Chapter 38 Sacrifice

14.4K 395 21
                                    


38: Sacrifice

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»




Jassy's POV


"Haaay, ang munting prinsesa. Mahal na mahal ka talaga nila nuh?" Umiiling-iling na sambit ni Ivory habang naglalakad siya pa-ikot sa akin. Sinusundan ko lamang siya ng masasamang tingin.


"Tingnan ko lang kung saan pupunta yang pesteng pagmamahal na yan. Tingnan natin kung may magagawa yan pag nasa bingit ka na ng kamatayan." Pagbabanta niya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot sa aking dibdib. Lumapit siya sakin. Tiningnan niya ako ng masama.


"Let's see if that stupid thing they called love can save you, Princess Jassy." Dugtong niya at inirapan niya ako. Naglakad na siya palayo sa akin. Pumunta siya sa lamesa kung nasaan ang boyfriend niya. Mabilis niyang hinalikan si Heath. Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanila.

HIndi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Hindi maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko ngayon. Hinahabol ko ang hininga ko habang pinagdadasal sa Diyos na sana'y magawa ko pang makita ang pamilya ko.


Katapusan ko na ba?


Hanggang dito na lang ba ako?


Bakit kailangan ganito ang maging kamatayan ko?


Paano kung hindi lang ako ang saktan nila? Paano kung may gawin din silang masama kay Kuya Joshua? Parang kabayong tumakbo ng napakabilis ang puso ko. Sobra ang kabang nararamdaman ko. Nanginginig ang katawan ko sa mga tanong naiisip ko.


"Kumain ka muna." Lumingon ako sa aking gilid. Nakita ko siyang humihithit ng sigarilyo. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi ko magawang makapagsalita dahil sa pesteng tape na nasa bibig ko.

"Talagang nagsayang ka pa ng pera Jasper para diyan sa babaeng yan." Naiiling at natatawang kantyaw ni Heath habang nakataas ang dalawang paa sa isang bangkuan at prenteng nagpapasarap sa buhay.


"Baka kasi magutom ang prinsesa natin. Mahirap na." Nakangising sagot ni Jasper sa Kuya niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Bagay talaga siya sa dumpsite. Bagay ang mga katulad niyang plastik sa isang tambakan ng basura. Isama na rin niya ang Kuya niya at si Ivory. Magsama-sama silang mga plastik.


"Wag kang kabahan. Hindi ka naman mamamatay sa pagkaing yan, wala naman akong linagay na lason or what." Seryoso ngunit nakangising sambit ni Jasper sa akin. Tiningnan niya ako ng diretso sa aking mga mata.

"Kaya kumain ka na." Utos niya sa akin. Tinanggal niya ang tape na nasa bibig ko kaya nagkaroon ako ng paraan para makapagsalita.


"Tao ka pa ba? Tao pa ba kayo? Hindi makatao 'tong ginagawa niyo! Mga walang puso! Wala kayong kwenta!" Naiiyak na sigaw ko sa kanila. Pakiramdam ko malalagot na ang ugat ko sa leeg sa sobrang pagsigaw ko.

Lumingon ako kay Jasper. Masama ko siyang tiningnan. "Sana naniwala ako nung sinabi nilang layuan kita. Nagsisisi akong pinagkatiwalaan kita! Mga plastik kayo! Walang puso!"

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon