Chapter 6: the plan

7.1K 95 5
                                    






POV- Papa Dave (father of Van)



"As soon as possible dapat na nating sabihin sa kanya ang totoo Pa" *sigh* nakikita ko ang uneasiness ng asawa ko, ang tinutukoy niya ay si Van, alam naming dalawa na hindi basta-basta papayag si Van sa gusto naming mangyari kaya lang nakaplano na ang lahat mula noong bata sila.

"Alam ko Ma, at alam kong mahihirapan si Van na tanggapin ang katotohan na may nakatakda na siyang pakasalan. Pero matatanggap niya rin iyon kalaunan dahil alam kong magkakasundo sila", ngumiti pa ako para ipakita ang assurance sa asawa ko na magiging okay lang lahat. Nakaupo kami sa sala habang hinihintay ang pagdating ni Van.

"Sana nga Pa, ayokong magalit sa atin si Van dahil gumawa tayo ng ganitong desisyon na dapat siya ang gumagawa", pag-alala ang nakikita ko ngayon sa mukha ng aking asawa.

"Wag kang mag-alala Ma, magiging okay ang lahat", yun na lang ang sinabi ko sa kanya upang mabawasan ang kanyang pag-alala kay Van.

Hindi na sila puwedeng umatras dahil nangako na siya sa kanyang kumpadre noon pa na ipakakasal ang kanilang anak.

Magkababata si Van at ang nakatakdang babae para kay Van, pero hindi ito naaalala ni Van dahil matagal na panahon nilang inilayo ang dalawa upang masakatuparan ang plano.

Kanina nga ay nakipagkita sila sa kanilang Kumpare at Kumare.



FLASHBACK:



"Kumpare Bernard at Kumare Jewel kumusta naman ang soon-to-be-daughter-in-law namin?hahahaha , Kumare may dala ka bang litrato niya ?, gusto namin siyang makita!.." nakangiti kong sabi sa mag-asawa.

"Oo nga Kumare gusto namin siya makita kung gaano na siya kaganda tulad ng Mama niya ", nakangiting saad ng aking asawa.

"Ah! syempre naman!, asan ba siya magmamana syempre sa akin diba?, hehhehe, oo may dala akong litrato niya ito oh!," sabay abot sa amin yung litrato.

Habang tinitignan namin yung litrato ay napansin naming dalaga na at lalong gumanda ang anak ni Jewel at Bernard. Hindi mapigilang pumuri ng aking asawa.

"Abay Jewel gumanda ata lalo tong anak mo ah!", turan naman ng asawa kong si Susan. Napangiti na lang yung mag-asawa.

Biglang nagtanong si bernard kung may dala naman rin daw kamin litrato ni Van. Ang sabi ko naman ay mayroon sabay abot sa kanila. Pinuri rin nila si Van.

" Naku binata na pala talaga itong anak mo Kumpare Dave" turan ni Bernard.

"At ang gwapo naman talaga manang-mana sa Ama at Ina, bagay na bagay talaga sila ng anak ko!" segunda naman ni Jewel.

"Oo naman" sabi ko.

Pagkatapos non ay nagtawanan kami at i-diniscuss ang tungkol sa aming mga anak.



END OF THE FLASBACK

Rightfully His ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon