Chapter 33 Blessing in disguise

13.2K 363 13
                                    


33: Blessing in disguise

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»    



"I'll make you safe, my princess."

Hindi ko inakala na sa gabing sasabihin iyan ni Kiel ay tototohanin niya ang mga binitawan niya salita. Kinabukasan ay napansin kong hindi na niya ako linalayuan at iniiwasan. Akala ko ay nasabi lang niya iyun dahil sa kalasingan niya ngunit nagkamali ako.


Habang naglalakad ako sa hallway ng University ay nakita ko siya sa di kalayuan. Kasama niya ang mga kaibigan niya. Nakatayo siya at nakasandal sa haligi habang diretsong nakatingin sa akin. Tila ba'y hindi niya pinapakinggan ang mga kwento ng mga kasama niya at busy siyang tumingin sa akin.

Kaagad akong napayuko at napa-iwas ng tingin sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makapunta ako sa loob ng canteen. Bumili ako ng tubig at kaagad ko naman iyung ininom. Para akong naubusan ng tubig dahil sa kaba kanina.


Naglakad na ako palabas ng canteen ngunit napahawak ako sa dibdib ko nang biglang may magsalita sa paglabas ko.

"How's your arm?" Tanong niya sa akin habang nakahalukipkip siya at nakasandal sa gilid ng pintuan ng canteen.


"Kiel..." Tawag ko sa kanya nang makita ko siya. Lumingon siya sa akin tsaka ako tiningnan.

"Rineport mo ba sa pulis ang nangyari sayo?" Tanong niya sa akin. Umiling ako.


"Hindi..." Sagot ko sa kanya.

"Bakit hindi?" Mabilis na tanong niya sa akin.


"Hindi ko sila namukhaan eh, at tsaka mabilis ang pangyayari." Sagot ko sa kanya.

"Tsk, mag-iingat ka kasi. Napapano ka tuloy." Pangaral niya sa akin.


"Nag-ingat naman ako, sadyang hindi lang talaga maiiwasan ang mga ganong pangyayari." Depensa ko sa kanya.

"Kung kasama mo lang ako nun..." Humakbang palapit si Kiel sa akin. Napatingin lang ako sa mga mata niyang diretsong nakatingin sa akin.


"I won't let this happen to you." Sambit niya sa akin habang umiiling. Nakaramdam naman ako ng lungkot sa aking puso.

"Nandon naman si Jasper. Siya ang tumulong sa akin." Sambit ko sa kanya. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Kiel. Umismid siya samantalang napakunot naman ang noo ko.


"B-Bakit?" Nauutal kong tanong nang mapansin ko ang mukha ni Kiel. Ngumisi siya bago ilinapit ang mukha sa akin, napa-atras ako ng ulo sa ginawa niya.

"You don't just mention another boy's name while you're with me, Jassy." Mahinang bulong ni Kiel sa aking tenga. Para namang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.


Humakbang ako paatras tsaka bahagyang lumayo kay Kiel. Ramdam ko paghuhuramentado ng puso ko. Napalunok ako habang nangangapa ng isasagot sa kanya.

"D-Diba kaibigan mo naman si Jasper?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya sa akin.


What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon