Chapter 56

4.6K 47 1
                                    

POV- Izabelle

Nakatingin ako sa salamin.

I examined myself. I look terrible. I feel terrible physically and emotionally.

Naalala ko ang nangyari kagabi.

Kung anong sakit ang mararamdaman ko kagabi ay parang unti-unti ding bumabalik sa akin.

It hurts so much to remember that memory of him and Jullianne last night. Nakatingin pa rin ako sa sarili ko sa salamin. My swollen eyes are so red, now I look really really terrible.

Pinahid ko ang aking mga luha.

This is not the time to think of him.

Napatingin ako sa paligid at sa sout ko. Ngayon ko lang napansin na nakapajama pala ako.

Naalala ko kagabi, sout ko pa ang gown ko sa gitna ng malakas na ulan. Then i remember when someone went infront of me.

That someone is a guy.

Napacross ako sa dibdib ko. Oh no! Narape ba ako?!!!

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala namang masakit sa akin. Hindi rin naman masakit yung baba ko kaya wala naman sigurong nangyari.

I tried to remember what happened last night when I was at the park.

Hindi ko talaga magawang maalala sa akin kung sino ang nagdala sa akin rito kaya minabuting kong maghugas na lang muna ng mukha sa banyao since may own banyo naman itong kwarto at nagtoothbrush na din ako.

Hinanap ko ang purse ko ng hindi ko nga pala nadala kagabi at pati ang phone ko nawawala din.

I feel so stupid. Tumakbo na nga ako kagabi dapat naisip ko ding dalhin ang purse ko. But think about it papano pa ako makakapag-isip kagabi ng tama.

I smiled bitterly.

I found myself looking around. Bumaba na ako sa hagdan and found myself staring at a cute little boy whose playing with his paper plane.

Nakakatuwang tignan ang nagkalat sa paligid nitong magazine na pinunit nito upang maka gawa ng paper plane. Ni hindi man lang ako nito napansin.

"Angel! Not again!." Napalingon ako sa nagsalita. Nakalapit na kasi ako sa bata. Lumapit ang lalaki sa amin, napatingin siya sa akin sandali at binalik ang tingin sa bata.

Lumuhod ito at pinulot isa-isa ang mga magazines na kinalat ng batang napag-alaman kong Angel pala ang pangalan. Cute.

"Tito is she your girlfriend? Kanina pa po kasi siya nakatingin sa akin."

Nagkatinginan kami nong lalaki, magsasalita sana ako ng maunahan ako nito.

"No Angel, maglaro ka na lang muna and please wag ka ng magkalat okay? Problema ka talaga sa yaya mo" Tumingin ito sa akin, nakasunod rito ang isang katulong. Magsasalita sana ito ng biglang may boses babaeng nagsalita.

"Oh! Your now awake. Halika na hija, saluhan mo na kami." Nakatingin lang ako sa kanila at ganon din yung lalaki sa akin. Nahila na ako ng babae sa tingin ko ay Mom nito dahil narinig kong may sinabi ito.

"Rafael she is the one I'm talking about." Tumango-tango ang may-edad na lalaking kausap nito.

Nakaupo na kami sa malaking mesa, magkatabi ang masasabi kong mag-asawa. At katabi ko iyong lalaki kanina.

"She really looks like her Mom." The named Rafael said.

"Our apologies my dear, hindi namin napakilala ang aming mga sarili. I am Sierra and this is my husband Rafael." Magsasalita sana ako ng magsalita muli ito. "My husband was talking about your mom, Jewel."

Nabasa ata nito ang iniisip ko ng sagutin nito ang tanong na hindi ko masabi-sabi.

"Our son, Night brought you here last night." The lady is smiling at me at napatingun naman ako sa katabi ko. Siya ata iyong anak ng mag-asawa na nagngangalang Night.

"Nawalan ka ng malay kagabi habang umuulan at hindi ko namang kayang iwan kag mag-isa kaya nasama na kita rito." Napatingin siya sa akin na parang wala lang at pinagpatuloy na nito ang pagkain.

"Don't worry Izabelle, we called your parents to let them know that your okay. Me and Rafael are good friends of your parents." At masasabi ko ay hyperactive itong babae. She looks happy, parati kasi itong nakangiti same as his husband. Tulad ng parents niya, a perfect couple.

"Salamat po.." Nguti ako pero hindi ko maipagpatuloy dahil hindi ko alam kung paano sila i-aaddress.

"Tita at tito na lang ang itawag mo sa amin. Nakakatuwa kang tignan, you are just like your Mom in our younger days. Ngayon ka lang namin nakita nitong si Rafael since hindi ka naman masyadong pinapadalo ng mga magulang sa mga social functions."

"Kung nagkakilala sana kayo ng anak ko pinagkasundo ko na kayo."

"Dad..." Tawag ng Night sa ama nito. Pero ang mag-asawa ay tawa lang ng tawa. At ako naman ay nasa awkward position. Honestly? Kakakilala lang ipagkakasundo agad?

"Just kidding son. Feel at home Izabelle." Ngumiti ito sa akin.

"Thank you po." I returned the smile.

"Humupa na ang lagnat mo. Pinaready ko na ang isusuot mo kung gusto mo ng umuwi. Si Night na lang ang maghahatid sa inyo." Tumingin ito sa anak at ngumiti.

"Naku nag-abala pa po kayo. Salamat po, kahit hindi na lang po ako ihahatid. Tatawagan ko na lang po sila Mom---"

"Nonsense my dear, si Night na ang maghahatid sayo." Biglang pumasok sa dining room si Angel kaya napatingin kami rito.

"Kuya Night I want Jolibee! Jolibee!"sigaw ni Angel at lumapit ito kay Night at umupo sa lap nito.

"Night isama niyo na si Angel dumaan na rin muna kayo sa Jolibee." Tumingin ito kay Night at binalik sa akin ang tingin. "Hija after you've finished your breakfast, you can take your bath. Alam kong naalibadbalan ka na and I know you wanted to go home."

"Thanks Tita sierra nad Tito Rafael." I smiled at both of them. Kumain na ako at nakinig sa pag-uusap nila.

--------------------------

"Angel turo mo kung anong gusto mong kainin dyan." Nakatingin lang ako sa kanila ngayon. Kanina pa kasi kami nakastambay dito sa may counter ng Jolibee kasi hindi alam ng bata kung ano ang pipiliin nito. Napakarami na ngang nakasunod sa amin buti na lang hindi nagrereklamo.

"Tito Night, ahmm... i want chicken and berger." Natawa na talaga ako. Ang cute cute kasi ni Angel habang binibigkas iyong word na burger. Nakakatuwa talaga ang batang ito, lalaki pero Angel ang pangalan. How cute.

"Buti na lang nakalabas na din tayo sa Jolibee, iba na iyong tingin ng mga nag-oorder sa atin eh." Gusto ko sanang sabihing iba na iyong tingin sayo kasi nagkakagusto. Gwapo rin kasi itong si Night. Ang pagkakaalam ko ay Varsity player siya ng school. Sikat rin ito sa school at maraming nagkakandarapang babae rito.

Mabait rin ito pero may pagkasnob nga lang minsan.

Nakalabas na kami sa jolibee habang tumatawa dahil sa kakulitan ni Angel at si Night naman matatawa na hindi maipinta ang mukha.

Napadaan kami sa harap ng Flower shop ng mapatigil ako sa paglalakad at napatitig sa mukha nito.

Xander was standing infront of the Flower shop with a bouquet of flowers in his hand.

Napatingin ito sa akin at kay Night na hawal hawak si Angel.

"I was worrying for nothing." Tinapon nito ang bulaklak na hawak-hawak nito sa basurahan at nilagpasan siya nito.

Anong sinasabi nito?

Ito pa ang may ganang umasta ng ganon sa kanya!

Nakatitig lang ako kay Xander hanggang sa hindi ko na siya makita pa. Unti-unti naglandas sa pisngi ko ang mga luhang kanina ko pa pinipilit na wag ilabas. Ang hirap na makitang hindi kami okay.

Ang hirap isipin na hindi naman niya talaga ako mahal.

Ang hirap isipin na kahit andyan ako sa tabi niya iba parin ang nasa puso niya.

Ang hirap isipin na kahit anong gawin ko si Kulliane talaga ang mahal niya ate hindi ako.

Rightfully His ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon