lahat eh.

Lumingon siya sa akin, pagkatapos ay napatitig lang siya sa mukha ko di siya nagsalita ng kahit na ano.

May dumi ba ko sa mukha?, grabe kung makatitig.



"Please Izabelle concentrate on what you are doing and please wag kang tumitig sa akin ng ganyan baka matunaw ako ng wala sa oras." napangiti ako.



Parang di niya nakuha ang sinabi ko. Maya-maya ay mabilis itong tumingin sa notebook nito. Nakikita kong grabe ang pamumula niya. Mas gumanda siyang lalo.

She's blushing.

Hindi pa rin sya kumikibo, di ba sumasakit ang leeg niya?. wala siyang ginawa kundi tumitig lang sa notebook niya.

"Oh! bat di ka na nagsalita diyan tsaka di ba sumasakit ang leeg mo?, kanina ka pa nakatitg dyan sa notebook mo."sabi ko sa kanya.

"Ha! a-ahh a-nno k-kasi! Nagugutom ako! oo naguutom ako kaya nakatingin ako sa notebook ko!"

Nagugutom siya kaya siya nakatingin sa notebook niya?, anlabo niya.

"Ha?! gutom ka na agad? kakakain mo lang ng lunch ah!. tsaka anlayo sa notebook ang sinabi mo" sabi ko naman.

"Eh konti lang kasi ang nakain ko kanina eh! tsaka nahirapan ako sa mga problems na ibinigay mo sa akin! gusto kong kumain talaga!"

Grabe! andali niyang magutom.

"Pshpshshshshhs---" may binulong ito na di ko naiintindihan.

"Ano?" tanong ko.

"Ha! ahh sabi ko kain lang ako sa cafeteria" tumayo na agad ito"Sige balik lang ako maya-maya" paalam nito sa akin at umalis na.

Kung sumama na lang kaya ako sa kanya. Nagugutom rin naman ako kanina pa kasi di pa ako kumakain ng lunch.

Sumunod ako sa kanya, di ata nito napansin na nandito ako sa likuran niya.

Ng biglang tumigil ito sa paglalakad, di ko napansin na napalapit na ako masyado sa kanya, lumingon ito ng biglang maout balance.

Pareho kaming natumba.

Ako ang nasa ilalim at siya naman ang nasa ibabaw ko.

Siya ay naksubsob sa kilikili ko.

Parang maya-maya lang eh matatawa na ako sa sitwasyon namin at sa posisyon namin.



Biglang tamayo itong si Iza.



Nakahiga parin ako ngayon sa semento alam kong marami ang nakakita sa pangyayari, tumatawa na talaga ako hindi ko na nakayanan.

"HAhahahahhahhahahha" imbes na mainis ako eh natawa talaga ako sa lahat ng nangyari. Tumayo na ako sa pagkakahiga habang tumatawa.

Habang si Izabelle eh nakayuko, nakikita kong sobrang pula niya.

Pinigilan ko na ang pagtawa dahil alam kong sobrang hiyang-hiya si Izabelle, napakawalang konsderasyon ko naman kung tatawan ng tatawan ko lang ang mga nangyari.

Kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko ang kamay niya, at nagsimula na akong maglakad..

"Halika ka" hawak-hawak ko ang kanyang kamay. Parang ang labas eh kinakaladkad ko siya kasi nagpapahila lang siya sa akin.

Pinagtitignan kami ng mga studyante.

Naghoholding hands sila oh!

Sila ba?

Si Prez Van may gf?

Ang landi niya naman! sila na nga ang partner ni Prez Van tapos ganito pa!

At marami-rami pang mga tsismis ang naririnig ko galing sa kanila at isa na don yung sinasabi kong flirt na tagaClass B, sobrang lakas kong magparinig.

Napatingin ako kay Izabelle na nakayuko lang, alam kong galit siya dahil sa mga sinasabi ng mga studyanteng nakapaligid sa amin.



I have to protect her.



"Everyone! lend me your ears for just 5 seconds"





Biglang nabaling ang atensyon ng lahat sa akin. Maliban kay Iza na nakayuko parin.













"THE GIRL STANDING HERE BESIDE ME IS MY GIRLFRIEND".











Biglang napatingin sa akin si Izabelle na nanglalaki ang mata. Ganon din ang mga studyanteng nakapaligid sa amin. Papapalit-palit sa aming dalawa ang tingin ng mga studyante.

Parang hindi naniniwala sa akin ang studyanteng nakapaligid sa amin dahil ngayon lang talaga nila narinig na may girlfriend ako at sinigaw ko pa talaga.





Ngumiti lang ako sa kanya, hindi na ako nagsalita pa. At dahil magkahawak kamay kami ay mas lalo ko yung hinigpitan, nagsimula na akong maglakad ganon din naman siya. Puno pa rin ng tsismisan ang buong paligid pero wala na akong pakialam kong ano ang sasabihin ng iba ang alam ko lang na ginagawa ko to para sa KANYA.

Rightfully His ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon