Chapter 63 Friends

Start from the beginning
                                    


Pumasok kami sa isang shop ng mga nag gagandahang damit pang babae. Nauna si Kiel at binati siya ng mga staff doon. Magkahawak pa rin kami ng kamay at sumusunod lang ako sa kanya.




"We're here!" Sigaw niya at may na-aaninag akong babaeng naka-upo sa isang sofa. Tumayo siya.


"Kuya!!" Agad niyang sinalubong si Kiel ng yakap. Hinila ako ni Kiel papunta sa tabi niya. Nakita ko ang mukha ni Katelyn na nagbago. Biglang dumilim at nangasim ang mukha niya.



"Kuya! Nasaan si Ate Ingrid?!" Tanong niya.

"Katelyn! I told you na busy si Ingrid. Naghahabol siya ng mga lessons, okay?" Sagot ni Kiel sa kapatid niya.



"Then sino ang tutulong sa akin na mamili ng susuotin ko?" Medyo irritadong tanong niya.

"Si Jassy." Diretsong sagot ni Kiel. Napalingon ako sa kanya dahil sa gulat.



"Ako?" Tanong ko at lumingon siya sakin.

"Yes." Sagot niya at ngumiti sa akin. Binaling niya ulit kay Katelyn ang kanyang atensyon.



"I know she can help you, Katelyn. I trust her." Sambit niya sa kapatid niya. Kita ko sa mukha ni Katelyn na gustong-gusto niyang umangal dahil sa desisyon ng Kuya niya.


"Iiwan ko muna kayo dito? May pupuntahan lang ako." Paalam samin ni Kiel. Nagulat ako kaya napahawak ako sa braso niya.



"Teka? Iiwan mo ako dito?" Agad kong tanong sa kanya.

"Yes baby. Sandali lang. Babalik din ako." Sagot niya sakin at pinisil niya ng mahina ang pisngi ko.



"I'll go ahead. Be nice to Jassy, Katelyn." Tumingin siya sa kapatid niya bago sakin. 

"Bye baby." Bago siya umalis ay hinalikan niya muna ako sa noo ko.




Parehas kaming walang nagawa ni Katelyn nang maiwan kaming dalawa sa shop na 'to. Parehas kaming tahimik at hindi nagkikibuang dalawa. Narinig ko ang pag buntong hininga niya na may halong pagka-irita.


"Uhmm..Ma'am. Pwede na po kayong pumili." Sambit sa amin nung babaeng staff. Siya ang bumasag ng katahimikang bumabalot sa aming dalawa kanina.



Padabog na tumayo si Katelyn at pumili ng susuotin niya. Umupo lang ako sa sofa habang tinitingnan siya. Ayokong makialam sa susuotin niya dahil hindi naman kami close, kahit na sinabi pa ng Kuya niya. Hinayaan ko lang siya. Nakita ko siyang naglalakad na papunta sakin at may hawak na dalawang damit.


"Pick" Simpleng utos niya sakin. 



Sa kanang kamay niya ay hawak niya ang isang dress na kulay pink na may ruffles sa baba na hanggang tuhod lang ang haba. Sa kaliwa naman niya ay hawak niya ang isang itim na fitted na damit at medyo nagpapakita ng dibdib. Magkaibang-magkaiba ang damit na hawak niya. 

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now