Chapter 2: the quiz paper

18.3K 185 12
                                    

POV - Xander

Ang ingay naman! Naiistorbo na ako sa pagtulog ko.

May magpapakamatay ba? Magpapakamatay na nga lang ang ingay ingay pa! hindi ba pwedeng tahimik siyang magpapakamatay? Oo mainit ang ulo ko kaya ayan imbis na tulungan kong wag magpakamatay yung babae, eh gusto ko pa siyang hindi na lang mag-ingay at tahimik na tumalon dito sa rooftop.

Kakainis naman itong babaeng ito, pagod na nga ako dahil sa kakatakbo kanina dahil sa mga babaeng studyante na humahabol sa akin dumagdag pa ito na sobrang ingay.

Kailan ba ako makakapagpahinga ng mabuti? Pumunta nga ako dito para matulog at hindi mag-isip ng mga problema. Tapos ito pa? Ito pa ang madadatnan ko sa rooftop. Napabuntong hininga ako.

Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik na lang ako sa pagtulog.

Maya-maya tumigil sa pagtili at pagsigaw ang babae, napagod ata at nagpahinga. Mabuti naman at wala ng sagabal sa pagtulog ko. Pinagpatuloy ko ang pagtulog ko ngunit naisip ko kung tumalon na nga ba ang babaeng iyon.

Wala na talagang maingay? Ano kaya yung nangyari sa babae? Akala ko nagpakamatay na siya pero ng tinignan ko ayon nakatingin lang pala sa kawalan.

Napatampal ako sa ulo ko, nagpakamatay na siya dahil lang sa mga ganitong problema. Narinig ko lahat ng sinabi niya tungkol sa problema niya sa mga subjects niya.

Ayaw niya ng Physics at Math, nahihirapan pala siya sa mga subjects na yon, eh bakit hindi siya mag-aral? ano ang silbi ng utak?

Tumili na naman yung babae. Ang sakit pa naman sa tenga yung boses niya. Dito pala niya nilalabas ang mga problema niya, ano ang lugar na iyo, stress reliever niya? Hindi ko na nakayanan kaya nagsalita na ako. Nakahiga parin ako sa may semento.

"Ang ingay mo!" sita ko sa kanya, nainis na rin ako syempre ngunit hindi ko yun masyadong pinahalata.

Lumingon siya sa akin, biglang nanlaki yung mga mata niya. Hindi niya ba expected na may kasama siya sa rooftop habang sumisigaw o nabigla siya dahil ako ang nakita niya? Parang matatawa ako ng malakas sa reaksyon nung babae nung makita niya ako iyong mga mata niya naalalaki at pinapawisan ang bumbunan niya.

Hindi niya ba alam na may nakikinig sa mga sinasabi at sinigaw niya kanina pa? Parang nahiya yung babae sa akin at hindi na makatingin na tuwid. Tumingin ulit siya sa akin at nagsalita ito.

"Sino ka?" Hindi pala niya ako nakikilala, akala ko lahat ng babae sa school na ito ay kilala ako. Hindi naman sa pagyayabang, lahat yata ng students dito sa St. Peter Academy kilala na yata ako pero wala ako pakialam kung hindi niya ako kilala. Mas maganda nga eh, bago sa tenga niya.

It was kinda refreshing hearing that this girl don't know him.

Hindi ako sumagot sa tanong niya kundi ay tumingin lang ako sa kanya. Ilang minuto din kaming nagkatinginan sa isa't-isa. Isang mahabang katahimikan dahil walang nagsalita sa amin.

Parang nag-iisip iyung babae ng sasabihin sa akin. Napatingin ako sa name plate niya, Izabelle Samara Ramirez ang nakalagay sa name plate niya. She has a nice name bagay sa kanya, napabuntong hinga ako. Nasira na ang tulog ko kaya mabuti ng umalis dito. Bumalik agad sa utak ko ang mga gagawin ko sa office.

Biglang nagsalita yung girl at nakahuma na ata sa pagkabigla. "K-kanina ka pa ba dito?"

"Oo kanina pa ako rito" sabi ko sa kanya. "Narinig ko lang naman lahat ng sinabi mo, ang ingay mo, hindi tuloy ako makatulog ng maayos salamat sayo." Sarkastiko kong sambit rito.

Hindi kumibo yung babae na nagngangalang Izabelle. Kaya nagsalita ulit ako sa kanya.

"Alam mo kung nahihirapan ka sa mga subjects mo edi sa mag-aral ka ng mga lessons in advance para di mo makalimutan hindi yung isisigaw mo dito sa rooftop, napakaingay mo pa tss. Hindi ka matutulungan ng pagsigaw na iyan."Tiningnan niya ako masama na nakataas ang kilay.

Rightfully His ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon