Chapter 17 Siomai

14.1K 288 20
                                    


17: Siomai


«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



"We'll talk." Simpleng sagot ni Kiel nang hindi ako binabalingan ng tingin. Hinayaan ko lang ang sarili kong magpahila sa kanya. Tumigil lang kami sa isang corner ng mall na walang masyadong taong dumadaan. 

Nang huminto si Kiel sa paghila sa akin ay kaagad kong kinalas ang braso ko sa kanyang kamay. Hinawakan ko ito habang masamang nakatingin sa kanya. 


"Tell me." Utos niya. Kumunot ang noo ko. 

"Tell you what?" Tanong ko pabalik sa kanya. He smirked at me and laugh sarcastically.


"Don't pretend like you don't know what I'm saying, Jassy." Sambit niya sa akin. Napalunok ako habang diretso ang mga tingin ko sa kanya. Bumuntong hininga ako.


"Okay, fine!" Sambit ko tsaka inayos ang sarili. "Hindi totoong may project akong gagawin, nagsinungaling ako sayo nung sinabi ko yun."

"Kaya mo ba ako rineject kasi si Drake ang tinanggap mo?" Tanong niya sa akin. Nanalaki ang mga mata ko sa tanong niya.



"Hindi, Kiel!" Mabilis kong sagot sa kanya. "It's the other way around. Nauna akong ayain ni Drake kaya sa kanya ako sumama. Kung ikaw rin naman ang nasa posisyon ko, pipiliin mo rin naman yung nauna."


"Are you sure pipiliin ko ang mga nauna?" Nakangising tanong ni Kiel sa akin. Inangat ko ang ulo ko tsaka siya tiningnan.



"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Linagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa.


"I told you, I'll always choose my last in everything." Sambit niya tsaka ngumiti sa akin ng makahulugan. 



Kumunot ang noo ko habang magkatinginan kami ni Kiel. Bahagya siyang malayo sa akin pero diretsong nagtatama ang aming mga mata. Hindi ko nakuha kung ano ang gustong iparating ni Kiel sa sinabi niya.


"Kung nauna mo lang naman akong inaya, edi sayo ako sasama." Katwiran ko sa kanya habang umiiwas ako ng tingin sa mga mata niya. Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina. Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya.



"Don't worry. From now on, I'll be your first." Sagot niya tsaka ngumisi sa akin. Mas lalong kumunot ang noo ko.

"A-anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.



"Sino ang kausap mo kanina?" Tanong niya sa akin at tila ba'y hindi pinansin ang tanong ko. Nawala ang mga ngisi sa labi ni Kiel at napalitan iyun ng seryosong mukha. Biglang kumabog ng husto ang puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa tono ng pagtatanong ni Kiel.


"A-ayos ka lang ba Kiel?" Nauutal kong tanong sa kanya. Bigla siyang nagbuntong hininga.


What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon