Chapter 45 Out of town

11.3K 246 20
                                    


45: Out of town

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


"I don't like you as my Kuya Kiel's girlfriend." Sambit ni Katelyn habang nakahalukipkip.

Hindi naman ako kaagad nakasagot dahil hindi ko maiproseso kaagad ang kanyang sinabi.


"H-Huh?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Kumalas ang mga braso niya mula sa pagkaka halukipkip nito.

"Didn't you hear me? Ayoko sayo!" Mataray niyang sagot sakin. Napalunok ako habang nararamdaman ang pagkirot ng aking puso.


"Listen, kahit ano naman ang gawin ko. Kita ko naman na in love na in love sayo si Kuya at sa tingin ko wala nang makakapagbago ng nararamdaman niya sayo." Sambit niya. Nakatingin lang ako sa kanya na tila ba nawala ang aking dila sapagkat hindi ako makasagot.

"Pero hindi pa rin mababago nun ang opinyon ko na I don't like you as my Kuya's girlfriend." Dugtong niya at umirap muli ang kanyang mga mata.


Yumuko ako habang nangangapa ng isasagot sa kanya.

"I-I understand..." Mahinang sagot ko sa kanya. Kahit masakit ay naiintindihan ko. It's her opinion. Kagaya ng mga humahanga kay Kiel, I cannot change their mind na gustuhin ako para sa iniidolo nila.


But I know one thing I can do.

"But let me..." Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya. Tinaasan niya lamang ako ng kilay. "Let me show you that I am deserving of your brother's love."


Sarkastikong tumawa si Katelyn. "How?"

Huminga ako ng malalim tsaka ngumiti sa kanya. "I will love Kiel right."


I may not be better like the other girls, but I can assure Katelyn that I will love her Kuya right and that my love for Kiel is pure and true.


"Psh. Just don't tell Kuya about sa sinabi ko sayo." Sagot niya sa akin. Naningkit ang mga mata niya sa akin. "Kung hindi, gagawa ako ng paraan para maghiwalay kayong dalawa."


Tumayo siya tsaka umirap muli bago naglakad palayo. Hindi ako nakasagot kaya sinundan ko na lamang ng tingin si Katelyn

"Oh, Katelyn? Are you done?" Tanong ni Kiel nang makasalubong niya ang kanyang kapatid.


"Ayoko nang kumain, Kuya. Nakakaumay." Sagot niya.

"You don't like the food? Anong gusto mong ipaluto kay Halmoni?" Tanong ni Kiel kay Katelyn. Bumaling ang kapatid niya sa kanya tsaka umiling.


"I'm good. Mas gusto ko lang yung dati." Sagot muli ni Katelyn. Sa puntong ito ay lumingon at naningkit muli ang mga mata niya sa akin.

"I'm tired. Magpapahinga na lang ako. Bye, Kuya!" Masiglang paalam ni Katelyn sa kanyang Kuya. Ngumiti siya at bago umakyat ng hagdan ay tumingin muli siya sa akin na tila ba ay pinapaalala niya ang bilin niya.


Iniwas ko na lamang ang mga mata ko sa kanya at nagkunwaring kumakain.

"Okay, fine. Take a rest." Sambit ni Kiel at naglakad na pabalik sa hapag kainan.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon