Chapter 19 Is this Real?

15.6K 325 37
                                    

19: Is this Real?


«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



"May gusto akong sabihin sayo..." Sambit ni Kiel habang hawak-hawak niya ang palapulsuhan ko. Nanatili akong nakatalikod sa kanya habang kumakabog naman ng husto ang aking puso.

Hinigit niya ang palapulsuhan ko para magkaharap kaming dalawa. Mabilis na nagtama ang aming mga mata. "A-ano yun?"



Nauutal kong sambit sa kanya. Ngumiti siya bago nagsalita.

"Gusto kita..." Sambit niya dahilan para biglang manlaki ang mga mata ko. Mas lalong kumabog ng mabilis ang aking puso. Nanatili ang mga mata kong nakatingin sa kanya.



"G-gusto mo ko?"  Wala sa saring tanong ko sa kanya. Tumango siya at sa puntong iun ay hindi ko na alam kung anong gagawin at sasabihin ko. 


"Yup. Gusto kitang isama sa birthday ni Ingrid." Sagot niya at dahan-dahang kinalas ang kamay niya sa palapulsuhan ko.



Natigilan ako at hindi ko alam kung paano ipo-proseso ang nangyari. Akala ko'y sinabi ni Kiel na gusto niya ako, pero gusto lang pala niya akong isama sa birthday ni Ingrid. Hindi ko alam pero parang nadismaya ako nang malaman ko ang alin ang totoo sa hindi.


"Ni Ingrid?" Paninigurado ko sa kanya.



"Hindi! Si Maddison. Sino ba ang gusto ko? Diba si Ingrid? Aish!" Pilosopong sagot niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang ipagdiinan ni Kiel na si Ingrid ang gusto niya. Tsk!


"OKAY!" Irritableng sagot ko sa kanya. Tumalikod na ako at tuluyan nang lumabas ng clinic. Naglakad na ako palayo. Narinig kong tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.



Mama Janine calling


Natigil ako sa paglalakad nang marinig kong may tumatawag sa aking cellphone. Kinuha ko ito at nakita kong tumatawag si Mama kaya agad ko 'tong sinagot.



"Hello? Mama?"

(Anak?)



"Yes, Ma?"

(Anakmay ginagawa kasi si Mama mo. And I need to get may dress para doon sa kasal na a-attend-an ko this Thursday...) Hindi pa tinutuloy ni Mama ang sasabihin niya pero mukhang alam ko na kung san 'to papunta.



(May ginagawa ka ba, anak?)

"Wala naman po, Mama..."



(Can you get Mama's dress? They already called me, and pinapa-pick up na sa akin ang dress ko pero busy si Mama eh.)

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon