Chapter 32 End

11.1K 363 8
                                    


32: End

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


Naka-upo ako ngayon sa passenger's seat ng kotse ni Kiel. Yakap-yakap ko pa din ang sarili ko habang hinihintay ang pagpasok ni Kiel sa kanyang sasakyan. Nakatingin lang ako sa bintana ng kanyang kotse habang nakasandal.

Pinagmamasdan ko ang kalangitan na puno ng mga bituin. Mabigat pa din ang pakiramdam ko. Naramdaman ko ang paglaglag ng aking luha sa aking pisngi. Sariwa pa din sa aking isipan ang nangyari kanina. Para bang kahit yari na ang nangyari ay ramdam ko pa din ang sakit. Napapikit ako. Huminga ako ng malalim upang mapakalma ang aking sarili.


Narinig ko ang pagbukas ng pintuan, mabilis akong umayos ng upo. Pinunasan ko ang aking pisngi. Nakita ko si Kiel na kakapasok lang sa loob ng kanyang sasakyan. Nanatili lang sa harapan ang aking mga mata, hindi ako makatingin sa kanya.

Umupo siya sa driver's seat, inabot niya sa akin ang isang brown paper bag. Tumingin lamang ako sa kanyang hawak-hawak.


"Suotin mo muna ang damit ko." Mahinang sambit niya. Nanginginig kong kinuha ang paper bag na hawak-hawak niya.

Binuksan ko iyun at nakita ko ang isang puting t-shirt sa loob. Kinuha ko iyun at tiningnan. Tuluyang nasira ni Kiel ang suot kong damit.


"M-Magbihis ka muna, lalabas muna ako." Sambit niya tsaka lumabas muli sa kanyang sasakyan.

Sinundan ko lang siya ng tingin habang nasa labas siya ng sasakyan niya at nakasandal sa pintuan. Suminghap ako bago ko isinuot ang damit ni Kiel. Ipinatong ko na lang ito sa damit na suot ko. Inayos ko ang buhok ko at kinatok ang bintana ni Kiel.


Narinig naman niya iyun kaya kaagad siyang pumasok sa loob. Yinakap kong muli ang aking katawan. Ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan. Lumingon siya sa akin pero hindi ako lumingon sa kanya.

"Uminom ka muna." Sambit niya tsaka inabot ang isang bote ng tubig sa akin.


Inabot ko ang bote ng tubig ngunit hindi ko sinasadyang mahawakan ang kanyang kamay. Kaagad na kumabog ang puso ko at natataranta akong humarap sa kanya.

Mabilis na nagtama ang mga mata namin ni Kiel. Walang emosyon ang kanyang mukha. Pumikit siya at nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang adam's apple.


"I'm really sorry, Jassy. I never meant to hurt you." Mahinang sambit ni Kiel sa akin. Naramdaman ko ang pangingilid muli ng aking mga luha. Nanatili lang akong nakatingin kay Kiel.

Yumuko siya at napa-iling. "You don't deserve this."


Inangat niya ang kanyang ulo, mabilis na nagtama muli ang aming mga mata. Naramdaman kong hinawakan ng kabilang kamay niya ang kamay kong nakahawak sa bote ng tubig. Parang pinaso ang balat ko nang maramdaman ko ang hawak niya.

"You don't deserve me, Jassy." Nabasag ang kanyang boses. Lumandas naman sa aking pisngi ang luhang pinipigilan ng aking mga mata.


"Kaya siguro, we should just remain, strangers." Sambit ni Kiel.

Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko dahil sa sinabi ni Kiel. Naalala ko ang maraming araw na hindi kami nagpansinan ni Kiel. Akala ko'y ayos lang sa akin iyun pero sa bawat araw na makikita ko siya sa malayo at sa tuwing maaalala kong hindi na ulit mauulit ang masasaya naming ala-ala noon, mas hinihiling ko lang na huwag malayo sa kanya.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon