Chapter 7 He's the Brother

15.9K 327 1
                                    


7: He's the Brother


«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



Tumayo na si Ate Dianna nang biglang....may sumigaw at tinawag siya.


"Ate Dianna!!!" Lumingon ako at laking gulat ko nang makita ko kung sino ang tumawag kay Ate Dianna.

Napalunok ako nang sundan ko siya ng tingin at naglakad siya palapit kay Ate Dianna.


"Ate yung pera ko?" Sambit niya kay Ate Dianna. Linahad niya ang kanyang palad kay Ate Dianna na para bang nanghihingi ng pera. Biglang kumunot ang noo ko. Bakit kaya niya hinihingan ng pera si Ate Dianna?


Habang naghihintay siya. Bigla niyang hinawakan ang buhok niya at sinuklay niya ito gamit ang kanyang daliri. Mas lalo akong napalunok. Ang pogi naman niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya. Talaga namang pagkakaguluhan 'to ng mga babae.


Bigla siyang napatingin sakin kaya nataranta ako. Ngumiti siya nang makita niya ako.

"It's you." Sambit niya sabay turo sa akin. Ngumisi naman ako ng hilaw sa kanya tsaka biglang pumalahaw sa pagtibok ang puso ko.


"Kilala mo siya?" Kunot noong tanong ni Ate Dianna sa kanya.

"Oo, siya yung bumangga sakin kanina. Sinungitan pa nga niya ako eh." Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya. Gusto kong tumutol sa sinabi niya pero hindi ko magawa.


FYI lang pogi, ikaw yung nangbunggo sa akin.


"Nagkita na pala kayo. By the way, this is Jassy." Pagpapakilala sa akin ni Ate Dianna. Tumingin ako sa kanya at pinipilit kong ngumiti.


"Hi, Jassy!" Bati niya sa akin. Ngumiti ako ng na-iilang sa kanya.



"Jassy siya naman si Drake, kapatid ko." Mas nanlaki pa ang buka ng bibig ko dahil sa sinabi ni Ate Dianna. Kapatid ni Ate Dianna itong lalaking 'to na nagngangalang...Drake?! Shocked.


"He...Hello Drake." Na-uutal na bati ko sa kanya. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Nahihiya ako.


"Bago lang siya dito Jassy. Gr.9 din siya. Hindi ata kayo magkaklase eh? Section 2 siya." Pagpapakilala naman ni Ate Dianna dito sa kapatid niya.


Bigla akong may naalala. Siya ata yung bagong transferee dito. Yung pinagtitilian kanina ng mga babae. Shete! Wala akong masabi. Sinungitan ko ang kapatid ni Ate Dianna. Omo!!


"Ate Sorry kung nasungitan ko yung kapatid mo. Hindi ko naman alam eh. At tsaka kahit na siya yung bumunggo sakin, ako yung nag-sorry." Paghingi ko ng kapatawaran kay Ate Dianna. Ngumiti lang sa akin si Ate Dianna.


"Jassy para kang baliw! Hayaan mo na. Tahimik kasi yang si Drake. Hindi yan marunong magsalita." Nakangiting sagot niya sa akin. Ganun ba siya? Hindi palasalita? Kaya ba hindi siya makapagsalita kanina kasi mahiyain sya? Hala. Ang Cute naman.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon