Chapter 29 Her Realization

14K 314 10
                                    


29: Her Realization

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encountered. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



Jassy's POV



"Kami na ulit ni Ingrid. Sinagot na niya ako." Masiglang saad niya sa akin. Kita ko sa mga mata at ngiti niya ang kasiyahang nararamdaman niya.


I should be happy for them, right? But right now, my heart is aching for Kiel. Hindi ko alam kung bakita ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag bakit kumikirot ang puso ko. Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Paulit-ulit na umikot sa aking isipan ang sinabi ni Kiel, na para bang isang sirang plaka ito. 



"Ang galing natin!" Nakangiti niyang sambit sabay taas ng kanang kamay niya. Napatingin ako rito at nagtaka. Inangat ko ang kamay ko, hindi na niya hinintay ang paglapit ng kamay ko at siya na mismo ang nakipag-apir sa akin.


Bakit ganito pa ang dapat kong maramdaman? Kumpara sa sakit na naramdaman ko kay Drake, masasabi kong mas masakit ito.




"Ahh..." Walang kwentang sagot ko sa kanya. Mabilis naman siyang umismid.


"Tss. Ayan lang ba ang masasabi mo? Ikaw pala 'tong walang kwenta kausap eh." Giit niya sa akin tsaka sinamaan ako ng tingin.



"Anong gusto mong sabihin ko?" Nakayuko kong tanong sa kanya tsaka ko pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Malamang congrats?" Natatawang sagot ni Kiel sa akin. Inangat ko ang ulo ko tsaka tumingin sa kanya.



"Edi congrats." Sagot ko sa kanya. Tumaas naman ang kilay niya sa akin.

"Bakit parang hindi ka masaya?" Tanong niya sa akin. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya.



"H-Hindi ah. Masaya ako para sa inyo." Sagot ko tsaka pinilit kong tumayo. 

Napahawak ako sa gilid ng kama nang maiapak ko ang aking paang natapilok. Kaagad ko iyung binawi at kumuha ako ng balanse.



"San ka pupunta? Hindi ka pa okay." Sambit ni Kiel at nakita ko siyang tumayo sa gilid ko. Umamba siyang tutulungan ako pero hinarang ko ang kamay ko sa kanya.

"Okay lang ako. Kaya ko na." Sambit ko nang hindi tumitingin sa kanya. Pinilit kong makalabas ng clinic kahit na iniinda ko pa rin ang paa kong natapilok.



"Teka!" Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Mas pinilit kong makalakad kahit na nahihirapan ako.


"Jassy!" Rinig kong tawag niya sa akin. Bahagya akong napatigil nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Huminga ako ng malalim.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon