Chapter 11: class has begun

6.1K 84 4
                                    







POV- Izabelle



Bat siya yung pinili ni Pres. Van na maging partner!

Bat hindi ako yung pinili niya!

Ang swerte niya ano!, tignan niyo magkatabi sila ngayon! nakakainggit lang!

whaaaaa~ Pres. Van ako na lang!



Bwisit na bwisit na ako ngayon, sino ba naman ang hindi mabwibwisit. Kung makatingin at makapagsalita lang tong mga kaklase kong babae sa akin kulang na lang ay lalapain na ako na ako ng buhay. Ano ba kung ako ang pinili ng sungit na to para maging partner niya! Anong big deal don!



Che Iza! aminin! kinikilig ka!

Hay ito na naman po ako, sinasapian ng kung ano dahil sa Sungit na to. Nakikipaglaban ako sa sarili ko kung kinikilig ako o hindi! ang adik ko lang!

Ang sabihin mo Iza ADIK ka sa kanya!

Anong ADIK tong pinagasabi ko!, nakadrugs na ata talaga ako!

*iling ng ulo* *iling ng ulo*

Wala akong ginawa kundi umiling ng umiling.

"What are doing?", biglang may nagsalita yung katabi ko.

At syempre sino pa ba yung nagsasalita edi yung pinag-ugatan ng lahat ng ito! ang Mr. Sungit na yon!

"H-ha, ah-h e-eh" putik nagsta-stammer pa ako. "I'm doing .. nothing!, wag mo na lang akong pansinin." Yun na lang yung sinabi ko sa kanya at kung sasabihin kko pa kung ano tong mga pinag-iisip ko aypagtawanan pa ako.

Kaya Iza tigilan mo na yang pagiging adik mo!


Hindi na ulit ito nagsalita pa at di na ako pinansin, ang ginawa lang nito ay nakinig na music using his ipod habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

Hay Mr. Suplado talaga! pasalamat ka gwapo ka!


Nakakainis lang! nong una aaminin kong gusto kong ako yung piliin niyang maging partner kesa iba niyang mga classmates yung pumili sa akin. Pero kung alam ko lang na parang magrurumble dito sa room namin kung ako yung pipiliin niya sana di na lang.

Hohohoh! T.T kawawa naman talaga ako nito mamaya pag alisan na, sigurado akong katakot-takot na intirugasyon ang mangyayari kung bat ako yung pinili bilang partner ni Xander. Iisipin ko pa yung nangyari kanina lagot na ako!.



Napangiwi ako sa naisip.



_____________________



FLASHBACK:

Lima na lang ang estudyanteng wala pang partner. At ako yun, si Bessie, yung classroom President naming sa Annie at yung dalawa ko pang mga kaklase.


Syempre kung lima ang natitira sa amin ganon din yung remaining students sa Class A. Ang natitirang lima ay ang top 5 ng Class A. Sakto ang lahat ng bilang ng mga students kung magpa-partner kasi may policy sa School na dapat lahat ng Classes ay pareho ang bilang ng students na dapat umaabot lang hanggang 36 students per Class.

So iyon nga 31 na ang may partner at 5 na lang ang wala.


"Pumili na kayong lima kung sino sa kanila ag gusto niyong maging partner?, tugon ng aming guro.


"Opo", sabay-sabay silang nagsasalita.


Si Demmy na ang naunang pumili sa kanilang lima, di na ako nagtataka kung sino ang napili niya syempre ang best prend ko na si Sam, tumabi na ito rito. Napansin kong naging close sila at napansin ko ding okay naman pala si Demmy, mali yung akala ko sa kanya.

Sumunod naman si Dwyne at pinili yung class president namin. Biglang umingay ang mga kaklase kung babae ng mapansing sumunod na si Xander na pumili ng partner.


"Van may napili ka na ba?", tanong ng guro namin.

"Opo", yun lang ang sinagot nito.


Tatlo na lang yung pagpipiliian ni Pres. Van

Sino kaya?

Grabe lang magsalita eh!, one word one sentence na!. Oo nga pala! wala pa akong partner. Baka ako yung piliin niya! ako na lang sana!

Iza napaka mo! adik ka lang talaga!

Kinakausap ko na naman ang sarili ko. Bigla akong napayuko.

*sigh*

Teka bat parang may tumabi sa akin, napalingon ako sa aking kaliwa at yun lang ang aking pagkabigla..

Isang gwapong lalaki ang nakatabi sa akin.

"T-teka bat nandito ka?" nahirapan pa ako sa pagsasalita. Siya'y nakatingin lang sa akin na walang kaemo-emosyon ang mukha.

"What do you think?", sagot naman nito. Pagkasabi na pagkasabi non at di na ko pinansin.

"Tsk!, napakasplado talaga kahit kelan!". Pabulong kong sabi.

Di pa rin matatawaran ang mga bulong-bulungan ng mga kaklase ko hanggang nagsimula yung klase kung bakit sa lahat ng studyante ay ako ang napili niya bilang partner.





END OF THE FLASHBACK

Rightfully His ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon