Chapter 7: the decision

6.7K 101 3
                                    






POV- XANDER



Nakakabinging katahimikan

Yun agad ang naisip ko, ito kami ngayong tatlo nakaupo sa sala.

Si Mama na katabi ni Papa na kaharap ako.

Hinihintay ko silang magsalita, tumingin ako kay Mama pero umiwas ito ng tingin sakin at tumingin kay Papa na kasalukuyang nakatingin sakin.

Tuwid ang tingin ni Papa sakin. May nararamdaman akong kakaiba sa sasabihin nila sakin.Tumingin ulit ako kay Mama , parang hinihintay nitong magsalita si Papa.



"Ahm, Van maitanong ko lang, may girlfriend ka ba?" tanong ni Papa sakin, nabigla ako sa tanong na iyon dahil hindi ko inaasahan na sa lahat ng pwedeng itanong ay iyon pa.



"Wala po" sagot ko naman , puzzled ako kung bakit iyon ang unang nasabi sa akin ni Papa.


Ano ba ang iniisip nila? Bakit parang ang seryoso ng pag-uusapan namin?.

"Hay!." huminga ng malalim si Papa. "Wala na palang problema eh! o tignan mo Ma wala naman pala siyang Girlfriend", tumingin ito kay Mama na parang nabunutan ng tinik pero parang hindi pa rin mapakali.

Hinintay kong ipagpatuloy ni Papa ang sasabihin.

Pero biglang nagsalita si Mama.

"Van wag kang mabibigla sa sasabihin ng Papa mo", mahinahon na tugon ni Mama, nagpatuloy ito sa pagsasalita." Ginagawa lang namin ito para sayo".

"Van may nakatakda ng babae para sayo, nakataka mong paksalan sa hinaharap" mahinahong tugon ni Papa.

Pakasalan?


Nakatingin lang ako sa kanila, hinihintay ni Papa ang sasabihin ko. Pero hindi ako nagsalita at hinitay kong ipagpatuloy ni Papa ang kanyang naudlot na sasabihin.



"Kung sa tingin mo ay ipapakasal ka na agad namin ngayon, ang sagot dyan ay hindi ang gusto lang namin ay malaman mo ito upang hindi ka na magulat sa desisyon na ginawa namin ng Mama mo para sayo" mahinahong tugon parin ni Papa.



"Van ano ang masasabi mo?", tanong ni Mama sa akin. Parang hindi mapakali sa Mama ng tinignan ako.


" Una po sa lahat , wala nga po akong Girl friend pero hindi naman po pwede na kayo ang manguna kung sino ang BABAENG pakakasalan ko!. Nererespeto ko po kayo dahil magulang ko kayo at mahal ko kayo pero hindi po pwede na kayo ang magdesisyon niyan sa akin na imbes ako dapat para sa sarili ko". diretso ang pagkakasabi ko nun kina Papa at Mama. Alam kung para sa akin ang ginagawa nila pero ang ayaw ko sa lahat ay iyong inuunahan ako ng desisyon na dapat ako ang gumagawa.



Nakikita kong nangangamba si Mamang nakatingin kay Papa.

At si Papa naman ay nakatingin lang sa akin , bigla itong nagsalita.



"Van alam kong iyan ang magiging reaksyon mo. Pero wala ka ng magagawa dahil buo na ang desisyon namin ng iyong Mama. Alam namin pareho na tututol ka".





"Pa alam naman pala ninyo pero bakit tinuloy niyo parin?


"Dahil napagdesisyon na ito noon pa, noong bata ka pa. Kaya wala ka ng magagawa" tugon ni Papa.


"Pa paano kung mayroon na akong babaeng napangakuan?, paano na siya?". Tinignan ko ang reaksyon ni Papa sa sinabi ko pero parang walang bisa sa kanya ang sinabi ko.


"Anak sinasabi mo bang?.." hindi matuloy-tuloy ni Mama ang sasabihin na parang naipit ang dila nito.

"Opo" determinado kong sagot sa kanila.

Bahala na.


Natahimik si Papa at si Mama sa sinabi ko.




"Sige, titignan ko angmagagawa ko kung puwede pa bang mabago ang desisyon", seryosong tugon ni Papa."Pero sa isang kondisyon". malalim ang tinging ipinukol sakin ni Papa.

"Ano po iyon?"

"Kaylangan mong mapatunayan na ang babaeng sinasabi mo ay totoo, samakatuwid kaylangan mo siyang ipakita sa amin", huminto sandali si Papa sa pagsasalita at biglang pinagpatuloy nito ang sinasabi."We will give you 1 week and it starts tomorrow"




"Sige po, payag ako sa kondisyon", pumayag na din ako sa kondisyon nila Papa at Mama kahit alangan ako sa mga pangyayari.


Bahala na!, kaylangan kong makahanap ng tamang girl na ihaharap sa kanila.


Tumayo na nga si Papa sa kinauupuan at lumakad na palayo at sumunod naman si Mama rito.

Pero biglang huminto si Mama sa paglalakad at humarap sa akin.

"Anak sana maintindihan mo kami ng iyong Papa, malapit mo na siyang makilala", pagkasabi non ay lumakad na rin si Mama palayo.

Habang ako ay naiwang nag-iisip ng tamang gawin.

Rightfully His ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon