Chapter 53 I Love Her (Part 1)

11.6K 319 15
                                    


53: I Love Her (Part 1)

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»




Kiel's POV


"Sabi sa inyo mga pre eh! Effective ang ginawa natin." Proud na sambit ni Aiden habang sumasandal sa upuan at prenteng nagre-relax lang.


"Paniguradong naakit na ang mga yun." Tumatawang sagot ni Kuya Joshua na umiinom ng orange juice habang may bulaklak pa sa tenga na hiningi niya kanina sa isang bata.



"Pero umayos ka Kiel! Wag na wag mong gagawin yun kay Jassy. Kundi alam mo na ang kahahantungan mo." Banta sakin ni Kuya Joshua. Tumingin lang ako sa kanya at tumango. 


"Hahaha! Kawawa ka naman pre! Hindi ka pa ata nakaka first base kay Jassy eh." Asar ni Aiden. Sikmuraan ko kaya siya?



"Gagu! Wag mo nga akong itulad sayo na naka home run na!" Giit ko sa kanya. 


T*ng ina niya! Ka-bwiset! Kahapon ko pa hindi nakakasama si Jassy. Tapos ipapamukha pa niya sakin? Shit! Hindi ko siya maka-usap, mayakap at mahalikan. Tapos kagabi todo ngiti siya doon sa sunog na yun. Muntik ko na ngang basagin yung bungo nung sunog na yun. Feeling close kay Jassy. 



Kaya nag-inom ako ng nag-inom kagabi. Hindi ko na nga nabilang kung ilang bote ng alak ang nainom ko. Hindi ko na nga rin nakita si Jassy. Nauna na yatang natulog. Sabi nila magsaya kami kagabi pero hindi ko nagawang magsaya dahil naiisip ko pa din ang away namin ng babaeng mahal ko.


Kaya Fvck! Eto ako hang-over ang inabot. Ginising nga lang nila akong dalawa at sinama sa plano nilang pang-aakit sa mga girlfriend namin. Tss. Ayoko nga ng naisip nilang yun eh. Ang katwiran naman daw nila ay dahil kagabi sina Kyla at Ate Dianna ay nakipagsayaw ata sa ibang lalaki. Ay ewan ko. Madami silang dahilan. Nakakairita.



Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari pero iisa lang ang sinasabi ng damdamin ko. Iyun ay Miss na miss ko na si Jassy.



"Wag mo ako magagu-gagu! Hindi lang kayo bati ni Jassy dyan eh." Asar na kantyaw sakin ni Aiden na dinilaan pa ako. Tsk! Mukha siyang aso. T*ng ina.

"Hindi pa rin ba kayo nagkaka-ayos ni Jassy?" Tanong ni Kuya Joshua sakin.



"Hindi pa.." Simpleng sagot ko sa kanya.

"Lambingin mo kasi. Gagu ka! Ang pabebe mo! Gusto mo ikaw yung linalambing, eh ikaw ang lalaki. Kaya dapat ikaw ang maglambing." Pangaral sakin ng mukhang aso ay este ni Aiden pala.



Kinuha ko ang isang mineral water na wala nang laman at binato ko sa kanya. Dahil ugok siya. Ayun natamaan ang mukha niyang carbon copy ng aso. 

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon