Chapter 43 Undeserved

13.4K 319 10
                                    


43: Undeserved

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


"Uuwi na ako, Kiel." Sambit ko habang pigil-pigil niya pa rin ako sa aking palapulsuhan.

Hinarap niya ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Kiel ngayong ganito ang itsura ko.


"Ihahatid kita. Mag-usap muna tayo." Sambit niya sa akin habang hinuhuli ang mga mata ko.

"Ano pa bang pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya. Sinikap kong mainis dahil baka sakaling pakawalan na niya ako.


Umigting lang ang panga niya sa akin. Nabigo ako, hindi niya ako pinakawalan. Hinila lang niya ako papunta sa balcony ng bahay nila Lance. Sa kabilang side ito kaya walang masyadong tao sa ibaba.

"Explain your side." Sambit ni Kiel at sinuklay ang buhok niya habang tinungkod ang mga kamay sa balkonahe.


Napatingin lamang ako sa kanya. Mabilis kong naramdaman ang malamig na hampas ng hangin. Mas lalo kong yinakap ang aking sarili.

"Anong i e-explain ko?" Wala sa sariling sagot ko sa kanya. Seryoso niya akong binalingan.


"Tell me everything that happened nung umalis ako saglit." Sambit niya tsaka umayos ng tayo at humarap sa akin. "Anong nangyari nung wala ako sa tabi mo?"

Hindi ako kaagad nakasagot. Kiel wants me to tell him what happened nung umalis siya. Paano ko sasabihin yun?


'Sinabi lang naman ng mga nagmamahal sayo na hindi ako pang seryoso. Na sa aming dalawa ni Ingrid, ako yung pang loko lang kasi ito lang ako eh.'

Ganun ba dapat sabihin sa kanya?


Huminga ako ng malalim bago sumagot sa kanya. "Natapunan lang ako ng isa sa mga bisita."

Lumunok ako at umiwas ng tingin sa kanya. Naramdaman ako ang paghakbang niya.


"Nakita ako ni Lance kaya tinulungan niya ako." Linunok ko ang isang bagay na bumura sa aking lalamunan. "Iyun lang yun."

Naramdaman ko ang kamay ni Kiel sa aking siko. Hinawakan niya ito para ilapit ako sa kanya. Iniwas ko naman ang mga mata ko.


"Is that all?" Tanong ni Kiel. Nakayuko akong tumango sa kanyang tanong.

Sandali kong sinilip ang mukha ni Kiel. Pagod ang mga mata niya pero mas nananaig ang pag-aalala niya. Mabilis kong ibinaba ang aking mga tingin nang mapansin ito ni Kiel.


"Okay..." Bumuntong hininga si Kiel. Hindi ako nakapalag nang mabilis niya akong hinila palapit sa kanya at yinakap ng mahigpit.

"I'm sorry, baby." Bulong ni Kiel habang nakayakap sa akin.


"This feeling is new to me. Paranoid man pakinggan pero baka nga baliw na ako." Sambit niya habang yakap-yakap ako. Tinaas ko ang ulo ko at kunot noong tumingin sa kanya.

"Yes, baby." Sambit ni Kiel nang yumuko upang magtama ang aming mga mata.


"I'm head over feels to you, Jassy. To the point that I don't want any boys near to you. Kahit kaibigan ko, ayokong lumapit sayo." Pag-amin ni Kiel.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon