Chapter 54: Pain and hurt

4.4K 53 0
                                    

Iza's POV

"Darling you look so beautiful. The gown is perfect on you." Si Mommy na hindi na inalis ang tingin sa akin.

Napatingin ako sa salamin. Oo nga ang ganda ko nga ngayon.

Well hindi na yon nakakapagtaka dahil inborn na akong maganda.

"Manang-mana ka talaga sa akin. Inborn na rin sa atin ang pagiging maganda." Tatango-tango ni Mommy.

Kita niyo na? Inborn nga.

"I am pretty that's why ate is also pretty." Tatango-tango rin ito.

See?

Like Mother like daughter's.

With S kasi dalawa naman kami ng cute kong kapatid na maganda. :D

Ang ganda ko talaga.

Ayoko ng mag-describe kasi tamad magsulat ang babaeng may kagagawan ng lahat ng ito, ang author. Wag na natin siyang pag-usapan at baka sumulpot pa at gawin akong pangit sa aking storya.

[Iza wearing her tube black gown at the right side >>> ]

Bumaba na kami at nagpunta sa living room kung saan nandoon si Dad.

"Daddy look at our little baby. She looked so beautiful right?" Dad hugged Mom kasi teary eyes na ito.

"Yeah our little girl is now big girl who look so beautiful like her mother. " ngumiti si Dad sa akin at si Mom na malapit na talagang umiyak.

I kissed them both on the cheeks at hinatid na ako palabas ng bahay.

---------------------

Dumating na ako venue ng prom namin. Nakatext na din ako kay Xander kanina na paparating na ako at hintayin na kang niya ako sa loob.

Bumaba na si Manong at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thank you Ma----"

Napatulala ako habang nakatitig sa mukha niya.

Saan pa nga ba ako mapatulala kundi kay Xander lang.

Nakalahad ang kamay niya sa harapan ko at kinuha ko iyon. Tapos tinulungan niya akong makalabas sa kotse.

Hindi na niya binitawan ang kamay ko at okay na okay yun sa akin dahil mas gusto kong nakahawak lang siya sa akin.

Nagpaalam na si Manong na aalis na ito at nilingon at tumango lang ako. Napabalik ulit ang tingin ko sa kanya.

He looked dashing and hot in his black suit. His handsome face now is smiling at me.

Sa panginin ko ngayon siya na ang pinaka-gwapong nasilayan ko. Napansin kong trimmed na din ang itim niyang buhok na bumagay sa kanya.

He took my hand and kissed the back of my hand.

"You look so stunning tonight. No, scratch that. You look perfect in my eyes."

Rightfully His ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon